Chapter 18: Back to Zitoria

53 4 0
                                    

Alexandrite's POV

*Kung hindi ako makabalik, ipa-drop-out nyo na lang ako sa skwelahan. May mahalagang bagay akong aasikasuhin at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako.

Wag nyo na lang isipin kung nasaang lupalop ako ng mundo. Ang isipin nyo na lang, inilalayo ko kayo sa kapahamakan.

Wag nyong kakalimutan na alagaan ang sarili nyo. Babalik ako kung kakayanin ko. Paalam.*

Pagkatapos ko magsulat ay pinatong ko yon sa study table ko at pinatungan ng libro para hindi liparin.

Naka-pajama lang ako at t-shirt. Wala na akong ibang dala kundi ang katawan ko at ang lakas ng loob na hindi dapat mawala sakin.

Huminga ako ng malalim at inalala kung ano ang salita na yon. Nung maalala ko ay binanggit ko yon kaagad.

"Zitoria's heiress." Banggit ko sa salita na yon. May liwanag na naman na naghugis pinto kaya pumasok ako doon.

Paglabas ko doon ay nasa gubat ako. Matataas na puno, madilim na paligid. Ang buwan lang ang nagbibigay ng liwanag.

Wala akong masyadong maaninag kaya naglakad-lakad muna ako. Ilang minuto din akong naglakad-lakad saka tumigil at tumingin sa paligid. Nawawala na ata ako.

Sumandal na lang ako sa puno at tumingin sa paligid. May napansin akong gumagalaw hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Pinaliit ko ang mga mata ko para makita yon pero bigla iyong tumalon palapit sakin.

Dahil sa taranta ay tumakbo ako. Hindi ko naman kasi nakita kung ano yon kaya mas makabubuti kung tatakbo ako. Nung mapagod ako ay napaupo na lang ako sa sahig at naghabol ng hininga.

Nakakapagod tumakbo ng tumakbo. Ano ba kasi yong mga yon?

Pinakiramdaman ko ang paligid ng may marinig akong mahinang angil. Hanggang sa unti-unti na yong lumalakas kaya tumayo ako.

Nung may marinig akong malakas na tahol ay napatakbo ako ulit. Kailan ba ko titigil kakatakbo ha?!

Habang tumatakbo ay bigla akong natisod kaya gumulong ako pababa. Gubat ba talaga to? Bakit may matarik na side?!

Nagpagulong-gulong ako dahil hindi ko magawang tumayo. Napamura na lang ako nung tumama yung likod ko sa puno.

Dahil sa puno ay nagawa kong tumayo. Naglakad na yung mga lobo ng dahan-dahan para makalapit sakin kaya umatras ako. Lobo pala yung kanina lang humahabol sakin.

Dahil sa pag-atras ko ay nakalayo ako sa kanila ng kaunti. Napabaling ako sa likuran ko nung maramdaman ko na wala na kong tatapakan. Tubig ang nasa ilalim. Kapag kaya tumalon ako, mabubuhay pa ba ko?

Nanlaki ang mga mata ko nung nagkaroon ng crack ang tinatapakan ko. Yung crack ay nasa pagitan ko at nung mga lobo. Hindi ko na sinubukan maka-alis dahil baka kainin lang ako ng mga lobo.

Humiwalay na yung lupa na tinatapakan ko kaya nasama ako na malaglag.

Naramdaman ko na nalaglag ako sa tubig. Nagkaroon ng malakas na alon kaya natangay ako. Hindi ko na pinilit lumaban dahil hindi naman ako marunong lumangoy.

Hinayaan ko na lang na tangayin ako ng alon sa kung saan. Dahil sa alon, humampas ang ulo ko sa bato. Unti-unti na din akong nakakaramdam ng antok kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Mukha yatang ayaw ng tadhana na makabalik ako kila mama.

Malamang ay walang makakakita ng bangkay ko. Hindi ko naman hiniling na magkaroon ng mahirap na kamatayan. Mas gusto ko yung mamamatay ako na hindi man lang naghihirap.


Pagkagising ko ay nakahiga na ko sa malambot na higaan. Sinubukan ko bumangon pero bumagsak ulit ang katawan ko sa higaan.

Ilang minuto din akong nakatitig sa light pink na kisame. Parang pamilyar ang kisame na to. Feeling ko ay nakita ko na to dati.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagbalikan ang mga alaala ko. So, nasa Zitoria ako?

Sinubukan ko bumangon pero hindi ko nagawa. Sobrang sakit ng katawan ko kaya hirap ako bumangon.

Wait, Zitoria... Yung nasa panaginip ko so, may posibilidad na makita ko dito yung kumuha ng first kiss ko? Hala!

Narinig ko na bumukas yung pinto kaya nagtulog-tululugan muna ako. Medyo lumubog yung kanang parte ng hinihigaan ko pero hindi ko pa din minulat ang mata ko.

"Alam kong gising ka." Parang tumigil ang paghinga ko dahil sa boses na yon. Hindi ko pwedeng makalimutan ang boses na yon. Kaboses sya nung lalaki na nasa panaginip ko. Pero bakit kaboses din ni Marcus?

Nung dumilat ako ay bumungad ang pagmumukha ni Marcus. Napaiwas ako kaagad ng tingin dahil masyado syang malapit.

"Lumayo ka nga."

"Eh kung ayoko? May magagawa ka ba?"

"Meron. Itutulak kita."

"Sinong niloko mo? Hindi mo nga magawang umalis sa hinihigaan mo eh."

"Manahimik ka nga. Saka, nasaan ba ko?"

"Alam ko naman na may ideya ka kung nasaan ka ngayon."

"Nasa Zitoria ako?"

"Yup."

"Eh bakit nandito ka?"

"Hindi mo alam?"

"Hindi."

"Hindi mo maalala?"

"Ano ba dapat ko maalala?"

Natigilan naman sya sa tanong ko saka huminga ng malalim. "Wala naman. Sandali lang, ikukuha kita ng pagkain." Tumayo sya kaagad pagkasabi nya non.

Wala naman akong nasabing hindi maganda para magbago yung mood nya eh.

Ilang saglit pa ay bumalik na sya at may dalang tray na may lamang pagkain. Inilapag nya yon sa lamesa saka lumapit sakin.

Binuhat nya ko para maisandal ng maayos sa kama pero panay ang daing ko. Nagluluha na din yung mata ko sa sobrang sakit ng katawan ko.

Ini-umang nya sa bibig ko yung kutsara na may laman kaya ngumanga ako. Tingin ko naman ay hindi ako makakakain nito ng maayos dahil masakit lahat ng parte ng katawan ko.

Nung matapos nya ko pakainin ay pinainom nya naman ako. Hindi kaya nakaka-istorbo na ko?

Hindi nya ko binalik sa pagkakahiga kaya hindi na din muna ako gumalaw. Lumabas sya sa kwarto ko kaya pinalibot ko na lang ang tingin sa kabuoan ng kwarto. Pamilyar lahat ng sulok.

Napatingin ako sa pinto nung bumukas iyon. Pumasok sila Marcus at may kasama sila na babae. Mukhang mas matanda sya samin.

"Mahiga ka." Utos nung babae na kasama nila. Pinigilan ko na mapairap dahil sa utos nya.

"Hindi nya kayang gumalaw." Sagot ni Marcus sa kanya.

"Oh, ganon ba? Sige okay na yung nakaupo sya." Sabi nung babae saka lumapit at umupo sa tabi ko. Itinapat nya yung kamay nya sa bandang dibdib ko at may lumabas na kulay green na ilaw sa palad nya.

Nung nawala na yung ilaw ay ibinaba nya na rin yung kamay nya.

"Hindi pa sya magaling ng tuluyan. Kailangan nya ng pahinga. Makakakilos naman na sya pero may masakit pa din sa katawan nya." Sabi nya nung bumaling sya kila Marcus.

"Salamat sa tulong, Lady Marionette." Tumango lang yung babae sa sinabi ni Safyra saka lumabas na.

"Anong ginagawa nyo dito?"

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon