Chapter 7: Confusion

119 10 7
                                    

Alexandrite's POV

"Wala na bang ibang pagkain?" Tanong ko. Pano ba naman kasi yung pagkain nila hindi pamilyar sakin. Baka mamaya may lason to eh.

"Wala." Napanguso ako sa sagot ng isa.

"Wala pa ding pinagbago. Mapili pa rin sa pagkain tsk tsk tsk." Sabi nung isa

Nagtaka naman ako dahil biglang umalis yung lalaki na nagligtas sakin at pagbalik ay may dala na syang ibang pagkain.

"Kumain ka na." Sabi nya

"Wala bang lason to? Baka meron ah." Napatawa naman sila sa sinabi ko. Gusto ko lang naman malaman dahil baka biglang bumula bibig ko dito.

"Wala kaming balak na lasunin ka. Kainin mo na yan, sabay-sabay na tayo kumain. Magpapakilala na din kami." Sabi nung isang lalaki.

"Okay. Sasabihin na namin mga pangalan namin. Ang pangalan ko ay Fyrixen Venz Clinton." Pakilala ng isang lalaki. Venz na lang itatawag ko sa kanya para madali hihihi.

"Ang pangalan ko ay Marcus Eriolle Norweigan." Pakilala nung lalaking nagligtas sakin. Ang ganda ng name nya. Eri na lang siguro itatawag ko sa kanya.

"Ako naman si Steven Knights Parker. Always at your service madam." Pakilala ng isang lalaki sabay kindat. Siguro Steve na lang tatawag ko sa kanya. Nakarinig naman kami ng tikhim mula kay Eri. Natawa naman ang dalawa dahil don.

May nakakatawa ba don? Tumikhim lang naman eh.

"Kamusta na nga pala sugat mo?" Tanong ni Steve sakin.

"Mahapdi." Tipid na sagot ko. Bakit ba? Kumakain ako eh.

"Bakit may mga damit na don?" Tanong ko

"Ewan din. Basta ilang araw bago ka dumating, may pumunta dito na may dala-dalang mga damit. Ibinigay yon sa amin at kami na lang nag-ayos." Paliwanag ni Venz

"Sakto lang ba sayo?" Tanong ni Steve

"Ang alin? Yung damit? Oo naman kaso hindi ako sanay mag-suot ng ganon eh." Sabi ko

"Hindi yon. Yung undergarments." Sabi nya pa

Binatukan lang sya ni Eri dahil sa sinabi nya at dahil don, hindi ko na kailangang sagutin ang tanong nyang yon.

"Kailangan na ba nating sabihin?" Tanong ni Venz. Ano kaya tinutukoy nila?

"Siguro wag muna ngayon. Ano sa tingin mo Eriolle?" Sabi naman ni Steve. Nanahimik na lang muna ako dahil wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap habang kumakain ako pero nakikinig naman ako. Baka mamaya pinaguusapan na pala nila kung pano ako papatayin waaaaaaa!

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong sakin ni Steve

"Bakit? Ipapakulam nyo ko no?" Naghihinalang tanong ko

"Mukha ba kaming may masamang plano sayo? Kung balak ka namin patayin edi sana hindi na kita niligtas don sa sapa." Sabi ni Eri. Tama nga naman pero..ayoko pa din magtiwala.

"Alexandrite Flora Snow." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain. Nakita ko naman na natigilan sila lahat. Pero hindi ko na iyon pinansin at kumain na lang ulit.

"May mga bagay kaming kailangang ipaliwanag sayo mamaya." Sabi ni Eri. Bigla akong kinabahan sa maaaring sabihin nila sakin. Hindi ko alam kung bakit.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon