Chapter 9: Could it be?

90 6 0
                                    

Alexandrite's POV

Ngayong araw na to ay si Venz at si Eri ang maglalaban. Baka sakaling matuto daw ako bago ko sila makalaban.

Hindi na kasi nila inulit yung ginawa nila dati na unang araw pa lang ng training ay para na kong pinatay.

Papunta na kami ngayon sa lugar kung saan kami nagtraining dati. Ano kaya mangyayari sa mga laban ngayon? Parang exciting to!

Nang makarating kami sa lugar kung saan maglalaban sila Eri at Venz, inaya ako ni Steve na maupo sa ilalim ng puno na malapit sa kinatatayuan namin. Sumunod na lang ako habang sila Venz at Eri naman ay lumayo sa amin.

Nakaposisyon na sila pareho at handa ng maglaban. Sino kaya mananalo sa kanila?

Nagsimula na sila maglaban. Isa lang ang masasabi ko habang pinapanood sila. Ang galing nila pareho!! Tapos ang bilis pa kumilos. WAAAAAAA!! Sana all diba?

Puro palitan lang ng pag-atake ang ginagawa nila. Wala pang gumagamit ng kapangyarihan pero kahit na ganon ay nakakaramdam ako ng nerbyos.

Habang nanonood kami ay pisil lang ako ng pisil sa kamay ko. Ninenerbyos ako sa hindi malamang dahilan. Kita ng mga mata ko yung pagkislap ng kung ano mula sa dulo ng katana na gamit ni Venz. Ano yon?

Ilang saglit pa ay napansin ko na nagkaroon ng maninipis at mahabang spikes yung katana na gamit ni Venz. Napaatras naman si Eri nang dahil don.

Tumayo ako para makita ng maayos ang susunod na mangyayari. Nakita ko na basa yung kinatatayuan ni Venz. Huh? Pano naging basa yon? Hindi naman umulan eh.

Naglakad si Venz papalapit kay Eri. Si Eri naman ay hindi man lang umalis sa kinatatayuan nya. Ano bang plano mo Eri?

Nagtaka ako nang makita ko na pati yung kinatatayuan ni Eri ay basa na din. Hindi nya ba napansin yon? Yung basa sa lupa ay magkakonekta. Nagsimula yung basa dun sa kaninang tinatayuan ni Venz at nagtatapos sa tinatayuan ni Eri.

"Hoy Steve. Anong kapangyarihan ni Venz?" Tanong ko sa kasama ko na hindi man lang tumayo. Kanina pa sya nakaupo dyan ah hindi kaya sya nangangawit?

"Electricity and water." Sagot nito at hindi man lang nag-abala na lumingon sakin.

Nagpalitan sila ulit ng pag-atake at napansin ko na kahit saan pumunta si Eri ay nababasa yung tinatapakan nya.

"Ano kapangyarihan ni Eri?" Tanong ko ulit. Parang hindi nya kasi napapansin na nababasa yung tinatapakan nya.

"Ice and crystals." Tipid na sagot nito. Edi..yung tubig ay galing kay.. Venz. Hindi nya naman siguro binabalak na kuryentehin si Eri diba?

Napakunot ang noo ko ng umatras si Venz. Si Eri naman ay halatang naguguluhan dahil sa biglaang pag-atras ni Venz.

Lalong kumunot ang noo ko dahil dumipa ito. Saka unti-unting itinuro ang basang lupa. May napansin ako na nagliliwanag sa may dulo ng hintuturo nya na ginamit nyang panturo sa lapag.

Agad na nanlaki ang mga mata ko ng mas lalong lumiwanag ang dulo ng daliri nya. Tinignan ko kaagad si Eri at maging sya ay nagulat din.

"Electric charge." Agad kong nilingon si Eri dahil biglang humaba ang kuryente na nasa hintuturo nya at gumapang sa sahig gamit ang tubig.

Sinubukang umatras ni Eri pero lahat ng tatapakan nya ay nagkakatubig. Lumayo sya ng husto saka tumigil. Hinintay nya pa na makalapit ang kuryente sa kanya.

Nang malapit na yung kuryente sa kanya ay pinagyelo nya yung tubig saka gumawa ng pangsangga gamit ang.. kristal? Oo nga kristal ang ginamit nya. Hindi na nakalapit pa sa kanya ang kuryente dahil wala na itong magagamit para makalapit pa.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon