CHAPTER 34:
-GLAZE-
"Floyd!" lumapit ako sa kanya at yinakap siya. Nagulat nalang ako na yung katawan na ni Floyd and nasa harap ko. Tiningnan ko sarili ko. Akin yung mga kamay ko, yung legs ko, at yung katawan ko. Hindi na katawan ko ang yinayakap ko. Kundi katawan ni Floyd. Ang katawang tinirhan ko sa lumipas na mga buwan.
Totoo nga ang sinabi ng manghuhula..
"Ba't mo ba yun ginawa ha?! Sira ulo ka ba?! " pasigaw kong sinabi sa kanya. Letse!
"A-ayaw ko l-lang naman ma-masaktan k-ka eh. K-kaya k-ko g-ginawa t-to." ngumiti siya kahit nahihirapan siya. Bihira lang siyang ngumingiti. Pero kahit ganito na ang kalagayan niya, nagawa pa niyang ngumiti. Bakit ngayon ka pa ngumingiti, Floyd?
"Naman eh! Ganun ka ba talaga?! Floyd, I want us to be together, in our own bodies, pero kaya ko namang tiisin na kahit ganito nalang. . .Tsaka ako naman ang may gusto na bumalik sa katawan ko diba?...dapat ako…ako nalang sana…"
"G-gusto k-ko lang na-namang mapa-s-saya k-ka e-eh…" mahina niyang sinabi. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinaplos niya yung ulo ko. Napatingin ako sa kanya.
Ngumiti siya ulit.
At tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"FLOYD!" yinugyog ko siya. "FLOYD PLEASE! MAGISING KA!"
WIWOOWIWOOWIWOO ~
“Miss. Umalis ka na miss. Kami na bahala dito.” Sabi sa akin ng isang lalake.
Sinunod ko nalang. Para at least may chance pa siyang mabuhay.
Sa lahat ng paraan, para magkabalikan kami ng katawan.
Bakit ito pa?
Iyak ako ng iyak. Bakit pa kasi to nangyari. Floyd… Bakit mo pa kailangang mabundol?!
Napakatanga mo talaga! Magcrocross ka pa ng street masasagasaan ka pa! Wag mo ako iwanan Floyd..
Napahagulgol ako.
Floyd. . .
Sana katawan ko nalang ang nahihirapan ngayon. Bakit sa kanya pa? Sana ako nalang. He doesn’t deserve this.
Nagmahal lang naman siya diba? Nagsacrifice pa.
It’s sad to think na ang pagpalit namin ay nagsimula sa isang aksidenteng wish. . .
At natapos sa isang aksidente.
Nagsidatingan ang Parking 5.
“Floyd! Anong nangyare kay Glaze!?” natarantang tinanong niKatsumi.
“H-hindi ako si Floyd.” Mahina kong sinabi.
“H-ha?” Sed.
“Hindi ako si Floyd.” Sabi ko habang pinipigilan ko sarili ko umiyak.
“G-Glaze?” Katsumi.
“O-Oo.”
“Kung ikaw si Glaze. . .ibig sabihin?...si kuya…?” tanong ni JC. Napayuko ako at patuloy tuloy na ang pagagos ng luha ko. Naramdaman ko na umupo sila sa tabi ko at yinakap nila ako.
“Glaze. . .matatag yan si Floyd. Kilala namin siya.”
“Kasalanan ko to. Kasalanan ko tong lahat. . .”
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...