Chapter 35

33 1 0
                                    

Pabalibag na binitawan ni Kiriv si Flora. Nang talikuran niya ito ay kaagad na sumara ang bakal na harang para hindi makalabas si Flora.

“Huwag mo na sayangin ang oras at lakas mo sa pagtakas. Ginusto mo ang bagay na ito,” tanging sambit ni Kiriv bago tuluyang umalis at iwan si Flora.

Pasalampak na napaupo si Flora sa lupa. Ang maliliit na bato ay tumutusok sa kanyang pang-upo. Pinasingkit niya ang kanyang mata, umaasa na may makikita sa dilim ngunit bigo siya.

Maliit na bintana lang ang nagsisilbing pasukan ng liwanag sa kanyang kinalalagyan ngunit napakataas pa nito para kanyang maabot! Kahit talunin niya ay hindi niya ito magagawang abutin para silipin kung nasaan siya.

Ano ang kailangan nila sa akin? Bakit kailangan nila ng maraming buhay?

“Kailangan natin ma-isagawa ang ritwal sa lalong madaling panahon,” sambit ni Kiriv nang makalapit sa kanyang mga kauri.

“Saan natin isasagawa?” mahinhin na tanong ng isa.

“Dito mismo. Ang bulwagan na ito ay malaki, kasya tayong lahat,” sagot ni Kiriv at pasalampak na naupo sa malaking bato.

“Paano kung bigla siyang mamatay sa kalagitnaan ng ritwal? Paano na tayo at ang inaasam natin na dagdag na kapangyarihan?” tanong ng isang lalaki.

“Hindi siya mamamatay,” kampante na sagot ni Kiriv. “Alam niya na sa oras na mamatay siya ay babalik tayo para sa nasasakupan niya.”

Tahimik na nakatitig si Flora sa harang na bakal. Wala siyang intensyon na tumakas kaya kahit na hindi siya saraduhan ay hindi siya aalis.

Tama ba ang ginawa ko? Malayo na ba sila sa kapahamakan nang dahil sa ginawa ko na ito?

Dumausdos pababa sa kanyang pisngi ang isang butil nang luha nang maalala ang kanyang mga iniwan. Walang kasiguruhan kung makababalik pa siya.

Sa palasyo kung nasaan ang dating Reyna, at ang adviser nito, parehong nakatulala ang dalawa sa kawalan. Hindi nila malaman ang gagawin. Wala silang ideya kung nasaan na ang bagong Reyna, hindi nila alam kung saan ito dinala.

“Kailangan po natin mabawi si Flora. Noong nasa mundo pa lang ng tao ang kaibigan namin, gusto na siyang patayin. Paano pa ngayon na hawak na siya?” sambit ni Safyra.

Napailing ang dating Reyna. “Naiintindihan ko ang iyong pagkabahala. Ako man din ay gustong mabawi si Flora ngunit hindi ko alam kung saan siya dinala.”

“Alam ko po kung saan.”

Napatingin ang lahat sa pintuan kung nasaan nakatayo si Sherrein.

“What do you mean?” tanong ni Lady Margie na napatayo na mula sa kanyang pagkakaupo.

“Alam ko po kung nasaan ang lungga ng mga nakasuot ng itim na balabal,” muling sambit ng babae. “Sa puso ng gubat sa Leithis ang lungga ng mga naka-itim na balabal.”

Maging ang dating Reyna ay napatayo. Hinarap nito si Sherrein na nakayuko habang hindi natinag sa pagkakatayo.

“Bakit alam mo kung nasaan ang kanilang lungga?” tanong ng dating Reyna.

Sa pagkakataong iyon ay napahikbi ang babae. Kinagat niya ang sariling labi at sinubukan na ikalma ang sarili.

“A-ang totoo po niyan ay,” hindi natuloy ang sasabihin niya nang napahikbi siya. Ikinuskos niya ang likod ng kanyang palad sa kanyang damit. Dahilan para lumitaw ang tattoo na kapareho ng sa may suot ng balabal at itinaas iyon, sapat na para makita ng mga nasa kwarto. “Dati akong kasapi ng Black serpent, ang tawag sa samahan ng mga nakasuot ng itim na balabal.”

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon