Chapter 2: Memories of the past?

531 19 29
                                    

Alexandrite's POV

Tapos na kami kumain at nakapaglinis na rin ako kaya nakahiga na lang ako habang hinihintay na tangayin ng antok ang kaluluwa ko.

'Sino ba talaga ako?'

Wala namang ibang paraan para malaman ko kung sino ba talaga ako sa past life ko.

Naiinis ako kasi gusto ko malaman kung sino ba talaga ako pero hindi ko alam kung paano ko malalaman at kung saan ako makakahanap ng sagot sa mga tanong ko.

Naramdaman ko na basa yung pisngi ko. Kinapa ko iyon at nalaman ko na umiiyak ako.

Lagi namang ganito eh. Kapag naiinis ako, napapaiyak na lang ako para mabawasan kahit papano yung inis ko.

Nakahiga lang ako at nakatulala ng biglang may pumasok sa isip ko.

May babae at may lalaki sa magkabilaang gilid nya. Bale napapagitnaan sya nung dalawang lalaki. Tapos may napansin ako na lalaking tumatakbo papalapit sa tatlo. Tapos nilabanan nya yung dalawang lalaki na malalaki yung katawan sabay hila don sa babae.

Tapos may isa pa ulit

May lalaki na nakahiga sa kama tapos may babaeng nakaupo sa upuan malapit sa kama. Yung upuan ay nakalagay sa kaliwang gilid ng kama sa may bandang gitna nung kaliwang side nung kama. Tapos hinawakan nya yung braso nung babae sabay hila kaya nasubsob yung babae at sakto yung labi nya sa labi nung lalaki.

Woah, tangina sanaol. Tapos may isa pa ulit

May lalaki na nakahiga sa may kama at mukang tulog sya. May dumating na babae at lumapit dun sa natutulog. Mukang aalis yung babae kasi may dala sya na balutan ata tawag don. Basta para syang bag pero walang tahi. Lumapit pa sya sa lalaki tapos hinalikan nya yon sa labi na para bang nagpapaalam sya kasi aalis sya at mukang lilisanin na ang lugar na yon.

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa nakita ko.

Mukang importante sila sa isa't isa base sa nakita ko. Nakita ko iyon dahil parang third person ako don. Sa una kong nakita, alam ko na nasa taas ng puno yung kinalalagyan ko. Sa pangalawa at pangatlo naman, nasa kaliwang bahagi ako ng kwarto na yon sa may bandang taas kahilera nung pinto.

Pero blurred yung mga yon. Nakakainis sana man lang nakita ko kahit muka eh kaso blurred eh. Bwisit~~

Pero bakit feeling ko ako yung babae? Malakas talaga pakiramdam ko na ako yon eh pero.. sino yung lalaki?

Saka yung mga pangyayari na nakita ko, tingin ko alaala sya ng nakaraan ko pero hindi ako sigurado don.

At alam ko na iba-iba ang araw at oras na nangyari ang mga yon at isa pa, sunod-sunod yung pangyayari.

Kasi una, yung niligtas nung lalaki yung babae at sumunod yung nakahiga yung lalaki, tingin ko masakit katawan nya kasi nilabanan nya yung dalawang lalaki na malalaki ang katawan. Tapos sunod yung natutulog yung lalaki, tingin ko kaya nag-paalam yung babae ay dahil napapahamak yung lalaki dahil sa kanya. Ayaw nya na gawin yon pero iyon lang ang nakikita nyang paraan para hindi na mapahamak pa yung lalaki.

Grabe naman si tadhana sa kanila. Di man lang naawa ah.

Sana sa susunod na buhay nila, hindi na maulit yung nakaraan. Ayoko na maramdaman nila ulit yung sakit na minsan nang ipinaranas ni tadhana sa kanilang dalawa.

Iisipin ko pa lang na mangyayari yon ulit, para akong aatakihin sa puso sa sobrang sakit.

Kasi naman, yung babae, parang kakambal nya si kamatayan. Tapos yung lalaki, ginagawa nya lahat para maprotektahan yung babae.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon