Chapter 8: Training

134 10 0
                                    

Alexandrite's POV

Inalalayan ako ni Eri hanggang sa makaupo ako sa kama. Sabi nya ito na daw ang magiging kwarto ko habang nandito ako.

"Talaga bang nasa panganib na ang buhay ko?" Tanong ko. Handa na akong tanggapin lahat ng bagay na malalaman ko.

"Oo. Pero kaya ka naman protektahan ng dalawa pa naming kasama na nandon sa mundo nyo. Lumakas silang dalawa dahil nasa panganib na ang buhay mo at kailangan ka nila protektahan." Sabi nya habang malayo ang tingin

"Mauulit na naman ba?" Mahinang tanong ko sa sarili ko pero mukang narinig nya to dahil napalingon sya.

"Turuan nyo na ko bukas. Ayoko na maulit ang nangyari sa nakaraan. Ayoko na may ibang madamay dahil sakin. Hindi ko kaya yung ganon." Sabi ko at binura ang kahit na anong ekspresyon sa mukha

"Hindi pa magaling ang sugat mo." Nagaalalang sabi nya

"Wala akong pake. Mas mabuti na magtraining ng may sugat para hindi ko na gaanong iindain ang sugat na matatamo ko kapag nakaharap ko na sila." Walang emosyong sambit ko habang nakakuyom ang kamao. Alam ko na ngayon na ako talaga yung babae na nakita ko sa isip ko.

"Hindi ka makakalaban ng ganyan. Malalakas ang taglay nilang kapangyarihan. Wala kang laban sa kanila dahil wala kang kapangyarihan." Napangiwi ako sa sinabi nya. Sabagay, tama naman sya pero hindi ako papayag.

"Lahat ng kapangyarihan ay may limitasyon. May laban pa din ako!" Malakas na sabi ko na para bang may pinaglalaban. Meron naman kasi talaga. Tama bang maliitin ako? ಠ益ಠ

"Hindi mo man lang ba aalamin kung ano nangyari nung nawalan ka ng malay?" Tanong nya pagkatapos nya tumawa ng tumawa.

"Ano nga ba?" Tanong ko

"Binuhat kita papunta dito tapos sinubukan nila na alisin yung venom sa katawan mo pero konti lang ang nakuha ni Fyrix. Sabi nila makamandag na ahas daw ang nakatuklaw sayo kaya sobrang putla mo pagdating mo dito." Mahabang sabi nya

"Ang sabi pa nila, nailabas na ng katawan mo ang venom nung dumugo ang sugat mo. Bihira lang na mangyari yon dahil kapag makamandag na ahas ang nakatuklaw sayo ay segundo na lang ang natitira sa buhay mo. Pero kinaya mo yon ng ilang minuto. Ibang klase."

"Karamihan sa ahas dito ay wala namang dalang kamandag pero meron pa din na sobrang makamandag kagaya nung tumuklaw sayo." Mahabang paliwanag nya. So, yun pala yung nangyari.

"Swerte ko pala dahil buhay pa rin ako. Yun nga lang, may banta naman. Pano ko malalaman kung may kapangyarihan ako?" Tanong ko

"Yan ang hindi namin alam. Wala ka pa bang nararamdaman na kakaiba dati? Tulad ng pakiramdam mo nakontrol mo ang hangin. Wala ba?" Tanong nya

"Wala." Sabi ko

"Magpahinga ka na muna. May training ka pa bukas." Sabi nya saka lumabas ng kwarto ko.

Kung iisiping mabuti, wala naman talaga akong kinalaman sa mga bagay-bagay sa lugar na to pero ngayon ay nasa panganib na ang buhay ko. Parang kahapon lang na-curious ako tapos ngayon, kahit na anong oras ay pwede na akong mamaalam.

Wala akong laban sa mga yon eh. May mga kapangyarihan sila tapos ako wala. Kahit na sinabi ko kay Eri kanina na may laban pa rin ako, sa loob-loob ko sinasabi ko na sana may kapangyarihan din ako na pwede kong magamit para protektahan ang sarili ko at ang mga tao na pwedeng madamay.

"Ano ba! Pwede bang kontrolin nyo naman yung ibibigay nyong pwersa?! Lalaki kaya kayo! Tapos ako babae na nga may sugat pa. Sino bang papatay sakin dito? Sila ba o kayo? Kulang na lang patayin nyo ko eh." Pagre-reklamo ko. Pano ba naman sabay-sabay umaatake. Tapos totoong espada pa gamit namin at kanina pa ko nadadaplisan. Sobrang talim kasi eh tapos kung itrato ako para bang kalaban ako. Psh.

"Sabi namin training diba? Saka sinabi samin ni Eriolle na gusto mo na magtraining. Ikaw na nga tong tinuturuan, nagrereklamo pa." Katwiran ni Steve. Tarantado pala tong gago na to eh. Muntik nya na ko masaksak kanina buti na lang at sinalag yon ni Eri. Nabitawan nya yung espada na gamit nya dahil naglagay si Eri ng malakas na pwersa don saka gumawa ng paraan para tumalsik yung espada na gamit nya.

Makareklamo wagas. Kapag ako natuto gumamit ng katana mag-duel tayong dalawa. Nakakagigil ka ah.

"Mamaya na natin ituloy. Baka imbis na gumaling yang sugat mo eh lalo lang lumala." Sabi ni Venz saka umupo sa sahig.

Nasa labas kasi kami at nandito sa parte ng gubat na may bakanteng lupa. Yung walang puno na nakatanim pero meron namang mga puno sa paligid.

Tahimik lang akong nakaupo habang inaalala lahat ng alaala na nag-flash sa isip ko. Isa lang ang hiling ko nung mga oras na yon. Gusto kong makilala kung sino yung lalaki na palaging nagliligtas sakin bago ako mamatay.

Nag-ensayo ulit kami pero hindi na kagaya ng kanina. Itinuro nila sa akin kung paano ang tamang paggamit ng espada at ng katana.

Pinaliwanag din nila sa akin ang kaibahan ng dalawang sandata. Ang katana, iisa lang ang talim. Ang espada, magkabilaan ang talim.

Ang epekto ng sandata ay nakabase sa gumagamit nito. Kung mahusay ka at matalas ang isipan, may posibilidad na matalo mo ang kalaban.

Kailangan din na mabilis ka mag-isip at kumilos dahil kapag nagkamali ka ay buhay mo ang kapalit.

Sinabi din nila na kapag may kapangyarihan ka na taglay ay pwede itong maisama sa bawat pag-atake mo gamit ang espada o katana.

Halata naman na malaki ang advantage kapag mayroon kang taglay na kapangyarihan. Kapag wala kang kapangyarihan ay mahihirapan ka lalo na at malalakas ang mga kalaban.

Itinuro din nila sa akin kung paano lumaban kapag close combat na. Ibig sabihin yung malapitan. Pwede gumamit ng kutsilyo o kahit na anong weapon na pwedeng makapagligtas sa buhay mo.

Kapag nakatakas ka mula sa close combat, mas maganda kung lumayo ka kaagad. Hindi mo alam kung ano ang mga kayang gawin ng kalaban na kaharap mo.

Kapag nakalayo ka ay mas maganda kung gagamit ka ng long-range weapons. Kagaya ng pana, sibat o kung ano-ano pa.

Kailangan ng mga combinations sa pag-atake. Kapag malayo, short-range weapons. Pag nakalayo na, long-range weapons naman dapat.

Basta marami silang itinuro sakin. Nakakapagod ang araw na to. At sobrang sakit na din ng mga sugat ko.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon