36. The Selfish Jerk

148 3 0
                                    

CHAPTER 36:

-QUEN-

"I am responsible for your soul switch." sabi ko habang ng nakatingin sa mga mata niya. Wala na akong ibang pakay dito kundi sabihin ang totoo. Madami na akong nagawang masama. I have to admit my mistakes. Madami na akong nasaktan.. all for my selfish needs.

"Hinde mo ba naisip kung bakit ko kayo sinusubukang kausapin, kung bakit pilit ko pa rin pinapasok ang sarili ko sa buhay niyo, kung bakit nasabi ko kaagad na alam ko na nagswitch kayo ng souls?" tanong ko.

"Pero sabi mo.."

"They were lies. Excuses. How dense can you get?"

Napatigil siya. Nakatingin lang siya sa kawalan. Ang tanging nasabi niya nalang ay "Paano.."

"Remember that time when you caught me cheating on you? I cut class that morning. Naglakad lang ako kung saan saan. Kung saan ako makapunta, pumunta ako. Hanggang sa napadpad ako sa isang lugar. Isang lugar na mistoryoso."

"Tangina naman oh! Sa dalawang buwan na ginagawa ko to, tsaka pa ako nahuli. Punyetang buhay na to." At dahil dito mawawala pa sa akin si Glaze. Fuck. Minahal ko naman talaga si Glaze. Kaso alam mo yun? Parang kulang eh. Sa limang buwan na kami eh ang pinakaintimate thing na nagawa namin ay maghawak ng kamay. Unlike Jane. One week palang kami pero madami na kaming nagawa. If you know what I mean. There were circumstances naman na malapit na kami magkahalikan ni Glaze pero something’s stopping her yknow. To be honest, Maganda naman si Glaze. Matalino. Mabait. But she is boring. She doesn't seem worth much to me.

I hate how she made a scene awhile ago. Sino ba siya sa tingin niya? Oo nga pala. Girlfriend ko. Fuck that Padilla tho. Siguro kung hindi niya sinabi kay Glaze na halikan ako, siguro walang mangyayari. Pinahiya nila ako. I want revenge.

Bigla naman ako napatigil.

Wait asan ako?

Napatingin naman ako sa paligid ko. Ng biglang.. "Pst.." may sumisitsit sa akin mula sa likod.

Napalingon naman ako at may nakita ako isang babae na nakangiti. Di naman siya mataba, pero di naman siya payat. Yung parang tama lang. Yung damit niya naman parang ang weird. Marami siyang mga jewelry.

"Gusto mo bang magpahula?" ngumiti siya.

"Fuck off." bulyaw ko. Aalis na sana ako kaso may nasabi siya na nakapagkuha ng atensyon ko.

"Ramdam ko na gusto mong humiganti." sabi niya. Napalingon naman ako at nakita ko siyang nakangiti.

"Ano bang plano mo?" tanong ko.

"Sumunod ka sa akin iho." sabi niya.

Sinundan ko siya hanggang nakarating kami sa isang perya na nangangalang "Big Star City". Alam ko tong perya na to. Medyo malapit lapit lang pala ako sa school namin kahit ramdam ko na ang layo ng nilakad ko. Pumasok naman kami at dinala niya ako sa loob ng tent niya. Maraming bagay ang nasa loob tulad ng crystal ball, cauldron, baraha at iba iba pa. May nakakabit naman sa itaas na sign board na nakasabing "Madam Lila's Black Magic".

"Umupo ka iho at ibigay mo ang iyong palad." sabi niya. Sinunod ko naman.

Her fingers went across my hands feeling each and every line that is there.

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon