Chapter 25

46 2 0
                                    

"Shelf one, row two, column one, third book — the blue one. Ghaaaddd! Ang dami ko pang dapat basahin!" Flora blew an exasperated breath as she realized there was a lot of books to read. The Queen gave her a list of books to read in her free time.

"Kung magrereklamo ka lang talagang hindi mo matatapos yan! Kung yung inireklamo mo nilaan mo na lang sa pagbabasa baka malapit ka na sa kalahati ng libro na hawak mo." Tinuon na lang ni Flora ang atensyon sa pagbabasa at hindi na pinansin pa ang sinabi ni Sherrein.

Napatingin s'ya sa pintuan ng library nang marinig ang pagbukas non. Pumasok ang nagtuturo sa kanya ng sayaw sa ballroom dancing — senyales na pagsasayaw naman ang sunod n'yang aaralin.

"One, two, three. One, two, three. Glide like a swan in a lake, Princess." And she did. Their dancing was better than before as Flora already know how to glide and turn majestically.

Dahil sa pagka-busy, hindi n'ya napansin na may nabubuo na palang komosyon sa labas ng ballroom.

"Kailan pa namin hindi pwedeng makita yung kaibigan namin? May ganon na pala," sarkastikong sabi ni Thyreze.

"Isa lang akong butler, ang utos ng Reyna ang aking susundin," malamig na tugon ni  Denver, butler ni Flora.

"Bawal ba talaga namin s'ya makita? Kahit silip lang?" Nagbabakasakaling tanong ni Safyra, umiling si Denver.

"Tara na," sabi ni Fyrix. Pare-parehong may sama ng loob na bitbit habang naglalakad palabas ng palasyo. Taliwas sa nakikita sa mukha ni Marcus ang laman ng isip, sa labas ay wala syang pake, sa loob naman ay naiinis s'ya at nagsisimula na magbalak ng kung ano-ano.

Kung minsan, ang tungkulin mismo ang naglalayo sa mga tao. Ang tungkulin ay hindi dapat ipagpalit lalo na kung maraming buhay ang malalagay sa alanganin sa oras na baliwalain.

INIS na tumayo si Flora dahil sa sunod-sunod na ang paglipad ng maliliit na bato sa bintana ng kwarto n'ya. Nung mga nauna ay napalampas n'ya ito pero ngayon ay hindi n'ya na kaya. Pinipilit n'ya tapusin kaagad ang librong binabasa pero hindi n'ya magawa dahil may bumabato sa bintana, gumagawa yon ng ingay na nakapagpapakulo ng dugo n'ya.

Padabog n'yang binuksan ang bintana, kaagad syang sinalubong ng malakas na ingay ng mga nagsasayawang puno, lagitik ng mga sanga na nagkakauntugan sa isa't isa. Tumingin s'ya sa ibaba pero wala syang nakitang tao.

Isasara n'ya na sana ang bintana pero may biglang humawak sa balikat n'ya. Napatalon s'ya sa gulat at nagmamadaling lumayo sa bintana. Nakatingin lang s'ya sa bintana habang pinapanood ang paglutang ni Marcus at tumapak ito sa loob ng kwarto n'ya.

Tinitigan n'ya lang ito, siniguro n'ya na walang kahit na anong emosyon ang lalabas sa mata n'ya kahit na nakararamdam na s'ya ng matinding inis.

Hindi n'ya maintindihan... Hindi n'ya maintindihan kung ano ang ginagawa nito sa harap n'ya, may ngiti sa mga labi nang magtapo ang kanilang mga tingin. Matapos s'ya nitong pagsabihan ng kung ano-ano, ngayon ay may lakas pa ito ng loob para magpakita sa kanya na para bang walang nangyari. Napaka-kapal! Pagkatapos akong sabihan ng kung ano-ano magpapakita sakin? Baka nakalimutan n'ya na lahat ng sinabi n'ya sakin. Tsk, ang kapaaaaaalll.

Pasimple nyang pinakalma ang sarili, "busy ako, umalis ka na." Naupo s'ya sa upuan sa harap ng study table at pinagpatuloy ang pagbabasa, ramdam n'ya ang titig sa kanya pero hindi n'ya yon pinansin. Hindi n'ya na pwedeng ipagpaliban ang pagbabasa, mahaba pa ang nasa listahan at nakakatatlo pa lang s'ya. Wala pa sa kalahati.

Naglakad papalapit na kanya si Marcus. Akmang hahawakan s'ya nito pero mabilis n'yang tinabig ang kamay nito. Bumakas ang iritasyon sa mukha ng lalaki. "Ano bang nangyayari sayo?"

She acted like she never heard anything. She flipped the page and comfortably place her foot on top of her study table but removed it when she remembered she's a Princess. All of her gesture will reflect what type of Princess she is. She must act nicely in order to became worthy to the throne. She's the next to rule the kingdom after all.

"Flora." She didn't respond. "Alexandrite Flora Norweigan." She looked at him, maintaining her poker face while Marcus was grinning ear to ear.

Nang hindi ito nagsalita ulit, tinuloy n'ya ang pagbabasa. Ramdam n'ya ang inis nito pero binaliwala n'ya lang. Nawala ang libro sa harapan n'ya, nang tiningala ang kumuha, kitang-kita n'ya ang inis sa mukha ni Marcus.

Bumuntong hininga s'ya, "sinabi ko naman sayo, busy ako. Kung ayaw mo ng hindi pinapansin, bukas pa rin ang bintana at iwan mo na ako dito."

Tinitigan lang s'ya ni Marcus saka hinawakan sa magkabilaang balikat at inalog ng bahagya. "Hindi ikaw to, Flora. Hindi ka ganito."

"Bakit, ano ba ko? Uto-uto? Mahina? Palaging nanginginig sa takot?" Umiling s'ya at umingos, "Sorry to disappoint you Marcus Eriolle, but that's not me anymore. Leave now." Iminuwestra n'ya ang kamay patungo sa bintana na nakabukas pero hindi pa din lumabas ang lalaki. Alright, that was the first time she called him that name, it's always the nickname she gave.

He pursed his lips together as he didn't expect her to call him like that. "Hindi mo gawain ang magtaboy ng tao."

"Hindi kita pinagtatabuyan," mariing sambit ni Flora.

"Eh ano 'tong ginagawa mo, hindi ba to pagtaboy?"

"Pinapa-alis lang kita. Kita mo naman, may ginagawa ako at isa pa, hindi nakakatuwa yung pagbabato mo sa bintana kanina. Sobrang nakakaistorbo yon. Kung may natitira ka pang kahit katiting na respeto sakin, aalis ka at iiwan ako dito para makabalik na ko sa ginagawa ko."

That left him with no other choice. He was expecting the exact opposite of what happened and it hurts him so bad that it suffocates him. He run towards the window and jumped off.

Flora hurriedly run after him to check him but she released a relieved breath as she saw him floating. Yeah, he can levitate. I forgot.

Tiningala s'ya nito at ibinuka ang bibig. Hindi n'ya narinig ang boses nito pero nabasa n'ya yon sa mga labi nito.

"Hindi pa tayo tapos."

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon