Chapter 31

56 5 0
                                    

"Lady Margie," tawag ni Flora sa adviser ng Reyna. "Saang kaharian ang may lobo na nasasakupan?"

"Ha? Ano ulit mahal na prinsesa?" Tanong ng ginang.

"Anong kaharian po ba ang nakakasakop sa mga lobo?" Saglit namang napaisip ang ginang sa tanong ni Flora.

"Ang Cavanaugh. Sa pagkakaalam ko ay halos lahat ng nandoon ay tao na nag-aanyong lobo." Tumango-tango naman si Flora. Kung ganoon ay papasok pala ako sa lungga ng mga lobo.

"Pupunta po ako doon. Pakisabi na lang po kay Queen Precilda pagkagising niya." Magsasalita pa sa ang ginang nang agad na tumakbo si Flora papunta sa kwarto niya at agad na nagpalit ng damit.

Nagsuot siya ng long-sleeved white blouse, pants at high boots. Binuksan niya ang pinto para lumabas ng agad siyang napaatras dahil sinalubong siya bigla ng Reyna. Gulo pa ang buhok nito maging ang bestida na suot, halatang bagong gising.

"Flora mapapahamak ka kung pupunta ka doon mag-isa!" Napapikit pa ang dalaga nang sumigaw ang Reyna.

"Kailangan ko po pumunta doon. May gusto po akong malaman," pagpupumilit niya.

"Anong kasuotan iyan?! Hindi ka mukhang prinsesa!" Tumawa lang si Flora. "Margie, hindi ito pwedeng umalis na ganito ang suot!"

"Baka hindi ako makalaban kung kasuotan ng prinsesa ang susuotin ko, mahal na reyna. Lungga ng lobo po ang papasukin ko." Napahagod ang Reyna sa kanyang magulong buhok.

"Delikado yon, sigurado ka na ba?" Tumango ang dalaga, kakikitaan ng paninindigan ang kanyang mga mata. "Alam ko na hindi kita mapipigilan. Dalhin mo na lang ito." Inilagay ng Reyna ang seal ng royal family ng Zitoria nang sa ganoon ay makikilala nila si Flora dahil sa seal dahil walang ibang nakakaalam kung ano ang itsura ng prinsesa ng Zitoria.






HABOL ang hininga niya na pinagmamasdan ang tanawin sa kanyang harapan. Cavanaugh have been in turmoil when full moon occurred, and that happened just last night.

Nakaawang ang kanyang mga labi habang minamasdan ang paligid. Walang mga tao, may sirang mga bahay at ang iba sa mga ito ay nasusunog.

Kusang kumilos ang kanyang mga kamay, iminuwestra niya ito sa nasusunog na bahay. Ang paggalaw ng kanyang kamay ay naging dahilan ng biglaang malakas na bugso ng hangin na nagpatay sa apoy ng nasusunog na mga bahay.

Napailing siya at tinahak ang daan na sa tingin niya ay maghahatid sa kanya papunta sa lupain na mismong kinatatayuan ng palasyo ng Cavanaugh.

Nang marating niya ang tarangkahan, wala maski isang bantay dito. Dumiretso na siya ng pasok habang alertong nakikiramdam sa kanyang paligid.

Sa harap niya ay may malaking double door pero walang kawal na dapat ay magbubukas nito. Itinulak niya ito pabukas at kaagad siyang napahinto nang makita ang nasa loob.

May mga kawal doon na nakahandusay sa sahig. Maging ang puting sahig ng palasyo ay napinturahan ng kulay pula. Puno ng katanungan ang kanyang isip nang maglakad siya para libutin ang palasyo.

Matagal siyang naglakad at nagpa-ikot-ikot bago makarating sa tapat ng pinto ng throne room ng Cavanaugh. Desidido siya na komprontahin ang namumuno sa lugar na kanyang tinatapakan. Hindi niya alintana kahit pa nasa teritoryo o lungga siya ng mga ito. At sa oras na manggulo siya ay kaya siyang atakihin ng mga ito nang walang kahirap-hirap.

Binuksan niya na ang double door ng throne room at agad na napatingin sa kanya ang mga tao sa loob. "Commoners are not allowed this room without permission." Mistulang kulog na banggit ng isang lalaki na nakaupo sa trono ng hari. Marahil ay ito ang hari ng Cavanaugh.

Sinalubong ni Flora ang matalim na tingin ng hari gamit ang malamig niyang mga mata. Itinaas niya ang seal na para lang sa prinsesa at kaagad itong nakilala ng hari.

"Nagkakagulo pa ang Cavanaugh, Princess Flora. Hindi kami tumatanggap ng bisita," wika ng hari.

"Hindi ako nandito para bumisita." Itinago ni Flora ang seal sa kanyang bulsa. "Nandito ako para sabihin na lipunin mo ang nasasakupan mo para hindi sila biglaang umatake na lang," mariing sambit ni Flora.

Napabuntong hininga ang hari at bumaba sa trono nito para maglakad papalapit sa kanya. Nang makalapit ang hari sa kanya ay nagsalita ito, "kung ganoon pala ay isa rin sa mga inatake ang Zitoria?" Napahimas sa sentido ang lalaki. "Sumunod ka sa akin, mahal na prinsesa."

Naunang maglakad ang hari kaya sumunod na lang si Flora habang naka-alerto sa paligid. Huminto sila sa tapat ng double door. Binuksan ito ng hari at pumasok sila doon. Ang kwarto kung nasaan sila ay may isang napakalaking bintana at salamin ang harang nito kaya tanaw ang ibang parte ng Cavanaugh.

"Ang nakikita mo na iyan ay gawa din ng aking nasasakupan."

Paanong pati ang sarili nilang kaharian ay inatake nila?

"Iisa lang sa aking mga anak ang nakaligtas mula sa nangyaring pag-atake. Ang panglimang prinsipe lamang ang nakaligtas at sinabi niya sa akin ang mga nangyari." Napabuntong hininga ang hari at muli na namang hinilot ang sentido. "Pangako, sa oras na makabangon ang Cavanaugh ay babawi ito sa mga kaharian na naperwisyo. Pwede mo makausap ang prinsipe dahil hindi naman gaanong malala ang lagay niya."

~+~

Ang unang napansin ni Flora ay ang itsura nito. Kamukha nito ang lalaking naghatid sa kanila ng imbitasyon dati.

"I will be straight to the point. Ikaw ba si nagbigay sa amin ng invitation?"

Marahan na tumango ang lalaki. "Inaasahan ng hari ang pagdating ninyo pero hindi kayo nakapunta."

Napakunot ang noo ni Flora sa sinabi ng lalaki. Hindi niya inaasahan na may koneksyon ang lalaking ito sa imbitasyon na natanggap nila lalo na at napahamak sila dahil dito.

"Paumanhin, pero hindi namin inaasahan ang mga pangyayari," sagot ni Flora, ang kanyang mga mata ay hindi maalis sa mukha ng lalaki. "Hindi namin sinasadya na hindi makapunta."

Ang lalaki ay tumango na parang nauunawaan niya ang sitwasyon. "Naiintindihan ko," sagot niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-unawa. "Pero pwede ko ba malaman ang dahilan para hindi kayo makarating?"

Tumango si Flora. "May Lymoras sa invitation para sa akin. Nang nasa byahe kami papunta dito ay may umatake sa amin."

Kumunot ang noo ng lalaki. "Ibinigay lang sa akin ng pangalawang asawa ng hari ang mga invitation para iabot iyon sa hari." 

May umusbong na ideya sa isip ni Flora. "Nasaan ang ikalawang asawa ng hari?"

Bumuntong hininga ang lalaki. "Nawawala siya. Umaga bago atakihin ang Cavanaugh ay hindi na mahagilap ang ikalawang asawa."

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon