Chapter 19: Princess?

62 4 0
                                    

Alexandrite's POV

Pagkatapos ko maligo ay naupo ako sa kama saka sila tinitigan. Nakakairita lang kasi puro dress ang nandon sa closet. Kagaya nung nasa panaginip ko.

"Sagutin nyo lahat ng itatanong ko. Wala na kayong dapat itago sakin, maliwanag?" Sabi ko sa kanila. Napabuntong hininga naman sila saka tumango. Wala na akong pake kung napipilitan ba sila. Ang mahalaga, malaman ko lahat ng dapat ko malaman.

"Bakit kayo nandito?" Unang tanong ko habang nakatingin sa kanila.

"Dahil nandito ang dapat naming protektahan." Sagot ni Venz. Venz na ang itatawag ko sa kanya dahil masyadong mahaba ang 'Fyrixen'.

"Ako ba yon?" Tanong ko ulit.

"Oo. Ikaw yon." Sagot sakin ni Steve. Nakakatamad banggitin yung 'Steven' eh.

"Bakit ako ang puntirya nila?" Tanong ko ulit.

"Hindi namin alam. Pero may ideya kami kaso hindi kami sigurado." Sagot sakin ni Eri. Yan, may mga nickname na sila. Ang hahaba naman kasi ng mga pangalan eh.

"Ano yon?" Tanong ko ulit. Nakakapagod magtanong ng magtanong.

"Na ikaw ang prinsesa." Sabi ni Thyreze. Napapikit naman ako nung biglang sumakit ang ulo ko.

'Mahal na prinsesa!'

'Mahal na prinsesa, bumaba ka na dyan! Wag ka na po makulit!'

'Ayoko nga! Bababa din naman ako eh!'

'Baka po pagalitan ka na naman.'

'Hindi yan.'

'Lady Flora, baka malaglag ka dyan!'

'Reeze, sinabi ko naman sayo na wag mo kong tatawagin na Lady Flora, diba?'

'Paanong hindi kita tatawaging 'Lady Flora' eh napakatigas ng ulo mo? Ipapaalala ko lang sayo ha, 18 years old ka na. Hindi ka na bata. Ngayon, bumaba ka na dyan.'

'Ito na.'

Dumilat ako nung matapos na yung mga naririnig ko. Bumungad naman sakin yung pagmumukha ni Eri.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sakin. Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong nya. Nung tumingin ako sa gilid ko, saka ko lang nalaman na nakahiga na pala ako.

"Hindi ko alam." Sagot ko saka pinilit na bumangon. Tinulungan nya naman ako para makaupo.

"Yung tungkol sa mga alaala ko. May alam ba kayo don?" Tanong ko ulit.

"Wala. Ikaw lang ang nakakaalam non." Sagot ni Safyra.

"Sino yung Lady Marionette?" Tanong ko.

"Isa syang enchantress." Sagot sakin ni Safyra.

"Huling tanong." Sabi ko saka tumingin sa tatlong lalaki. "nakapunta na ba ko dito?" Tanong ko.

"Dahil nalagay na sa panganib ang buhay mo, oo, nakapunta ka na dito." Sagot naman ni Thyreze dahil mukhang walang balak na sumagot yung mga lalaki.

"Halos lahat ng nandito, pamilyar sakin. Nakita ko na lahat ng to sa panaginip ko." Sabi ko. Napatitig naman sila sakin dahil sa salitang lumabas sa bibig ko.

"Magpahinga ka na." Sabi ni Eri saka lumapit sakin at pinahiga ako. Nung nakahiga na ko ay lumabas na din sila para makapag-pahinga na ko.

Nagising ako dahil sa kaluskos na naririnig ko. Pumunta ako sa balkonahe para tignan yung tumutunog. Ilang hakbang na lang ang layo ko nang takasan ako ng dugo dahil sa nakita.

Yung mga lobo. Nandito sila. Napa-atras ako at nahiga ulit sa kama. Hindi ko na nagawang magtalukbong ng kumot. Pumikit na lang ako habang pinipigil ang pagluha.

Narinig ko na bumukas yung pinto pero hindi ako dumilat. Lumubog ang kaliwang parte ng kama kaya alam ko na nandon yung pumasok.

"Kakain na." Sabi sakin ni Eri. Umiling lang ako dahil hindi ko magawang magsalita.

Nakarinig ako ng malakas na angil kaya hinayaan ko na lang na umagos ang luha ko. Naramdaman ko na humiga sya saka ako niyakap. Tumagilid na lang ako ng higa at isinubsob ang mukha sa dibdib nya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakasubsob sa kanya. Basta na lang ako umayos ng higa nung mawala na yung mga kaluskos.

Inalis ko yung braso nya sa bewang ko saka ako bumangon. Napatingin naman sya sakin habang nakakunot ang noo.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya sakin.

"Sa baba. Nagugutom na ko." Sabi ko. Tumayo naman sya at hinawakan ako sa siko. Sabay kaming bumaba para kumain.

Habang kumakain ay wala namang nagsasalita samin. Posible kaya na prinsesa ako? Pero pano naman kung hindi?

Kakatapos ko lang kumain at hindi nila ako hinayaan na hugasan yon kaya naglalakad-lakad na lang ako sa labas. Malamang ay gabi na dahil madilim na ang paligid.

Dinala ako ng paa ko sa likod ng bahay at may nakita akong bato don. Lumapit ako don at naupo. Biglang bumalik sa alaala ko yung nasa panaginip ko. Para sakin, considered as panaginip yon dahil tanda ko naman lahat pero hindi ko na maalala yung mukha nila.

Hinawakan ko yung pendant na gawa sa kristal at wala sa sariling binitawan ko yon at inilapat ang hintuturo ko sa labi ko. Bumalik sa isip ko lahat nung nangyari habang nakaupo ako sa bato at yung pagkuha nya sa first kiss ko.

Pati yung sinabi nya na handa sya na hanapin ako kahit na saan ako mapadpad. Kailan nya kaya ako makikita?

Napabuntong hininga na lang ako saka tumingin sa paligid. Nagtagal din ako sa labas bago mapagpasyahang bumalik. Medyo nilalamok na kasi ako don eh.

Pagpasok ko sa kwarto ay napako kaagad ang tingin ko sa tao na nasa balkonahe. Ano kaya ang pumasok sa isip ni Eri para pumasok sa kwarto ko?

Naglakad ako ng tahimik palapit sa kanya. Nakatanaw pa din sya sa buwan at para yatang hindi nya napansin ang presensya ko.

Maglalakad na sana ako palayo sa kanya nung bigla syang magsalita. "Ano ang naalala mo sa lugar na to?"

Naupo muna ako sa kama bago sumagot, "lahat. Simula sa kung paano ako nakarating dito hanggang sa pumasok ako sa portal at nagising ako." Sagot ko, tinitigan ko sya sa mata at sinubukang basahin ang emosyon nya pero bigo ako.

"Ano pa?" Tanong nya ulit.

"'yon lang ang alam ko. Pero malakas ang pakiramdam ko na hindi yon panaginip. Kaso ang pinaniniwalaan naman ng utak ko ay panaginip yon." Sagot ko.

"Naaalala mo lahat pero hindi ka sigurado kung panaginip yon?" Tumango ako. "'yang kwintas na yan, dyan pa lang. Nasa'yo yan at suot mo kaya hindi yon panaginip." Inis sa saad nya. May regla ba to? Kanina lang ang ayos ng mood nya tapos ngayon, ang sungit na naman. Pero...teka nga? Binanggit nya yung kwintas! Wala akong pinagsabihan na kahit na sino kung kanino o saan ko nakuha yung kwintas kaya pano nya nalaman ang tungkol don?

"Walang nakakaalam kung saan o kanino nanggaling yung kwintas na to kaya paano mo nalaman?" Tanong ko saka sya pinaningkitan ng mata. Natigilan naman sya saka nag-iwas ng tingin.

"Nandito nga pala ako para sabihin na may pupunta dito mamaya para malaman na natin kung ano ang kapangyarihan mo. Matulog ka na para may lakas ka mamaya." Pagkasabi nya non ay lumabas sya kaagad. Iwas?

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon