Chapter 3: Confused

308 17 34
                                    

Alexandrite's POV

"Hoy Alexa"

"Alexa~"

"Alexa nasa earth ka"

"Yuu hoo~"

"Nakikiusap ho ako sa tumangay ng kaluluwa ni Alexa, ibalik nyo na po kaagad. Kanina pa po sya nakatulala."

"Alexa!!"

Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Okaaaaayyy hingang malalim, kumalma ka. Masyado ka kasing magugulatin eh aish.

"Bakit?" Tanong ko habang kinokontrol ang paghinga.

"Ano nangyari sayo? May problema ba?"

"Wala."

"Kilala ka namin Alexa, hindi ka magiging ganyan kung walang problema."

"Dahil ba sa ginawa mong katarantaduhan kanina kaya ka ganyan?"

"Pfft. Syempre hindi! Hinding hindi ko pagsisisihan yung ginawa ko kanina."

"Eh bakit kanina ka pa lutang?"

Huminga ako ng malalim at pinag-isipan ko kung sasabihin ko ba o hindi. Baka kasi isipin nila na imagination ko lang yon. Pero alam ko sa saliri ko na hindi yon imagination. Bakit ko naman iisipin yung ganong bagay? Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na may lalaking ganon no.

"Sige na nga sasabihin ko na." Tapos sinabi ko sa kanila lahat ng detalye.

"Hindi mo nakita yung mukha?"

"Hindi eh. Blurred."

"May idea ka kung sino sila?"

"Yung babae, feeling ko ako yon pero nakapa-imposible. Mas imposible pa sa kaisipan na isa akong nawawalang prinsesa :)"

"Eh yung lalaki?"

"Di ko sya kilala. Kahit maliit na clue wala ako."

Nagkatinginan silang dalawa sabay baling sakin nang nagliliwanag ang mga mata.

"Ikaw na magsabi dali!"

"Ikaw na lang kinikilig ako eh!"

"Sabay na lang tayo."

"Baka sya na si the one mo!!"

Pagtapos ng recess namin ay lutang pa din ako. Hindi ko alam pero hindi talaga ako makapaniwala. Para syang bahagi ng alaala ko. Pero wala akong ebidensya na galing nga yon sa nakaraang buhay ko.

Ang weird.

Uwian na at naglalakad na ko pauwi dahil malapit lang yung bahay namin sa binabaan ko kanina.

Pagpasok ko sa gate ay nagtaka pa ko dahil parang may ibang tao sa loob ng bahay. Walang pasok si kuya Clyde ngayon kaya dapat mag-isa lang sya.

Si kuya Clyde ang panganay samin at sunod si kuya Drake at ako ang panghuli.

Habang palapit ako sa pinto ay mas naririnig ko ang boses nila. Sa tingin ko ay lima silang nandito. Bago ko buksan ang pinto ay binura ko muna ang ekspresyon ko. Mahirap na nakuu.

Pagbukas ko ng pinto ay napatingin silang lahat sakin. At tama nga ang hinala ko na lima silang lahat. At ano naman kayang ginagawa nila dito?

"Bro kapatid mo?" Hindi po. Nanay nya ako. Tanong nung isang lalaki kay kuya. Hindi ako makahakbang dahil naiilang ako. Apat yung kaibigan ni kuya na nandito. At lahat sila.. grabe makatingin sakin.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon