Chapter 34

34 0 0
                                    

Pinagmasdan ni Flora ang repleksyon sa malaking salamin. Lapat na lapat sa kanyang katawan ang suot na gown. Kulay puti ito na may halong iba't ibang shade ng green.

V-neck ito at may maluwag at mahabang manggas na abot sa kamay. Ang haba naman ng gown na kanyang suot ay umaabot sa lapag. A-line ito kaya naman kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan dahil sa pagiging hapit nito sa kanyang bewang.

Hinimas niya ang tela nito na mala-kulambo ang tekstura, inaalis ang mumunting gusot nito.

Muli niyang sinipat sa salamin ang sarili. Pinagmasdan ng mabuti ang sarili, magmula sa kanyang mahabang buhok na nakakulot, maging sa kolorete sa kanyang mukha na hindi halata, sa kanyang damit at hanggang sa three inches pointed heels niya na kulay nude.

Bumuntong hininga siya. For once and for all. Iminuwestra niya ang kamay para makapagpalabas ng iilang kulay pink na bulaklak at inilagay yon sa kanyang gown bilang palamuti kasama ng mga baging na disenyo ng kanyang gown.

Lumabas siya sa kanyang kwarto at taas noo na naglakad. Binaybay niya ang mahaba at tila walang katapusan na hallway kung saan maririnig ang malakas na tunog ng kanyang heels sa kada tapak ng kanyang paa.

Muli siyang nagpakawala ng buntong hininga nang marating ang dulo ng mahabang hallway kung nasaan ang isang malawak na balkonahe. Natatakpan ito ng pulang kurtina at hindi niya makita kung ano ang nasa labas.

Napalingon sa kanya si Lady Margie na nakatayo sa likod ng saradong kurtina. Ngumiti ito sa kanya at tumango.

Ibinaling niya ang tingin sa kurtina. Naglakad siya papalapit at huminto sa harapan nito. Sa isang kumpas ng  kanyang kamay ay bumukas ito at sumalubong sa kanyang paningin ang liwanag na nagmumula sa araw.

Muli siyang humakbang paharap para masilayan ang nangyayari sa ibaba ng balkonahe. Nang makalayo siya sa kurtina ay kusa itong sumara.

Iba't ibang mukha na ngayon niya lang nakita. Ang bibig ng mga ito ay naka-awang habang nakatingin sa kanya, sa kanilang magiging Reyna, nasa kanilang mukha ang pagkamangha.

“Our new Queen stands in front of us all,” panimula ni Queen Precilda. “This World has been waiting for her return for a long time. At last, she's now here and ready to take the crown and lead the kingdom to its greatest.”

Masigabong palakpakan ang namutawi sa paligid. Wala nang ibang marinig si Flora kundi ang ingay ng mga palakpak na pumupuno sa kanyang pandinig.

“Queen Alexandrite Flora Leighton,” sambit ng Reyna at isinuot kay Flora ang korona na nakapatong sa unan na kulay pula. Ang korona ay hindi kagaya ng kay Queen Precilda dahil ang kay Flora ay gawa sa kumpol ng baging na inihulma para maging paikot. May iilang bulaklak na nagsilbing ornament dito at sa gitna ng bawat bulaklak ay may gemstone. “Your throne have been waiting for you for a lot of time. It's yours now.”

Ngumiti si Flora ng matamis. “Thank you for taking care of the kingdom, Lady Precy.”

Ngumiti ang ginang at bahagyang yumuko at nag-angat muli ng tingin kay Flora. “It's an honor.”

Isang malakas na pagsabog ang nagpatigil sa kasiyahan ng taong-bayan sa ibaba. Nagtakbuhan ang mga ito para humanap ng pagtataguan at masisilungan.

Napa-angat ang tingin ni Lady Precilda at ni Flora sa langit nang mapansin ang biglaang pag-itim nito. Mabilis na na-alerto sila Safyra. Tumayo sila malapit kay Flora habang alerto na pinagmamasdan ang paligid.

“Paalisin ang mga tao. Tignan niyo kung may nasugatan,” utos ni Flora. Tumango si Thyreze at Fyrix sabay talon pababa sa balkonahe.

Muling nag-angat ng tingin si Flora at kumunot ng kanyang noo nang bumalik ang maliwanag na paligid. Kunot noo siya na bumalik kay Lady Precilda.

“Dumilim ba ang langit?” tumango ang babae.

Ibinalik ni Flora ang tingin sa langit at napa-atras nang biglang lumitaw ang isang nilalang na may suot na itim na balabal. Pinasingkit ni Flora ang kanyang mata para aninagin ang nasa kamay nito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang tattoo nito.

Napasinghap siya nang bigla itong maglabas ng palaso. Mabilis ang paglipad ng palaso at sa isang iglap ay nasa harapan niya na ito. Nakatitig siya sa palaso, hinihintay ang pagtusok nito sa kanya dahil hindi niya na nagawang maka-ilag.

Bago ito tuluyang tumama sa kanya ay mabilis na nakapagpalabas si Marcus ng kristal na kaagad na tumama sa palaso na dahilan para tumama ito sa sahig malayo kay Flora.

“Umalis na tayo! Pumasok ka doon!” sigaw ni Marcus habang ang paningin ay nasa nilalang na nakalutang di kalayuan sa kanila. “Steve at Safyra, alalayan niyo sila.”

Mabilis na kumilos ang dalawa para papasukin sa loob ng palasyo ang mga nasa balkonahe. Mabigat ang dibdib ni Flora nang tumalikod siya sa nakalutang na nilalang para sumunod kila Safyra na alerto habang inaalalayan ang dating Reyna na bumalik sa loob.

“Come on, Queen Alexandrite.” Napahinto sa paghakbang si Flora nang magsalita ang nakasuot ng itim na balabal. “Alam ko na ayaw mong tumalikod sa nasasakupan mo.”

Marcus’ knuckles turned white as he sensed mockery on the man's tone.

“Alam ko na iisipin mo pa rin ang kapakanan nila. Mahalaga sila sayo. Kaya naman ano ang ginagawa mo?” tanong nito. “Bakit mo sila tinalikuran?”

“Lumakad ka na, Flora!” angil ni Marcus habang ang kanyang mga kamay ay nasa harapan ng kanyang dibdib ngunit nakadistansya. Handang salagin ang atake na maaring pakawalan ng kalaban.

Nanginginig ang mga labi ni Flora nang dahan-dahan siyang umikot paharap. Napangisi ang nakalutang na lalaki dahil sa ginawa ni Flora.

“Ano ba ang gusto mo?” tanong ni Flora sa mahinang boses ngunit sapat na para marinig ng nilalang.

“Pumasok ka na, Flora,” mariing sambit ni Marcus pero iling lang ang isinagot ni Flora sa lalaki.

“Tama na ang kaiiwas, Eri. Sa tingin ko oras na para harapin sila,” sambit ni Flora sabay iwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Marcus ang pagtakas ng isang butil ng luha sa mga mata ni Flora.

“Buhay. Maraming buhay,” sagot ng lalaki na nakasuot ng itim na balabal.

“Hayaan mo na ang nasasakupan ko,” sambit ni Flora ngunit napatigil siya sa biglaang pagsigaw ni Marcus na malapit sa kanya.

“Naririnig mo ba ang sarili mo?! Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?!” Nagbaba ng tingin si Flora sa sahig nang marinig ang pagkabasag ng boses ni Marcus.

Si Thyreze at Fyrix na nasa baba kasama ng taong-bayan ay malamlam ang mga mata habang pinapanood ang tagpo sa balkonahe. Si Safyra at Steven na nakatayo hindi kalayuan sa likod ni Flora, kasama ng dating Reyna at nakakagat sa kani-kaniyang mga labi.

“Tama na, Marcus,” bulong ni Flora ngunit dinig na dinig ito ng lalaki. “Reyna na ako. Tungkulin ko na protektahan ang nasasakupan ko.”

“Tangina naman, Flora!” Napasinghap ng hangin si Marcus at hinayaan ang kanyang mga luha na malayang umagos pababa sa kanyang pisngi. “Alam ko kung ano yung iniisip mo, e.”

Nag-angat ng tingin si Flora at ang unang nakita noon ay ang pait sa mga mata ni Marcus. Lalong bumigat ang dibdib ni Flora dahil sa kanyang nakikita.

Naglakad siya palapit sa lalaki at iniunat ang kanang kamay para paglandasin sa mukha ng lalaki. Napapikit si Marcus para mas lalong damhin ang haplos ng babae.

“Babalik ako, mahal ko. Pangako.”

Matapos masabi ni Flora ang huling salita ay may itim na usok ang pumulupot sa kanya at kaagad siyang hinila palayo sa lahat.

~~~~~~~~~

A/N:

Hi! Siguro mamaya or bukas, ipa-publish ko na yung dalawang bagong story ko na fantasy din. Wala pa kasi silang description kaya di ko alam kung mamaya or bukas ko sila ilalabas. Stay tuned, stay safe! Thank you for reading!

EDIT: Isa lang muna pala. Mai-spoil kayo kapag pati yung isa inilabas ko na.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon