Chapter 26

41 2 0
                                    

Flora's sight dropped to the flower on her window. She quickly jumped off the bed as she hurriedly run towards the flower.

She pick the flower on the stem and sniffs it. Sweet! The flower has a brown stem, yellow green leaf and the petal that captivate her, was color red that lusters when hit by sunlight.

"Pinapatawag ka ng Reyna." Nagsalubong ang kilay n'ya. Wala syang narinig na katok. Deretso pasok si Sherrein sa kwarto n'ya! Dumapo ang tingin nito sa bulaklak na hawak. "Oh, kaya pala hindi mo narinig yung mga katok ko. Anyway, mag-ayos ka na at kakausapin ka daw ng Reyna."

Hindi na s'ya sumagot kaya naman lumabas na din si Sherrein. Pinalibot n'ya ang tingin sa buong silid, wala syang pupwedeng paglagyan ng bulaklak na hawak. No choice.

Sumilip s'ya sa labas ng kwarto n'ya. Nakita n'ya sa hindi kalayuan si Denver kaya sinitsitan n'ya ito. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at nagmamadaling lumapit sa kanya habang palinga-linga sa hallway.

"M-mahal na prinsesa, bakit hindi ka pa nakabihis?" Lihim na napairap si Flora. Mahal na prinsesa my phat ass. Mas sumilip pa s'ya sa pintuan kaya mas lalong nakita ni Denver na bathrobe lang ang suot ni Flora.

"Pwedeng humingi ng pabor?" Tumango lang si Denver bilang sagot, "ihanap mo ko ng flower vase. Kahit na anong kulay o design basta pwedeng lagyan ng bulaklak." Kaagad namang umalis si Denver kaya nagbihis na s'ya.

Nasa kalagitnaan s'ya ng pagsuklay sa buhok nang may kumatok sa pinto. Binuksan n'ya yon at nakita si Denver na may dalang vase. Well, that's fast. Kinuha n'ya 'yon at nagpasalamat. Pumunta s'ya sa comfort room ng sariling kwarto at nilagyan ng tubig ang vase at inilagay ang bulaklak. Pinagpatuloy n'ya na din ang pagsuklay sa sariling buhok saka lumabas ng kwarto.

Kaagad n'ya naman nakita si Denver na naghihintay sa kanyang lumabas. Sabay silang nagtungo sa isang malaking kwarto na may limang mahahabang lamesa at maraming upuan. Gaano kaya karami lahat ng tao dito para maging ganito kalaki yung kainan?

"Maupo kayo," saad ng Reyna na s'ya namang sinunod nila. Maids had arrived and put the foods on the table and even served them.

"West border was attacked by unknown creatures last night." Kaagad na natigil sa pagkain si Flora dahil sa sinabi ng Reyna. Does it have something to do with me? Yeah right, it has. I'm the Princess according to them. "Marami ang nasugatan, pinasok din ang ibang bahay." Tumingin ang Reyna sa mga mata n'ya. "Ano ang dapat gawin Princess Flora?"

Hindi s'ya nakasagot. Hindi n'ya inaasahan na tatanungin s'ya ng Reyna tungkol doon. "Send some soldiers?" Malungkot na ngumiti ang Reyna.

"Noong nakaraan pa may umatake doon, nagpadala ako ng mga sundalo pero walang nakabalik sa kanila ni isa."

Hindi s'ya nakapagsalita dahil sa narinig, wala din naman syang ideya kung ano ang umatake sa west border.

"Tapusin mo ang pagkain mo, pupunta dito mamaya ang mga biktima  para isalaysay lahat ng naalala nila noong inatake sila."

~•~

Malawak ang bulwagan, kung ikukumpara sa kainan, di hamak na mas malaki ito. May podium at may mga upuan dito. Sa ibaba naman ay maraming kahoy na upuan. Ang iba sa nga ito ay okupado na at kapansin-pansin na lahat ng nakaupo doon ay may benda sa iba't ibang parte ng katawan.

Kung ano man ang umatake sa kanila, mapapansin na walang intensyon ang mga ito na buhayin ang biktima.

"Speak one by one in order for us to understand what happened," the Queen's voice speaks authority as she stand like a tough wall.

Tumayo ang isang ale, may benda ito sa balikat. "Hindi ko alam kung paano nila napasok ang bahay namin na maraming lock. Basta nakarinig na lang kami ng kalabog tapos, may nangagat na samin." Napahikbi ang ale, tumayo ang katabi nito at inalalayan ito paupo.

Flora got lost in her thoughts. She only pays attention to some details such as it bites, furry, big, howls, and it was strong. Isa lang ang nabubuo sa isip n'ya kasabay ng paglago ng takot sa kaloob-looban n'ya. Wolves.

Sa lahat ng sinabi nila, sigurado na ko na mga lobo nga ang umatake sa kanila. Pero bakit?

"Sa tagal n'yo nang naninirahan sa west border, ilang beses na kayo inatake?" Usisa ng Reyna. Napaisip naman ang mga naroon at iisa lang ang isinagot.

"Unang beses pa lang."






Flora immediately run towards the window as she saw another flower laying peacefully on the huge window.

Kaagad n'ya itong dinampot at inilagay sa vase saka pinagkatitigan. Saan kayo galing? Bakit ako nakakatanggap ng mga bulaklak?

"Flora, pinapatawag ka ng Reyna. Nasa library s'ya by now. And, one more thing, wag ka na magreklamo dahil sawa na kong marinig lahat ng reklamo mo sa buhay, okie? Sige, gora na." Natawa s'ya sa sinabi ni Sherrein. Palibhasa ay naging magkaibigan na sila kaya wala nang kaso sa kanya kung ano man ang sabihin nito. Ang pagiging prangka nito ang pinakanagustuhan n'ya sa lahat ng ugali nito.

Pagkarating n'ya sa library ay naabutan n'ya ang Reyna na nagbabasa. Kaagad nitong ibinaba ang hawak na libro nang maramdaman ang presensya n'ya.

"Anything to share, Princess?" Siya itong nagpapunta sakin tapos ako ang itatanong n'ya kung may ishe-share ako?  "Napansin ko kasi na malalim ang iniisip mo kanina sa bulwagan. Any findings?"

Natutop ang bibig ni Flora. Hindi n'ya inaasahan na pati iyon ay mapapansin ng Reyna. Nababasa ba nito ang iniisip ko? Imposible naman ata.

Pagtingin n'ya sa Reyna, nakatitig ito sa kanya. Naghihintay ng sagot sa tanong. "Wala pa pong patunay pero base sa mga narinig ko kanina, tingin ko po ay lobo."

"You have time to investigate, Princess. Papayagan kita sa kung ano ang plano mo para malaman ang totoo."

"Isa lang ang paraan para malaman," singit ng isang boses at mababakas dito ang katandaan. Tuluyang bumukas ang library at pumasok ang adviser ng Reyna, si Margie. "Ang Prinsesa mismo ang pupunta roon para alamin ang nangyayari."

Tinakasan ng dugo ang mukha ni Flora sa narinig. H-hindi ko kayang harapin iyon kung tama nga ang hinala ko. Muntik na akong mamatay dati, ayoko na maranasan ulit ang mga iyon.

"Siya ang magdedesisyon para doon, Margie. After all, it was her who will check the west border, not us. Let's not put the decision in our hands. Sa oras na pumunta doon ang Prinsesa, para niya na din inilagay ang dalawang paa sa hukay."

----------------------------------

AN:

So, dapat talaga, three days after ko ma-published ang previous chapter, may update na kaagad kaso lang nalulong ako sa pagbabasa kaya naudlot. Gomenasai!

Anyways, stay safe!

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon