Chapter 11: Attacked

70 8 0
                                    

Alexandrite's POV

Pagmulat ko ng mata ko ay light pink na kisame ang una kong nakita. Ang huli kong natatandaan ay nagte-training kami. Tapos nahirapan ako huminga.

"Gising ka na pala." Napatingin ako bigla sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito. Dahan-dahan na din ako umupo saka sumandal sa headboard.

"Ayaw mo na ba ko makita?" Tanong nya saka umakto na nasasaktan dahil napahawak pa ito sa dibdib nya.

Agad akong napangiwi dahil sa inasta nya. Ano nangyari dito? "Hoy Venz, anong klaseng lamang lupa ang sumapi sayo? Para kang may sayad sa inaasta mo. Saka anong nangyari sa mukha mo at puro pasa yan? May black eye ka pa oh." Tanong ko sa kanya. Napahawak naman sya sa mukha nya saka sumimangot. Si Venz ba talaga to?

"Grabe ka sakin. Hindi ako sinapian at lalong wala akong sayad. Yung mukha ko naman, sinapak ako ni Marcus huhuhu." Sabi nya saka nagtakip ng mukha at umastang umiiyak tapos may tunog pa. Siraulo pala si Venz? Ngayon ko lang nalaman yon ah.

"Tumayo ka na dyan! Baka mamaya bugbugin na naman ako ni Marcus eh. Kada araw, kapag hindi ka nagising, bubugbugin nya ko. Brutal yong bwisit na yon eh." Sabi nya habang nakanguso. Pag-trip-an ko kaya? Pwede-pwede!

"Bwisit pala si Eri ah. Sige sasabihin ko yon." Sabi ko saka pumikit. Inaantok pa ko.

"Gising ka na!!" Naidilat ko yung kaliwang mata ko dahil may sumigaw.

"Sasabihin ko to kay Eriolle." Masayang sambit ni Steve. Bakit para atang napakasaya nya?

Ilang saglit pa ay humahangos si Eri nang makita ko ito. Saan kaya sya galing para hingalin sya ng ganyan?

"Haaay. Sa wakas, gising ka na din." Masayang sambit ni Eri saka lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"H-hindi ako..m-makahinga." Putol-putol na saad ko. Agad naman nyang inalis ang pagkakayakap sakin.

"Sorry." Sabi nya pagkabitaw sakin mula sa pagkakayakap. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Si Venz." Napatingin sila sakin nung nagsalita ako. Iiling-iling naman si Venz na ngayon ay nakatingin sakin.

"Bwisit ka daw sabi nya." Sabi ko saka pinagmasdan kung ano ang magiging reaksyon nila. Nagpipigil ng hininga si Venz tapos si Eri naman ay masama ang tingin sa kanya. Si Steve ay nagpipigil ng tawa.

Nakakainis. Mukhang hindi muna ako makakapagtraining nito ah.

Nagpaalam sila na lalabas daw muna at pagbalik daw nila ay may pagkain na ko. Sinabihan din nila ako na maligo kung kaya ko na. Naligo ako saka nagbihis at ibinalot ang buhok saka naupo ulit sa kama.

Pansin ko lang, nitong mga nakaraang araw kasi, kapag malapit si Eri sakin biglang bumibilis yung tibok ng puso ko. Kapag titingin sya sakin o kaya ngingiti, parang pati puso ko ngumingiti. Wow self. Kailan pa ngumiti yung puso?

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Nakita ko si Eri na may dalang tray at may lamang pagkain. Eto na naman yung puso ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Takang tanong ko nang makita ko na titig na titig sya sa mukha ko.

"M-may dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko ulit dahil ngumiti lang sya sa unang tanong ko.

"Pfft. Wala kang dumi sa mukha." Iiling-iling na sambit nya. Inilapag nya yung tray sa lamesa sa loob ng kwarto saka lumapit sakin.

Lumayoooooooo kaaaaaaaaaaaa. Hirap na ko huminga eh huhu.

"Sadyang masarap titigan yung mukha mo." Sabi nya at ngumiti sabay gulo sa buhok ko saka lumabas sa kwarto. Huuuuuuu! Pakshet akala ko mamamatay na ko don. Ang lapit nya WAAAAAAAAAA!!

Okay Flora. Wag ka ma-fall. Baka masaktan ka lang saka diba hindi ito ang lugar kung saan ako nanggaling. Nasa ibang mundo ka!

Pero..hindi ko na mapigil. Nung nakaraan ko pa to pinipigil pero ayaw mapigil. Ano na gagawin ko nito? Hahayaan ko na lang ba kahit na masaktan pa ko?

Magkaiba ang mundo namin. May hadlang din— yung banta sa buhay ko. Bahala na nga.

+Kinagabihan+

Nandito ako ngayon sa likod ng bahay at kasalukuyan akong nakaupo sa may bato. Ang gandang pagmasdan ng langit. Halos walang ulap at may mga bituin.

"Nandito ka lang pala." Napalingon ako sa nagsalita. Si Eri. Ano ba naman yan yung puso ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at pilit na inaalis ang pagka-ilang.

"Wala naman." Sagot nya saka naupo sa gilid ko. My gosh ang lapit nya!

"I fell in love with someone." Agad akong napalingon sa kanya sa sinabi nya. Ang kirot sa puso. Sobrang sakit. Wala ata akong pag-asa sa kanya. May nagmamay-ari na ng puso nya. Sad to say na, hindi ako yon.

"Until now I still love her. Pinaglayo kami ng tadhana pero ngayon, nakita ko na sya ulit." Sabi nya pa habang sa malayo nakatingin.

"Siguro ngayon ay mapaglalayo kami ng tadhana, pero, handa ako na hanapin sya kahit na saan pa sya mapadpad." Pagkatapos nya sabihin yon ay humarap sya sakin. Napatingin ako sa palad nya nang umilaw iyon. Pagka-alis ng liwanag ay may naiwan na kwintas. Kulay pula ang parang kristal ata yon. Tapos may lace sya. Ang gandaaaaaaaaa.

"Para sayo yan." Nailipat ko bigla ang paningin ko kay Eri. Kung kanina ay nasa kwintas, ngayon ay nasa kanya na ako nakatingin.

"Sakin?" Manghang tanong ko. Tumango naman sya saka ngumiti. Iniunat nya naman ang braso nya para maisuot sakin ang kwintas na yon.

"Decades have past but I'm still inlove with you." Nakatitig sya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. Parang gusto ko maiyak.

Ramdam ko na unti-unti syang lumalapit pero hindi ako umatras. Parang natigil ang pagtibok ng puso ko nung lumapat ang labi nya sa labi ko.

Pagkatanggal nya sa pagkakadikit ng labi namin ay pinasandal nya ako sa dibdib nya. Ang bilis ng heartbeat nya hihi.

Pareho kami na nakamasid sa kalangitan. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama ko yung taong gusto ko at sabay kami na nakamasid sa kalangitan. Oops. Sinabi ko bang 'tao na gusto ko?' AAAAAHHH! Wala na. Gusto ko na nga sya. Ang bilis naman ata madevelop?

"Uhmm, love birds. Pasensya na kung mangiistorbo ako pero.. wag nyo ko sisihin. Alam ko na namiss nyo ang isa't isa— ano problema?" Pinutol ni Eri ang sinasabi ni Venz. Bat naman kasi pinutol ni Eri? Gusto ko marinig yung kasunod.

Huminga ng malalim si Venz at para bang hirap sya kung paano sasabihin yon. "Inaatake na tayo." Saad ni Venz habang malamig na nakatingin kay Eri.

"Ako ba ang kailangan nila?" Mahinang tanong ko habang nakayuko. Sumama na lang kaya ako para tapos na? Ramdam ko yung tingin nila sakin pero hindi ko yon pinansin.

Napabuntong hininga si Eri saka malutong na nagmura. "Flora, hindi ka na ligtas dito." Malungkot na sabi ni Eri sakin.

"Sa ngayon ay nasa loob tayo ng barrier pero baka masira na din nila yon maya-maya lang." Dagdag ni Venz.

"Kailangan mo na bumalik sa mundo mo." Sabi ni Steve na kararating lang. Napatingin ako sa paligid nang makarinig ako ng nag-crack.

"Shit!"

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon