CHAPTER 2:
-GLAZE-
Ohmygod. Tama ba yung nakita ko? Si Quen. . .may kahalik na ibang babae?. . .Kahapon iniisip ko lang to, tapos ngayon. Nangyayari na...
Lumapit ako sa kanila. Totoo ang nakikita ko...Si Quen nga yun....
Ang kapal.
"Quen!" Hinigit ko siya palayo sa babae at sinampal agad.
"Glaze?. . ." sabi niya habang hawak hawak niya ang pisngi niya.
"Ako nga." Matigas kong sinabi.
"Glaze. . . Glaze, sorry." Sorry? Anong magagawa ng story aber?! Sinampal ko siya ulit. Ang kapal naman ng mukha niya!
"Kung makikipaghalikan ka lang naman sa iba ng pagtago, sana ginalingan mo naman!" Nakayuko na siya. Galit ako. Galit na galit.
Pero di ako naiiyak. At ba't naman ako maiiyak? Siguro nga, niloko ako, at minahal ko siya ng todong todo. . .
Ah shet. Sabing di iiyak eh, pero tingnan niyo, naiiyak na ko. Pero buti nalang napipigil ko pa rin.
Tiningnan ko yung babae. Nakataas yung kilay niya tapos nakacross arms niya.
Pinalit ko ang mga tingin ko sa babae tsaka kay Quen.
Lumapit ako sa babae paunti ng paunti. At hinead to toe ko siya.
"Taray look uh? Ikinaganda mo yan?" sabi ko doon sa babae.
"Syempre. Maganda ako eh." sagot niya naman with matching hairflip. Tsss. Napairap naman ako.
"Oo nga eh. Ang ganda mo talaga. Ang ganda mong sampalin." sabi ko tapos aakmahin ko sanang sampalin.
"Glaze!" sigaw ni Quen. Pero di ko tinuloy. Don't tell me he's going to defend her? "Stop it." Ahhhh. Ganun. "Don't hurt her. Ayaw ko ng gulo." sabi niya ng mahigpit.
"You know, I was about to slap you. But then I realized, that would've been animal abuse." sabi ko ng di pinapansin ang mga sinabi ni Quen. Napagasp naman siya. "Let me guess, Animal abuse lang naintindihan mo no? Hahahaha! Boba ka kasi. Ooops." Tiningnan ko naman si Quen.
"Babe, alam mo naman diba? Mabait akong tao sa mga mahal ko. Pero pagdating sa kaaway ko, nagiging ganito ako. Tch. Bagay kayo. Pareho kayong tanga." Sasalita sana siya pero nilampasan ko siya. Binangga ko rin yung hampaslupan talandi na babaeng yun. Di man talaga halata. Pero naiiyak na talaga ako ngayon.
He defended her...Di lang man niya ako inilayo sa crowd, or nagsorry lang man...
Nakita ko naman na andun yung Floyd na yun na nakasandal sa pader tapos nakahand-in-pocket pa siya. Nakangiti pa siya. Nilagpasan ko nalang rin siya.
"Masakit ba?" bigla siyang nagsalita. Kaya napatalikod ako at lumapit ako sa kanya.
"Eh ano ngayon kung oo?!" sagot ko. Any moment, tutulo na luha ko.
Lumapit naman siya sa akin. "That's what you get. Tch." Anong...?
"Anong ibig sabihin mo?"
"That girl, was my fangirl. She would do anything for me, with no price at all. Yan ang makukuha mo sa pagpapahiya sa akin kahapon." nagsmirk pa siya nung sinabi niya yun.
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...