Chapter 32

37 3 0
                                    

"Ang sabi niyo ay hindi mapapahamak ang anak ko!" Nangingilid ang luha ng babae dahil sa labis na galit na kanyang nararamdaman.

"Hindi namin kasalanan na may galit sa mga anak mo ang nasasakupan ng Cavanaugh!"

Tinawid ng ginang ang pagitan nila ng kausap at malakas itong sinampal dahil sa galit na nararamdaman.

Sa galit ng sinampal nito ay sinakal nito ang ginang at walang  kahirap-hirap itong na-iangat mula sa lupa.

"Pasalamat ka at pinaalis kita doon sa palasyo para hindi ka madamay," mariing sambit ng lalaki.

Nagpumiglas ang babae mula sa mahigpit na pagkakasakal sa kanya pero hindi niya nagawang makawala. Hinampas-hampas niya ang kamay pati ang braso nito pero hindi siya binitawan.

"Gusto mo na ba makita ang mga anak mo?" Hindi nakasagot ang babae dahil sa pagkakasakal sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay pabalibag siyang binitawan ng lalaki at napaubo siya nang tumama ang kanyang likod sa matigas na pader.

"Bakit ganito ang ibinalik mo? Ginawa ko ang inuutos mo pero napatay ang mga anak ko! Dapat namatay ka na din! Hayop ka Kiriv!" Naghihiyaw ang babae kaya hindi napigilan ni Kiriv ang hindi marindi dahil sa ingay nito.

Hinawakan ni Kiriv ang mukha ng babae gamit lamang ang kanang kamay at idiniin ang babae sa pader. "Bumalik ka sa palasyo."

***

"Nagbabalik ang ikalawang asawa ng hari!"

Puro sugat ang babae na bagong dating. Nahihirapan itong gumalaw at ika-ika ang lakad.

Nagkagulo ang mga natitirang tao sa kaharian nang i-anunsiyo ng isang kawal ang balita.

Kaagad na lumabas sa throne room ang hari para salubungin ang ikalawang asawa. Sa kwarto naman ng prinsipe na natitirang buhay, nakarating na sa kanila ni Flora ang balita.

Binalingan ni Flora ang lalaki, "nakabalik na daw."

Umismid lang ang lalaki at hindi kumibo.

Posible kaya na may kinalaman ang ikalawang asawa ng hari sa nangyaring pagsalakay sa Cavanaugh? Flora thought.

Biglang napabaling si Flora sa prinsipe nang may biglang maalala, "mga lobo ba talaga ang umatake sa inyo?"

Tumango ang prinsipe ngunit kalaunan ay napatigil ito. "Iisa lang ang galaw nilang lahat at napakalakas nila. Isa sa iniisip ko ay kung mayroon ba na kumokontrol sa kanila para maging ganoon ang kilos."

Napatango-tango si Flora, "kung ganoon ay huwag mong aalisin sa isip mo ang bagay na iyan." Tumayo na siya at handa nang maglakad palabas sa kwarto ng prinsipe pero napatigil siya nang may maalala. Muli niyang hinarap ang prinsipe, "iminumungkahi ko sa iyo na bantayan ng palihim ang asawa ng hari. Kapag may nalaman kang kahina-hinala, alam mo kung saan ako makikita."

Lumabas na sa kwarto ng prinsipe si Flora at naglakad sa mahaba at tila walang katapusan na pasilyo sa palasyo ng Cavanaugh.

Habang naglalakad ay patingin-tingin siya sa paligid, kung saan makikita ang bakas ng mga dugo kahit saan. Talaga nga na inatake sila.

Kanina ay buhay ang pasilyo dahil sa ingay, ngayon naman ay napakatahimik nito. Ang yabag lang ng paa ni Flora ang nagbibigay ng ingay sa pasilyo.

Nang tuluyan na makalabas si Flora sa palasyo ay mausok pa rin ang paligid. Hindi pa rin naalis ng hangin ang maitim na usok.

Nilisan niya ang lugar nang may mabigat na kalooban. Hindi niya inaasahan at lalong hindi niya matanggap ang nangyari sa Cavanaugh.

Mabagal ang kanyang lakad, tila naglalakad sa buwan. Ang bawat pagkaputol ng sanga, ang bawat tunog ng dahon na natatapakan niya ay tila isang musika na napakasarap sa pandinig.

Ang hangin ay bigla-biglang lalakas, pinapalipad ang mga dahon na nasa lupa, pinapatunog ang dahon na nasa sanga pa nakakabit.

Katabing kaharian ng Zitoria ang Cavanaugh ngunit pinaghihiwalay sila ng malaking gubat. Tinahak ni Flora ang daan na kabisadong kabisado niya.

Ang daan papunta sa Himigai Lake. Palaisipan sa kanya kung bakit mabangis ang lawa na ito.

Tumalungko siya sa harap ng lawa. Inilublob niya ang kanang kamay sa tubig, malamig ito. Napa-angat siya ng tingin nang mapansin ang pagtaas ng tubig hanggang sa magporma itong tao ngunit hanggang bewang lang ang nakikita rito.

"Sino ang gumambala sa tahimik na lawa?"

Napa-awang ang labi ni Flora dahil sa nilalang na lumabas mula sa malamig na tubig ng Himigai Lake.

Bumaba ang tingin ng nilalang sa kanya, halos magdikit ang kilay nito habang nakatitig sa kanya.

"Princess Flora...?" Wika ng nilalang sa tubig.

"Catalia?"

Ngumiti ang nilalang na nabuo lamang sa tubig, saka naging anyong tao ngunit hanggang bewang lamang.

Lumapit ito sa kanya saka naupo sa lupa kung nasaan nakatalungko si Flora.

"You're glowing," puna ni Flora dahil literal na nagliliwanag si Catalia.

"And you didn't aged," sabi ni Catalia.

Ngumiti si Flora at hinubad ang suot na sapatos saka umupo sa lupa at inilublob ang paa sa malamig na tubig ng lawa.

"I vanished. Several years ago," panimula niya. Nanatili namang nakikinig ng mabuti si Catalia. "Sabihin na nating, nag-cast ng spell ang isang enchantress para maglaho ako at bumalik sa ibang mundo pagkatapos ng mahabang panahon."

Napatango-tango si Catalia. "Kaya pala hindi ka na nagpupunta dito. Paboritong lugar mo kaya ito."

Napatitig si Flora sa babae, "weh? Hindi nga?"

Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Catalia. "Kaya nga ganoon na lang ang galit ko nang sinira ng mga tao ang paboritong lugar mo."

"Sinira?"

Dumilim ang mukha ng babae at muling naalala ang ginawa ng mga tao. "Dinumihan nila ito, tinapunan ng kung ano-ano na naging sanhi ng pagdumi at pag-itim ng tubig ng lawa." Hindi nakapagsalita ang prinsesa sa nalaman. Muling nagsalita si Catalia, "at bilang ganti, ang sino mang lalapit sa lawa ay aatakihin ng tubig. Ang sino mang lalapit ay hihilahin pababa sa ilalim ng lawa hanggang sa maubusan ng hininga."

Napalunok si Flora, "hindi ba parang sobra naman ang kapalit?"

"Namatay ang lahat ng isda rito. Buhay rin ang kapalit ng pagkamatay ng lahat ng nakatira sa lawa." Bumaling si Catalia sa prinsesa, "gusto mo makita ang ilalim ng lawa? Malinis na iyon dahil ginawa ko ang lahat para bumalik ito sa dati."

Tumango si Flora at hinawakan ang nakalahad na kamay ni Catalia. Nang lumubog siya sa tubig ng lawa ay awtomatikong nagkaroon ng lobo para makahinga si Flora habang nasa ilalim.

Pumuwesto si Catalia sa likod ng lobo at itinulak iyon. Ipinalibot ni Flora ang tingin at ang nakita niya lang ay ang mga kalansay sa di kalayuan dahil madilim sa ilalim.

Hindi nagtagal ay inangat na siya ulit ni Catalia.

"Will I ever see you again in this place?" Tanong ni Flora nang makatungtong na sa lupa.

"Of course. Where there's water, expect me to be there. I am everywhere, Princess."

***

Author's note:

May story po na sarili si Catalia saka yung Fifth Prince ng Cavanaugh. As of now po ay may Prologue and book cover na ang story ni Catalia. Ang title niya po ay "Catalia: The water goddess". Before po matapos ang FEARLESS ay ipa-publish ko ang story ni Catalia.

That's all, thank you for reading!

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon