39. Definitely

151 3 0
                                    

CHAPTER  39:

-GLAZE-

Woooo. Ang bilis naman ng oras. Akalain mo yun, March na. Nakatambay lang ako sa bahay ngayon kasi wala namang pupuntahan. Di pa rin naman nagsisimula ang practice naming para sa graduation. Pwede namang pumunta sa school, pero nakakatamad talaga eh.  Wala pang istorbo. Dalawa lang kami ni Mama dito sa bahay kasi si Papa, nasa trabaho. Si Mikay at Ella naman, nasa school. Oh diba. This is the life. Hihi

Bzzt

Bigla naman nagvibrate ang phone ko. Aba, siguro si Floyd na to. 10 am na ah? Ngayon palang siya nagising? Wow naman. By the way, nadischarge na si Floyd nung Feb 28. Okay naman daw siya pero kailangan pa siya imonitor. Kaya lockdown siya ngayon sa bahay niya. Chineck ko ang phone kaso..

Tsk. Akala ko si Floyd. I mean, ha psh. Ano naman kung hindi si Floyd? Sus. It’s not like I expected it to come from him diba?

From: Bes Julia

Walang magawa sa bahaaaaaaaaay

Eto talaga si Julia. Ano naman gusto niyang mangyari? Wiw.

To: Bes Julia

Congrats

Tas sinend ko na. Di umabot ng isang minute, nagreply na siya.

Bzzt

From: Bes Julia

Thanks

Hahahha. Ganon talaga yan kami. Sarkastiko na kung sarkastiko, pero eto na ang nakasanayan namin. Nagreply na ako ulit.

To: Bes Julia

Gusto mo ba ng trophy o ano

Tas sinend ko na ulit. Inilagay ko naman ang cellphone ko sa mesa na nasa tabi ng kama ko at humiga na ako sa kama ko. Ilang minuto na ang lumipas, pero hindi ko pa rin narinig ang pagvibrate ng phone ko. Ba’t parang ang tagal niya magreply? 

Chineck ko ang phone ko ulit pero wala lang syempre message. Okay na sana yun eh. Distracted na sana ako eh.  Tsss. Anong oras kaya magtetext si Floyd? Oy alam ko ano iniisip mo. Hindi ako clingy ah! Ewan ko kung baket, pero gusto ko siya lagi kasama. Kung hindi naman kasama, dapat kausap ko siya. Hinding pwedeng hindi, kasi magiging sad ako. Hindi yan pagiging clingy. Alam ko talaga ano iniisip mo. Azar ka.

Tiningnan ko yung relo ko para icheck yung time. Grabe ha. Kanina 10 palang, ngayon 10:50 na. Woooow. 50 minutes na yun? Bilis talaga ng oras.

Bzzt

Hay nako. Nagreply pa talaga si Ju—

From: Floyd Padilla

Oy

Napatigil ako. Nagtext na si Floyd. Hehehehe. Pero “oy” lang? Seryoso? Nice talaga siya. Wala lang man good morning? Tsss. Sana di nalang siya nagtext. Pero joke lang yun. Hehe

To: Floyd Padilla

Sup

Tas sinend ko na. Wag mo sabihin ngayon lang siya nakagising? 11 na kaya! Siguro nagpuyat yun. Baka nakalimutan niya hindi pa siya nakakuha ng exams. Tsss. Pupuntahan ko talaga yun bukas para siguraduhing magstustudy siya!

Bzzt                  

From: Floyd Padilla

Goodmorningg :3 Kumain ka na?

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon