Chapter 6: Snake

143 10 7
                                    

Alexandrite's POV

Pagtapos ng ilang minuto naming pagtakbo ay huminto na rin kami. Haaaaaayyyy sa wakas! Nakakapagod kaya tumakbo!

"Hindi mo na ba kayang bilisan yung takbo mo?" Tanong nito sakin. Ahh so kailangan pa namin tumakbo ulit? Nakakapagod kaya!

"Bakit? Malayo pa ba tayo?" Tanong ko. Bigla namang nalukot ang mukha nya na para bang nakakatanga yung tanong ko. May nakakatanga ba don?

Nagulat ako ng lumapit sya sakin saka tumalungko sa harap ko. Ginagawa nito?

"Sakay." Utos nito sakin. Ayoko nga!

"Ayaw. Mabigat ako." Sabi ko. Totoo naman yon na medyo mabigat ako.

"Sasakay ka o kakaladkarin kita?" Tanong nito sakin. Ang panget naman ng ugali nito. Well, ano bang aasahan ko eh mukha ngang bad boy to.

"Ayoko sabi. Maglalakad na lang ako. Sabihin mo sakin ang daan at mauna ka na." Sabi ko at sinabi nya naman sakin ang daan. Pati ang itsura ng bahay na sinasabi nya. Woah? Ganon na lang? Iiwan nga ako dito? Tarantado pala to eh!

"Geh mauna ka na don. Susunod ako." Sabi ko kaya umalis na ito. Hm, masunurin.

Naglakad ako sa itinuro nyang daan. Mapuno dito at may mga mababang sanga kaya kung hindi ka nakatingin, baka masugatan ka. May mga damo din na maliliit at may mga malaking ugat ng puno.

Mabagal lang ang lakad ko dahil baka pag nagmadali ako ay mamatay ako ng maaga. Naglalakad lang ako habang hinahawi ang mga sanga na nakaharang ng bigla akong makaramdam ng hapdi sa binti ko.

Waaaaaahhhhh! Ahaaaaaaaaass!!  Potaena! Hinablot ko agad ang ahas at ibinalibag sa kung saan.

Huhuhu ayoko pa mamatay! Sana naman ay hindi gaanong makamandag ang ahas na yon dahil baka ilang minuto na lang ang itatagal ko sa mundong to.

Kahit na masakit na ang binti ko ay pinilit ko na bilisan ang takbo ko para makarating na ko sa bahay na yon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal tumatakbo pero ngayon ay nakikita ko na yung sinasabi nyang bahay.

Pero mas tamang sabihin na isa yong mansyon dahil masyado itong malaki. Hindi ko na pinagmasdan ang paligid ko basta kailangan ko makaabot don kahit anong mangyari. Nagsisimula nang lumabo ang paningin ko. Ito na, kumakalat na yung venom ng ahas.

Buong lakas ko na pinihit ang door knob. May nakita akong tatlong lalaki na naka-upo sa sofa at isa sa kanila yung nagligtas sakin kanina. Hindi halata na natuklaw ako ng ahas dahil nakatayo ako ng maayos habang itinatago ang hapdi ng sugat ko.

"Ang tagal mo naman dumating." Sabi nya saka tumayo pero natigilan sya nung makita nya na nagdudugo yung sugat ko sa binti.

"A-anong nangyari sayo? Bakit dumudugo yung binti mo saka bakit napaka-putla mo?" Sunod sunod na tanong nya pero ni isa ay hindi ko nagawang sagutin. Napatayo na rin yung dalawa pang lalaki na naka-upo lang kanina.

Yon lang ang mga bagay na nakita ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong bumangon at tumingin sa paligid ko. Nahinto ang paningin ko sa lalaki na nakaupo sa upuan na malapit sa kama na hinihigaan ko.

Yung lalaki na nagligtas sakin kahapon. Nandito sya sa kwarto kung nasaan ako.. anong ginagawa nya dito? Medyo masakit pa yung binti ko pero pinilit ko na tumayo para lapitan sya.

Bakit ba kasi sya natulog habang nakaupo. Naka cross arms pa. Ganon ba talaga pag bad boy? Kapag natulog ng nakaupo ay naka cross arms?

Kumuha ako ng isang unan at lumapit ako sa kanya. Nilagay ko ang unan sa likod ng ulo nya saka ko iniangat yung ulo nya para doon sya sumandal.

Paika-ika akong lumapit sa kama ko para maupo dahil masyado pang masakit ang binti ko. May balkonahe sa kwarto na to at natatanaw ko yung labas mula sa kama na kinauupuan ko.

Nalibang ako sa pagtanaw sa labas at hindi ko na sinubukan na maglakad lakad dahil masakit pa yung binti ko.

Naudlot ang pagtingin tingin ko sa labas dahil may yumakap sakin na mula sa likuran ko.

"Buti nagising ka na." I can sense relief in his voice.

"Salamat sa pagturo ng dadaanan ko." Pagpapasalamat ko dahil maayos nya na ipinaliwanag sakin ang dadaanan ko kaya buhay pa din ako. Natuklaw nga lang ng ahas.

"Pinag-alala mo ko. Kung sana sumakay ka na sa likod ko nung isang araw sana hindi ka na natuklaw." Sabi nya. Teka? Isang araw?

"Hindi ba..kahapon lang nangyari yon?" Takang tanong ko. Eh kasi ang alam ko talaga kahapon lang nangyari yon.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at lumipat sa harap ko.

"Dalawang araw kang walang malay." Sabi nya. Hala ka..buti buhay pa ko.

"Nagugutom na ko." Nakangusong sabi ko. Narinig ko naman sya na natawa ng mahina dahil sa sinabi ko.

"Maligo ka na muna. May damit ka na don sa aparador yun nga lang mga bestida yon." Napangiwi ako sa narinig ko mula sa bibig nya.

"Wala bang iba?" Tanong ko baka kasi may iba pang damit eh.

"Wala. Sige na maligo ka na. Nandon yung CR oh. May toothbrush na din don." Sabi nya saka lumabas ng kwarto na to.

Kingina naman eh. Bakit kailangang bestida pa? Saka saan yon galing? Ayy mamaya ko na nga lang itatanong.

Tinignan ko na yung nasa aparador at kumpleto yon. Nandito lahat ng kailangan ko. Undergarments tapos mga bestida. Siguro bestida na din yung gagamitin kong pangtulogಥ╭╮ಥ may mga cycling din dito at kulay itim lahat.

Bakit para yatang prepared? Kumpleto eh. Tapos ang gaganda nung mga style ng mga bestida dito. Parang pang-alis na to eh! Yung mga pantulog naman ay simple lang saka sobrang hahaba.

Naligo na ko at nag toothbrush saka nagpatuyo ng katawan. Isinuot ko na yung nakuha ko na bestida saka nagbalot ng buhok para hindi mabasa yung damit ko.

Lumabas na ko ng CR at tinignan ang sarili sa salamin. May sira ata yung salamin nila dito. Nagmukha akong tao eh. O kailangan ko lang talaga magayos para lumabas yung kagandahan ko?

Bumaba na ko at buti na lang ay hindi ako naligaw dahil malaki ang lugar na to. Nasa tapat na ko ng hagdan ng magsalita ako.

"Uhm, tingin ko may sira yung salamin don sa kwarto na pinanggalingan ko." Napatingin sila sakin nung nagsalita ako at natulala sila. Mukang pati mata nila may sira na rin.

"Woah."

"Ang ganda nya sa suot nya."

"Beautiful as always."

Kanya kanya sila ng komento pero nagtaka ako sa sinabi nung nagligtas sakin. Beautiful as always daw? Eh ngayon pa lang kami nagkita ah.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon