Chapter 23

42 4 0
                                    

"Mabuti na lang pala at napadaan ako doon kanina. Sana pala binilisan ko maglakad para natulungan ko kayo."

"Ayos lang yon. Ang dapat natin isipin ngayon, kung paano natin magigising si Flora." Lahat sila ay napatingin kay Flora na mahimbing na natutulog.

"Hindi s'ya tulog." A woman wearing a long blue dress showed up.

"Ano ibig mong sabihin, mama?" Lumingon ang babae sa anak n'ya at inilipat ang paningin kay Flora hanggang sa dumako ito sa mga kaibigan n'ya.

"Narinig n'yo na ba ang Land of nothing is real?"  Nagkatinginan ang lima dahil sa kalituhan.

"Mama, wag mo sabihing nandon si ate Alexa." Bumaling ang babae sa anak n'ya at malungkot na ngumiti.

"Hindi ko sasabihin." Naglakad ang ginang papalayo at nagsindi ng insenso.

"Marahil ay pamilyar kayo sa lugar na nabanggit ko. Pero hindi n'yo alam kung ano ang meron don dahil hindi iyon naisulat sa libro." Inangat ng ginang ang insenyo at dahan-dahan, kumalat ang usok nito sa buong sala.

"Mama, pwede bang i-kuwento mo ulit sakin ang tungkol don? Seven years old pa lang ako nung huli mong naikuwento sa akin ang tungkol sa lugar na yon."

"Land of nothing is real. Sa una, iisipin mo na, malamang ay isa lamang ilusyon ang lugar na yon. Ang nakakatakot lang ay, paano kung sa oras na lumawak ang kaalaman mo tungkol sa lugar na iyon, ay siya ring kasabay ng pag-iisip mo na ang mundo, kung nasaan tayo ay ang lugar kung saan ilusyon lang ang lahat." Nagpakawala ng malalim na hininga ang ginang at ibinaba ang insenso. "Ang akala ng iba noon ay gawa-gawa lamang ang lugar na iyon. Nabago lang ang pananaw nila noong may naiwang marka sa puno na nakatayo sa nag-iisang burol sa Trianchu."

"Ang marka na naiwan ay hiwa mula sa isang matalim na bagay, marahil ay espada, itak o kung ano man. Nagsaliksik ang mga opisyales non dahil nga kakaiba ang marka at nararamdaman nila ang enerhiya na naiwan pa rin sa burol na iyon kahit ilang beses nang umulan."

"Sa pagtatanong, nalaman nila na ang itinakdang prinsipe ng Trianchu ay pumupunta doon para mag-ensayo araw-araw. Nagpunta sila sa palasyo pero wala doon ang prinsipe. Inamin ng hari at reyna na matagal nang nawawala ang anak nila at ang alam lang nila ay pumunta ito sa burol para mag-ensayo."

"Naging palaisipan sa lahat ang pagkawala ng prinsipe lalo pa at s'ya lang ang nag-iisang anak. Nagulat na lang ang lahat dahil paglipas ng halos labing-limang taon, nagpakita ang prinsipe. Pagkauwi n'ya mismo, walang pahinga, kain, o kahit uminom ng tubig, hindi n'ya ginawa. Nagpatawag kaagad s'ya ng pulong sa harap mismo ng palasyo at doon n'ya sinabi ang pinag-daanan."

" Nagpunta ako sa burol upang mag-ensayo dahil iyon ang palagi kong ginagawa. Alam ko, na lahat kayo ay nagtataka dahil nawala ako at ngayon lang ulit nagpakita. Nuong araw na yon, nag-e-ensayo ako sa tamang paggamit ng tirador. Pero biglang may sumulpot sa likuran ko at kinausap ako. Hindi ko na gaanong maalala ang pinag-usapan namin pero malinaw sa isipan ko na sinubukan n'ya akong atakihin. Umiiwas ako at pilit na lumalaban pero nung inatake n'ya ako gamit ang hangin, natumba ako at nawalan ng malay. Pagkagising ko, nasa isang magandang lugar na ako. Sobrang ganda ng lugar na hindi mo aakalain na hindi iyon totoo. Ang Land of nothing is real ay totoo, hindi lamang ito basta alamat na kinukuwento sa atin ng ating mga magulang o lolo at lola. Dahil doon mismo ako napunta. May mga nakasama ako doon pero hindi ko alam kung sila ba ay totoo o ilusyon lang. Nakalabas lang ako dahil bigla kong naisip na ilusyon lang ang nakikita ko. Pag-ikot ng paningin ko, natumba ako sa sobrang hilo at nakabalik ako dito. Itatak n'yo sa pag-iisip ng bawat isa na ang Land of nothing is real ay totoo."

"Mama, hindi ba tayo makakatulong kay ate kung sakaling nandon nga s'ya?" Umiling ang ginang bilang sagot.

"Mawalang galang na ho, pero, nasa loob pa din ho tayo ng Zitoria di po ba?" Magalang na tanong ni Safyra.

"Oo. Ang parteng ito ay malapit na sa border ng Zitoria," sagot ng ginang.

"Bakit mo po alam ang nangyari noon sa Trianchu?" Tanong naman ni Thyreze.

"Doon pa ako nakatira nung panahon na yon." Mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan nilang lahat. Nabasag lang ito nang nagtanong si Ayesha— anak ng ginang.

"Mama diba sabi mo may palatandaan na makikita kung nasa Land of nothing is real nga ang isang tao?" Tanong ni Ayesha.

"Sa kaliwang pulsuhan. May markang kidlat na kulay kahel." Tinignan ni Ayesha ang kaliwang pulsuhan ni Flora at nakita n'ya ang sinasabi ng kanyang ina.

"Hindi ho ba natin s'ya matutulungan?" Tanong ni Steve, umiling ang ginang habang may lungkot sa mga mata.

"Tanging s'ya lang ang makakatulong sa sarili n'ya. Oo nga pala, mahihirapan kayo bumalik sa pinanggalingan n'yo dahil masyado nang malayo iyon mula dito. Pwede naman kayo tumira dito tutal malaki naman ang bahay namin."

Walang nakakibo sa kanila kahit isa dahil sa gulat. Tanging tunog lang ng pag-ihip ng hangin ang nagbibigay ng tunog nung hapon na yon.

Kulay ng papalubog na araw na matatanaw sa bintana ang syang tinitignan nilang lahat. Mahirap para sa mga kaibigan ni Flora ang umupo at maghintay na lang kung babalik pa ba s'ya o hindi na.

Mahirap maghintay lalo na kung walang katiyakan sa susunod na mangyayari. Ang ikinakatakot nila, ay hindi na makabalik pa si Flora dahil ang sabi, maganda ang lugar na yon.

"Nag-aalala ako." Lumingon kaagad si Safyra nang marinig si Thyreze.

"Sino ba namang hindi? Hindi nga natin alam kung ano yung makikita nya doon. Kahit may ideya tayo, nakakatakot pa din." Sabay silang nagpakawala ng buntong hininga at pilit na inaalis ang lungkot sa isip nila.

"Walang ideya si Flora na ilusyon ang nandon. Hindi ko na alam kung ano iisipin ko." Napahilamos na lang sa sariling mukha si Marcus dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman.

"Ayaw kita sisihin pero nakakainis ka. Lahat na lang sinisisi mo kay Flora kahit naman tama talaga s'ya." Hindi sumagot si Marcus.

"Paano kung pinakinggan muna natin s'ya kahapon sa gusto nyang sabihin? Mangyayari kaya to?" Walang naka-imik sa tanong ni Fyrix. Lahat sila ay may malalim na iniisip.

"Pumasok kayo dito! Bilisan ninyo!"

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon