Chapter 29

59 5 0
                                    

"Dapat ito malaman ng Reyna."

Walang nakakibo sa mag-kakaibigan nang marinig ang sinabi ni Thyreze. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Kung paanong ang kapangyarihan ni Thyreze ay hindi tumalab.

Ang healing powers ay may tatlong uri. Ang una ay ang pinakamababa, tinatawag itong first aid healing. Mababaw na sugat at galos lang ang kaya nitong pag-hilumin. Ang pangalawa naman ay tinatawag na enchantress' healing powers. Kahit na malubhang karamdaman ay kayang-kaya nitong pagalingin. Ito ang kapangyarihan na mayroon si Thyreze. Ang panghuli at ang pinakamataas sa tatlo ay tinatawag na eternal healing. Kaya nitong pagalingin lahat ng sugat o karamdaman. Maging mga sumpa ay kaya nitong kontrahin pati ang mga sugat na gawa ng malalakas na uri ng kapangyarihan.

"Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon niya? Baka parusahan pa tayo non dahil hinayaan natin na magkaganyan ang susunod na uupo sa trono," sabi ni Steve.

"Hindi natin pwedeng hayaan na ganyan lang si Flora! Hindi naghilom ang mga sugat niya nung sinubukan siyang gamutin ni Thyreze! Mag-isip ka naman Steven!" Tumulo ang mga luha ni Safyra. Wala silang pagpipilian kundi ang ipaalam sa Reyna ang kalagayan ni Flora pero may kaakibat itong kaparusahan.

~•~

"Pabalik na yung ibon!" Anunsiyo ni Marcus sa lahat. Nang lumapag ang ibon sa bintana, kinuha niya kaagad ang papel na nakatali sa paa nito.

Bubuklatin pa lang ni Marcus ang papel nang agawin ito ni Safyra sa kanya. "Kalimutan niyo na ang pinunta niyo riyan. Bumalik kayo dito ng ligtas kasama ang prinsesa para magamot siya kaagad."

Nagulat sila sa nakita nila nang makalabas sila sa gubat. Kinusot-kusot pa ni Safyra ang parehong mata niya pero hindi nabago ang nakikita niya.

Huminto sila sa paglakad at pinagmasdan ang paligid. Karamihan sa mga bahay ay kung hindi sunog, abo na ang mga ito. Mayroon pang mga itim na usok sa paligid at ang ilang  puno ay may sunog na sanga. Bago nila iwan ang lugar at magpatuloy sa palasyo, iisang tanong lang ang naiwan sa kanilang mga isipan.

'Ano'ng nangyari habang wala kami?'

++++++++++++++++++++

Three months later...

"Mahal na reyna...!" Humahangos na pumasok sa pumasok sa opisina ng Reyna ang isa sa mga kawal na nakabantay sa north border ng Zitoria.

"Huminahon ka at sabihin ang iyong pakay," malumanay na sabi ng Reyna.

Huminga ng malalim ang kawal at pilit na pinakalma ang sarili, "ang North border, inaatake ng mga taong nakasuot ng hood at may pare-parehong marka sa likod ng kanilang mga palad."

Nanlamig ang katawan ng Reyna, tila umurong ang kaniyang dila at ni isang salita, walang lumabas mula sa kaniyang bibig. 'Narito ba sila para sa prinsesa?'

Biglang bumukas ang dalawang naglalakihang pinto sa opisina ng Reyna at pumasok sa loob ang isang babae na nakasuot ng kulay pink na bestida, v-neck ito at may burda ng bulaklak ang itaas na bahagi nito. Ang pang-ibaba naman ay layers ng tela na parang kulambo na may disenyo naman ng mga bulaklak na malayo sa bawat isa. Lampas talampakan ang haba nito na kailangan itaas ng bahagya para hindi matapakan.

"Ipadala ang mga kawal mula sa class C para labanan ang umaatake, ipadala ang mga kawal mula sa class S para dalhin sa ligtas na lugar ang mga sibilyan."

"M-mahal na prinsesa!" Yumuko ang kawal bilang paggalang kay Flora.

"Sundin mo ang inuutos niya." Nagmamadaling umalis ang kawal para sundin ang sinabi ng prinsesa.

Madilim ang aura ng prinsesa habang nakatanaw ito sa bintana. "Patawad, mahal na prinsesa. Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa pagkagulat."

Lumingon si Flora sa Reyna, "ayos lang,  normal na reaksyon yan sa isang nakakagulat na balita." Makalipas ang ilang sandali ng pagkatahimik nila, muling nagsalita si Flora, "sa tingin mo ba ako ang habol nila?"

Hindi sumagot ang Reyna.

"Matatapos kaya ang lahat kapag sumama na lang ako?"

"Flora, may mga bagay na hindi mo dapat sukuan kaagad. Mas mabuti na yung sinubukan mo kaysa pagsisihan mo kasi hindi mo ginawa. Subukan mo silang labanan, 'wag mo muna sukuan kaagad."

"Susubukan ko."

"Huwag mong subukan, mahal na prinsesa. Gawin mo. Kailangan ka ng Zitoria, isa pa, ilang araw na lang ay ikaw na ang papalit sa pwesto ko." Napahinga na lang ng malalim si Flora nang maalala ang napagpasyahan ng elders. Sa tingin nila ay handa na si Flora sa pagiging Reyna at hindi na 'yon dapat pang ipagpaliban.

"Pwede bang i-cancel na muna 'yan? Nakakastress masyado."

"Kailangan mo masanay."

+++

"Alam mo ba, nakakapagod na. Ang daming stress putangina di naman ako nanghingi ng stress eh!" Reklamo ni Flora.

"Kahit na mainis ka pa, wala kang magagawa. Prinsesa ka ng Zitoria na soon to be Queen na—"

"—Tapos soon to be your wife," kumindat si Flora kay Marcus.

Inilapit ni Marcus ang mukha niya kay Flora at agad naman pinamulahan ng mukha ang huli. "Ilang anak ang gusto mo, wifey?"

Hindi nakasagot si Flora. Tumaas ang isang kilay ni Marcus, "how about five?"

"Huwag kang magsalita ng ganyan!" Itinulak ni Flora ang mukha ni Marcus  at nahihiyang inilayo ang mukha. Tumawa lang si Marcus. "Stress na stress ako tapos gaganiyan ka diyan."

Umilaw ang kamay ni Marcus at nang maglaho ang ilaw ay may singsing na sa palad nito. Inilagay niya ito sa middle finger ni Flora saka siya hinalikan sa noo.

"Please accept this ring as a remembrance. We both don't know how long we will last. At least may bagay ako na maiiwan sa'yo, hindi lang alaala ko. Kung malalayo man ako sa'yo, tumingin ka na lang sa daliri mo. Yan yung daliri mo na hilig mong itaas kapag naiinis ka na sa akin. Kulay pula yung kristal ng singsing na 'yan, kakulay ng kristal sa kwintas mo na ako din ang nagbigay."

Nagulat si Flora ng maintindihan ang mga huling sinabi ni Marcus. Hinarap niya ito, "sabihin mo nga, nanggaling na ba ako sa Zitoria?"

"Oo."

"At dahil hanggang ngayon, nasa akin ang pendant, hindi yon panaginip diba?"

"Yup."

Biglang luminaw sa alaala ni Flora ang nangyari noon kasabay ng realization na ang taong nasa harapan niya ngayon, ay ang parehong tao na unang humalik sa kanya at nagbigay sa kanya ng kwintas. Maging ang taong nasa pasulpot-sulpot niya na panaginip dati. "Ikaw yon..." paanas na sabi ni Flora.

"Tama ka, ako nga 'yon."

"Pano...?"

"Siguro dahil konektado ang spirits nating dalawa. Na kahit sa past life natin ay magkakilala tayo, may love na bumabalot sa pagkatao natin. Hindi ko alam kung bakit naaalala ko ang mga yon kahit napakatagal na. Pero, hindi naman na importante yon, ang importante lang ay magkasama na tayo ngayon."

Tinawid ni Marcus ang pagitan nilang dalawa at inangkin ang labi ni Flora.

+++

Hi, so it's been a while nung huli akong nag-update. Nabusy kasi ako ng sobra. So, uhm, 2 years and few months na since ni-publish ko yung prologue ng story na to. Sad to say that this story is about to end. Very few chapters left.

But, an end also means a new beginning. Aaannnddd another fantasy story is about to be published! Bago matapos ang story na ito ay ipa-publish ko na kaagad yung dalawang bago so you won't lose track.

Stay safe, stay hydrated. Love lots!

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon