17. She's back

571 8 3
                                    

 CHAPTER  17:

-GLAZE-

“Sulatan mo na!”

“Baka magalit!”

“Okay lang! Sa akin naman yan eh!”

“Kahit na! Di mo alam paano magalit si Ate!”

“Pasulat mo kay Mikay, di yan magagalit!”

“Ah-eh…Ugh! Sige nalang. Mikay, write here ba for me. Pwease?”

“Okay ate! Ehe ehe”

scribble scrible~~

Ang sakit ng ulo ko.

“ugggggh”

CLICK!

“Ate Glaze? Shit.”

“Ohmygod itago mo yan. Itago mo dali! Itago mo yan kundi maauso ang kalbo”

“Mikay make tago already! Hehe!”

Parang inuupuan ng isang napakalaking elepante.

“arghhh”

Tapos idagdag mo pa ‘tong katawan ko na parang dinaganan ng isang trak na laman ay puro bato.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. Gah! Ang liwanag. Diba gabi ngayon? Ba’t may sun? Baka mabulag ako ng wala sa oras. Nadatnan ko rin si Floyd, Ella, tsaka si Mikay na nakapalibot sa akin. Ngumiti lang si Floyd at kumaway.

“Hiii? Ehehehe. Pffft” painosente pagbati ni Floyd sa akin. Bakit parang may something weird silang ginawa tapos tinatago lang nila sa akin?

“KUYAAA FLOYYDDDD!!! KYAAA! AHAHAHAHAHAHA” Bakit tumatawa si Mikay?

“MAMA STELLA! GISING NA PO SI ATE-AY ESTE, SI KUYA FLOYD!!!”  tawag ni Ella kay Mama. Argh. Kung kanina baka mabulag ako ng wala sa oras, baka ngayon mabingi ako ng wala sa oras sa kakasigaw nilang dalawa.

“A-ah teka. Ang sakit ng ulo tsaka katawan ko. Anong araw na? Anong oras na?” Sinubukan kong umupo pero tinulak ako ni Floyd para humiga ulit. Oo. TINULAK AKO. With love and care. Note the sarcasm. Tsss.

Pero…ba’t ba ako nakatulog? Ano ba nangyari?

“Wag nga makulit. Hinimatay ka na nga’t lahat lahat tapos gusto mo pang umupo.” Pagsermon sa akin ni Floyd. Bumusangot naman yung mukha ko. “Uh hahaha. Saturday palang hahaha tapos 4 pm na hahahaha pffft” Inirapan ko lang siya.

Teka.

Hinimatay?!

‘DAAADDY! DADDY TULONG!’

BANG!

‘TATAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!’

Argh. Sumasakit ulo ko ulit. Hinawakan ko ito.

“Okay ka lang?” tanong ni Floyd.

Oo pala. Hinimatay ako dahil dun.

‘MOMMY, PLEASE WAG’

‘HINDI KITA MAHAL. WAG MO AKONG TAWAGING MOMMY. MAS MAHAL KO PA SI EDWARD KAYSA SAYO!’

“Sumasakit ulo ko…” sagot ko ng mahina. Ba’t ako ang nakakaranas nito, eh hindi naman yan yung pinagdadaanan ko?!

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon