Chapter 12: Transferees

72 6 0
                                    

Alexandrite's POV

"Kailangan mo na umalis dito. Baka makuha ka pa nila." Sabi ni Venz saka lumayo ng kaunti. Sumunod naman si Steve sa kanya at para silang gumagawa ng... Portal?

"Pumasok ka na. Dadalhin ka nyan sa kwarto mo mismo." Sabi ni Eri at may bahid ng lungkot sa boses nya.

Kahit na ayaw ko ay lumapit ako sa portal. "Tuluyan nang nabasag yung barrier." Sabi ni Venz na para bang wala lang sa kanya yon.

Gumawa sila ng barrier para maprotektahan ako. Ako lang ang nasa loob ng barrier tapos sila, nasa labas.

Tinignan ko si Eri na nakatingin lang sakin. Kumikinang yung mata nya- senyales na naiiyak sya.

"Pumasok ka na." Sabi nya pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtulo ng luha nya. Wag ka umiyak please. Kahinaan ko yon.

Nanlalambot na ang tuhod ko. Kahit na masakit para sakin ang nangyayari, tumalikod ako at naglakad papalapit sa portal.

And for the last time, I look at your eyes. All that I can see is your sadness.

Hawak na sya nila Venz sa magkabilaang balikat. Umiiyak sya. Tumalikod ako at hindi na pinansin yung malakas na pagtawag nya sakin.

Pumasok na ako sa portal at iniwan sila don.

Nagising ako saka nagmamadaling umupo habang naghahabol ng hininga. Panaginip ba yon? Wala sa sariling kinapa ko ang mukha ko. Basa yung pisngi ko. Umiyak ba ako ba ako kagabi? Sa pagkakatanda ko ay hindi.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ko. 3:54 pa lang. Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at tinignan kung anong buwan na ngayon. Ganon pa din ang buwan. Papasok pa pala ako bukas.

Kinapa ko ang leeg ko nung may maalala. Panaginip ba talaga yon? Kung panaginip edi dapat wala sa leeg ko yung kwintas. Ano nga ulit itsura nila? WAAAAAAAAAAA bakit hindi ko na maalala?!

Masyado syang totoo para maging panaginip lang. Hinawakan ko yung labi ko. Totoo ba yon? Hinalikan ako nung isang lalaki. Edi wala na pala sakin yung first kiss ko. Saka bakit para atang may namimiss ako?

Hinawakan ko yung kristal sa kwintas. Ikinulong ko pa iyon sa palad ko saka huminga ng malalim.

🎶Like a bullet in my chest
You're written, bound and etched🎶

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagtunog ng alarm ko. Hindi ko pala napatay yon.


"Hoy." Sabi ni Safyra sabay sagi sa balikat ko. Tinignan ko lang sya. Wala akong lakas para magsayang ng laway ngayong araw.

"Ayos ka lang?" Tanong naman ni Thyreze. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ano problema?" Tanong uli ni Thyreze. Umiling lang ako. Ayoko sabihin kahit kanino ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.

Ikinulong ko sa palad ko ang kristal na nagsisilbing pendant ng kwintas na ibinigay sakin. Huminga ako ng malalim para pigilan ang pagdausdos ng luha ko. Panay ang buntong-hininga ko habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Okay lang kaya sya? Ang weird kasi parang panaginip pero alam ko na hindi iyon panaginip. Kung hindi iyon panaginip, malamang ay umusad na ang araw. Pero hindi eh.

"Uy bhie! May transferee daw sa section natin!"

"Tapos gwapo sila! Nakita ko kanina tapos tatlo sila. Tigiisa tayo yiiieeeee!!"

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon