Chapter 14: Death attempts

54 6 0
                                    

Alexandrite's POV

Putol na talaga! Huhuhu hindi ko na to madudugtong. Punyeta talaga yong hayop na yon eh. Sisirain ko buhay nyang hinayupak sya.

Ano na gagawin ko dito? Hindi ko na to masusuoooooottttt!! Ang sarap pumataaaayyyy!!

Tagal matapos ng klase. Uwing-uwi na ko eh. Lumilipad na din yung utak ko at wala na kong maintindihan. Sana lang walang quiz ngayon o kaya bukas.

After wambilyon years, nakalabas na din ako sa room. Kasabay ko sila Thyreze kaya hinawakan ko na lang yung pendant at tinitigan iyon. Kahit titigan ko to ng matagal, hindi nagsasawa ang mga mata ko.

Iginigilid naman ako nila Thyreze kapag napapalayo na ko sa kanila dahil sa katititig ko sa pendant. Naglalakad lang kami dahil medyo malayo pa naman yung sakayan. Patuloy lang kami sa paglalakad.

"Alexa!!" Napatingin ako kaagad kay Safyra dahil sa sigaw nya. Nahagip ng mata ko yung isang kotse na mabilis ang takbo..at..papunta ito sakin.

Hindi ko napansin na naiwan na pala nila ako. Hindi ko din naman alam na bumagal na ng sobra yung lakad ko eh.

Hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Basta.. nakatingin lang ako dun sa kotse. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nung makita na ilang metro na lang ang layo nito sakin pero bago ako tuluyang malapitan ng kotse, may malakas na pwersang humila sakin paalis don.

Saka.. ano yung napansin ko kanina? Bago ko maramdaman na may humila sakin, parang nagyelo ng konti yung kalsada kaya imbis na padiretso sana yung takbo nung kotse, lumihis yon bigla— parang dumulas ganon.

"Ayos ka lang?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa tanong na yon. Tumango na lang ako. Agad ko na lumayo ng maalala yung pendant. Tinignan ko yung kamay ko, nakahinga ako ng maluwag nung makita na nandon pa din ang pendant.

"Muntik ka na ngang mamatay, yung pendant pa yung una mong tinignan kaysa sa katawan mo kung may sugat ba o wala." Masungit na sabi ni Marcus. Pinaglihi ba to sa sama ng loob?

"Yung sugat, maghihilom. Kapag nawala tong pendant na to, wala na kong maipapalit dito." Mahinang sabi ko. Ramdam ko naman na napatingin sya sakin. "Salamat nga pala sa paghila mo sakin." Sabi ko saka tuluyang umalis.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong nilapitan yung lamesa saka hinila yung drawer non. Asan na ba yon? Ang alam ko nandito lang yon eh.

Asan na ba kasi yung tali na yon? Kulay itim yon eh at ang alam ko dito ko lang yon inilagay.

Nahanap ko na. Naupo ako sa kama ko at isinuot yung tali dun sa butas ng pendant. Sinukat ko pa iyon kung sakto na na yung haba para putulin ko yung sobra.

Nung sakto na yon ay itinabi ko yung pinagputulan saka nagbihis. Pagkatapos ko magbihis ay pupunta na sana ako sa kusina pero napatigil ako nang may marinig na kaluskos.

Hinanap ko yung pinagmumulan ng tunog. Bumaba ako ng dahan-dahan habang nakikiramdam sa paligid. Nasa huling baitang na ako ng hagdan at ipinalibot ang tingin mula dito.

Itatapak ko na ng malakas at may mabigat na pwersa ang paa ko ng bigla akong mapatingin sa sahig.

Thumb tacks?!

Kahit na malapit na tumama ang paa ko sa thumb tacks ay nagawa ko pa din iiwas ang paa ko para hindi matusok.

Hindi naman kami gumagamit ng thumb tacks kaya paanong nagkaroon ng thumb tacks dito? Kung naapakan ko yon malamang maa-out of balance ako dahil bigla ko na lang iaangat ang paa ko para tignan yon. At kapag na-out of balance ako, hahampas ng malakas ulo ko sa sahig then, tigok!

Dinampot ko yung thumb tacks saka kumuha ng plais. Binaluktot ko yung dulo non— yung matulis, saka itinapon sa basurahan.

Naghugas muna ako ng kamay bago kumain. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin kung saan galing ang thumb tacks na yon.

Kapag naman tinanong ko? Parang wala naman sa hulog yung tanong na yon. Malamang galing sa tindahan diba?

"Kumakain lang kailangan pa tumulala." Napatingin ako agad kay kuya Clyde nung nagsalita sya.

"Kanina ka pa?" Wala sa sariling tanong ko. Dumipa naman sya kaya tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

"Teka, nakabihis ka na so...kanina ka pa dumating?" Hindi siguradong sabi ko.

"Nung pagdating ko, nakatulala ka na. Nung pagbaba ko nakatulala ka pa din. Sabog ka ba?" Sabi nya saka umupo sa upuan at kumain din. Weird ng araw na to ah. Sana naman hindi ganito ka-weird bukas.

"Hoy kuya." Pambabasag ko sa katahimikan. Bahala na basta itatanong ko yung tungkol sa thumb tacks.

Tinaasan lang nya ko ng kilay dahil ngumunguya sya. "May thumb tacks ba tayo?" Tanong ko. Napairap naman sya dahil sa tanong ko. Konti na lang talaga iisipin ko ng bakla to.

"Wala. Diba nga ayaw ni mama na bumili tayo ng thumb tacks." Sagot nya saka nagpatuloy sa pagkain. Nanahimik na lang ako at tinapos na yung pagkain ko.

Naupo ako sa kama ko pagkatapos ko kumain. Ano ba nangyayari? Kanina muntik na ko masagasaan at muntik na din ako makatapak ng thumb tacks. Ano kasunod?

Once you landed your foot on that place, death will follow you wherever you are. There's no safe place when that time comes.

Eh? Bakit lalaki yung boses? Saka ano yon? Ang iniisip ko ay kung ano yung susunod pero bakit may ganon? Wala naman yong kaugnayan sa iniisip ko eh.

Gumugulo na naman yung isip ko. Dati yung mga alaala lang ang nakakagulo sakin pero nadagdagan na naman. Yung panaginip— kung panaginip nga yon. Tapos yung mga salita na bigla na lang papasok sa isip ko. Saka yung muntikan na ko mamatay.

Hindi ko naman pinapangarap na magkaroon ng mahirap na kamatayan. Ngayong araw, dalawang beses ako muntik mamatay. Parang tanga si kamatayan ah. Inu-unti-unti pa talaga eh sa pagkamatay naman talaga ang punta ko ayaw pa madaliin.

Ano na kaya nangyari dun sa babae na sinuntok ko? Gising na kaya yon? Ahh malamang tulog pa din. Ang lakas ng pagkakasuntok ko eh.

Yung kinalbo ko kaya kanina? Haharapin pa din kaya ako non matapos ko sya kalbuhin? Tapos gantihan ako ng gupit sa buhok eh HAHA.

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon