Chapter 10: Duel

82 6 0
                                    

Alexandrite's POV

"Hoooooyyyy~ bukas na yung training na makakalaban ko kayo. Bili tayo ng damit pleaseee." Pangungulit ko habang kumakain kami. Naiiba ang pagkain ko sa pagkain nila dahil special ako. Charot. Hindi ko kasi kayang kainin yung pagkain nila. Iniisip ko kasi na baka galisin ang bituka ko HAHAHAHA. Sadyang maarte ako sa pagkain eh bakit ba?

"Hindi ka pwede lumayo dito. Matao sa bayan mapapahamak ka lang don." Napasimangot ako dahil sa sinagot sakin ni Eri.

"Hmph! Sungit! Mahihirapan ako lumaban kapag nakadress ako!" Pagpupumilit ko. Nakatahimik lang man sila Venz at Steve.

"Anong klase ba?" Tanong ni Steve.

"Sleeveless na damit kahit anong kulay. Tapos stretchable pajama o kaya yung cycling ko na lang ang gagamitin ko." Sabi ko. Napatango naman si steve. Tumayo si Venz at may kinuha na box. Medyo malaking box. Inilagay nya yon sa gilid ng paahan ko.

"Pagkatapos mo kumain, tignan mo yan." Sabi nya. Isa pa to! Napakasungit.

Tinapos ko kaagad yung pagkain ko at tinignan ang nasa box. Sleeveless tops!!!!

Yung damit na gusto ko, hawak ko na. 10 pcs to lahat tapos meron din na 10 cycling pero medyo mahaba tas meron ding 10 na pajama na stretchable. Ang damiiiiiiiiii.

"Bakit may ganito na kaagad?" Tanong ko

"May nagdala nyan kagabi." Sagot ni Eri. Ang astig. Hindi ko na pala kailangan magsabi dahil lahat ng kailangan ko ay naipo-provide kaagad bago ko hingiin.

Umupo ako sa may sofa dahil tapos naman na ako kumain. Bakit kaya bago ako humingi ng kailangan ko dumarating na kaagad? Hindi makakatulong kung iisipin ko ang bagay na yon. May training pa ko mamaya kaya hindi ako pwedeng maapektuhan non.

Ano kaya magandang gamitin mamaya? Katana o yung espada? Ayy ewan kahit ano na nga lang!

Pumanik na ko sa kwarto na inookupa ko at naligo saka nagbihis. Tingin ko naman eh nalabahan na yon dahil mabango na tas umaalingasaw yung matamis na amoy hehe.

Nung inayos ko yung mga damit na yon ay may kasama pa itong belt tapos meron ding maliliit na belt na para siguro sa hita o binti. Para syang lalagyanan ng mga kutsilyo.

Training ba talaga to o susugod ako sa mga banta sa buhay ko?

Nung matapos ako ay bumaba na ko. Mukhang nakahanda na sila lahat dahil nasa may pinto na sila.

What ever the result is, I will make improvements. Skills in fighting is a serious thing I really want to have.

"Si Fyrix ang una mong makakalaban." Sabi ni Eri.

"Wala ka naman sigurong balak na gamitin ang electric ability mo diba?" Tanong ko.

"Uhm, depende. Pero malamang ay gagamitan kita non." Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Venz. B-bakit wala man lang pumalag sa kanila kahit isa?!

Ahh gusto na nila akong mamatay. K fine. Papatayin na pala ako HAHAHAHAHAHAHAHA.

Nang makarating kami sa lugar kung saan ako papatayin/ i-te-train kung ano man ang bagay na salita para don. Pumwesto na kami sa may malawak na lugar, yung malayo kila Eri. Planado na kaya ang pagpatay sakin? Saan ako ililibing pagkatapos?

Nabura sa utak ko ang mga iniisip ko kanina ng makita ko na sumugod na si Venz. Nakita ko na mukang hihiwain nya ang tyan ko gamit ang espada nya. Ini-slash nya yung espada nya sa may bandang tiyan ko. Pero bago iyon lumapit sa akin ay lumayo ako ng konti saka hinarang ang katana na gamit ko.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon