Chapter 5: Zitoria

163 12 25
                                    

Alexandrite's POV

Kakatapos ko lang magmeryenda pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung tungkol sa nag-flash sa isip ko kanina.

Sobra na ah. Ang dami na non eh hindi ko alam kung alaala nga ba yon.
Pero malamang, alaala yon dahil napaka-imposible na imagination ko yon. Ang lawak naman ng imagination ko kung ganon.

Hanggang sa maggabi na ay nakatunganga pa din ako. Ang boring sa earth.

"Drite, kakain na." Sabi ni kuya Clyde pagtapos nya katukin yung pinto sa kwarto ko. Lumabas na ko kaagad dahil nagwawala na naman ang dragon ko sa tiyan. Kahit kelan talaga eh laging gutom yung dragon ko. Parang walang kabusugan amp.

Pagkatapos ko kumain ay naglinis na ko kaagad. Si kuya Drake na daw maghuhugas ng plato eh. Pagkatapos ko maglinis ay nagbihis na ko. Naka-short ako na medyo maiksi saka t-shirt. Hindi ako sanay matulog ng naka sando o kaya naka pajama. Ang init-init tas magsusuot ako ng pajama?

Nakaupo lang ako sa kama ko dahil hindi pa ako inaantok. Nakatanaw lang ako sa bintana at hindi ko namalayan na nakatulog na pala silang lahat. 9 na din naman kasi eh. Isinaksak ko yung maliit na ilaw saka ako nahiga.

Zitoria's Heiress. Sa hindi malamang dahilan, pumasok sa isip ko ang salitang yan.

Zitoria's Heiress?

Zitoria's Heiress?

Oh ano kinalaman ko sa Zitoria's Heiress?? Saka ano yung Zitoria? Lugar? Heiress daw eh baka nga lugar.

May nag-uudyok sakin na sabihin yon pero ang weird. Gusto ko din sundin eh. Wala namang mawawala kung susubukan ko eh. Huminga ako ng malalim bago iyon ginawa.

"Zitoria's Heiress." Pagkasabi ko non ay may lumiwanag. Hugis pinto ito at... kulay pink yung ilaw. Ang gandaaaaaa!

At dahil sa curiosity, naisipan ko na lapitan ito. Gusto ko pumasok sa liwanag na to at hindi ko alam kung bakit may mga ganito. Dahil sa masyado na akong curious, naisipan ko na pumasok.

Pagpasok ko don, may nakita ako na sapa. Ang ganda ng tubig, kumikinang. Nilapitan ko iyon at nakita ko ng malapitan kung gaano ito kaganda. Sobrang linaw ng tubig, kitang kita yung ilalim. Sigurado akong malamig tong tubig na to. Hahawakan ko sana iyon at malapit na malapit na ang dulo ng daliri ko nang may bigla sumigaw.

"Wag mong hawakan yan!" May malakas na boses ang sumigaw. Boses lalaki ito. Lilingon pa sana ako para magtanong pero biglang may braso na pumulupot sa bewang ko habang nakatalungko ako.

Tumayo ito kaya nahila ako patayo saka sya tumalon paatras. Mataas yung pagkakatalon nya kaya bumaligtad kami habang nasa ere. Pagkalapag namin sa lupa ay nakatalikod na kami sa sapa. Nasa likuran ko sya habang yung isang braso nya ay nasa bewang ko at yung isa ay nakahawak sa ulo ko.

Nakarinig kami ng malakas na kalabog at tunog ng nabulabog na tubig– yung may tumalon, ganon yung tunog. Gustuhin ko man na lumingon ay hindi ko magawa. Sa palagay ko ay pinoprotektahan nya ko mula sa kung ano man.

Napaka-assumera mo. Nung humupa ang ingay ay binitawan nya yung ulo ko at inalis yung kamay nya sa bewang ko. Naramdaman ko na napasalampak sya sa lupa kaya nilingon ko ito.

"Wag na wag mo hahawakan ang tubig na yon. Pwede mo lapitan pero bawal hawakan." Sabi nito sakin.

"Ano ba meron don? Saka ano yung tunog kanina?" Tanong ko dahil wala akong alam sa nangyayari. Huminga muna sya ng malalim at natitigan ko ang mukha nito. Hm? Gwapo sya. Maputi sya, matangos ang ilong at may makapal at maayos na kilay. At... kissable lips. WAAAAAAAAA! Napakalantod mo Alexandrite! Hindi naman kalakihan ang katawan nya, sakto lang tapos matangkad.

"Tapos ka na bang suriin ang mukha ko?" Tanong nya sakin. What the? Kanina pa ba ako nakatitig sa kanya? Bakit hindi ko alam?!

"Kung sino man ang humawak sa tubig na yon ay hihilahin nito pailalim walang nakakaligtas sa sapa na yan. Walang nakakaalam kung bakit agresibo ang sapa na yan." Mahabang sabi nya. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano pangalan nya.

"Sige na. Salamat sa pagligtas mo sakin. Uuwi na ko." Sabi ko sabay talikod pero nakakailang hakbang pa lang ako pero naalala ko na hindi ko alam ang daan pauwi. Kaya nilingon ko sya ulit at sya naman ay nakaupo sa lupa habang nakatingin sakin.

"Saan yung daan papunta sa Marilao, Bulacan?" Tanong ko. Kinumpleto ko na dahil baka sa ibang daan ako ituro.

"Walang ganong lugar dito." Sabi nya. Wut?!

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Walang lugar na Marilao Bulacan ang name dito." Sabi nya

"Ano yung mga natatandaan mo bago ka makarating dito?" Tanong nya.

"May pumasok na salita sa utak ko. Tapos may nagtutulak sakin na banggitin yon. Out of curiosity, binanggit ko iyon tapos may pink na liwanag na naghugis pinto. Pumasok ako don kaya napunta ako dito." Sabi ko

"Hindi ito ang lugar na pinagmulan mo bago ka mapunta dito." Sabi nya kaya napanganga ako. Ano daw? Nabingi ba ako? " Ito ang Zitoria. Malayong malayo sa lugar na pinagmulan mo bago ka mapunta dito." Sabi nya sabay tayo at nagpagpag ng pajama. Lumapit sya sakin saka inilagay ang hintuturo nya sa baba ko at iniangat yon kaya nakatikom na ulit ang bibig ko.

"Z-zitoria?" Mahinang sabi ko. Naalala ko na! Yung mga salita na binanggit ko kanina, may kasamang Zitoria yon!

"Doon ka muna samin. Mukha namang wala kang ibang mapupuntahan. Wag ka mag-alala dahil malaki ang bahay na yon. Tatlo lang kaming magkakaibigan na nandon." Sabi nya. Nakikinig lang ako dahil wala akong lakas ng loob magsalita.

"Bata pa kayo para humiwalay ng tirahan sa mga magulang nyo." Sabi  ko habang nakayuko at tinitignan ang paa ko habang naglalakad.

"Ginusto naman namin yon eh. Saka masaya naman kasi walang nagdidikta samin ng gagawin." Sabi nya

"Bilisan na natin. Magdidilim na baka pag dumilim eh mapunta ka sa kung saan at hindi ka namin mahanap." Sabi nya saka tumakbo kaya sinundan ko sya.

Mukha naman syang mabait– yung ugali ah. Halata sa itsura nya na lumalaban sya– bad boy to be exact.

Pero.. meron bang bad boy na tutulong sa tao na muntik na mamatay? Yung ginawa nya kanina, walang kasiguraduhan na makakaligtas kami pero tinulungan nya pa rin ako.

Hindi man lang nya inisip na pwede syang mamatay sa ginawa nyang yon. Hindi ba sya natatakot? Isa pa, hindi nya naman ako kilala pero tinulungan nya ko. Pano kung masamang tao pala ako tapos ihulog ko sya don. Hindi nya ba naisip yon?

Tapos yung mga galaw nya kanina hindi nya iniisip. Basta mailigtas ako ayos na yon sa kanya. Tinakpan nya pa ko eh tapos yakap nya ko habang nakahawak sya sa ulo ko.

Sino ba tong taong to?

FEARLESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon