19. Freeze

538 7 0
                                    

CHAPTER   19:

-GLAZE-

Isang buwan na ang nakalipas mula nung dinner sa bahay ng Padilla. Ang tagal na nga.

Medyo nakamove on na ako. At hindi ko na inabala ang lesheng pagpapalit namin ng katawan. Kaya medyo okay na ako. HAHA.

Ano pa ba ang mangyayari kung magpapaapekto ako diba? Edi panalo yung problema? Yak. Di ako ganung klaseng tao. Di porket may problema ako, eh magpapatalo na ako noh. Palaban kaya to. Hekhek.

“KUYAAAAAAAAAA!” bati sa akin ni Carmel. Nasa school kami ngayon.  Oo nga pala, since 3rd year pa lang si Carmel, eh nakahabol na siya sa pag-aaral dito sa Pinas. Kasama ko si JC, Julia tsaka si Floyd ngayon. Wala si Kats, Seth tsaka si Lester kasi may bagong trip na ewan nanaman. HAHAHA.

“Yoooo broooo.” Bati ko rin sa kanya. Inaasar ko siya. Medyo close na rin kami eh.

“Waaaah. Di ako brooo.” Pagrereklamo niya.

“Si JC kausap ko eh.”

“Ah wala tooo. I-unfriend kita sa facebook eh.”

“I-unfriend mo kaming lahat, okay lang.” Pagsasabat ni JC at nagtawanan na kami.

“Waaaa! Binubully ako!”

“Hahaha! Ankyoot mo talaga Carmel!” Pagpupuri sa kanya ni Julia.

“Mana sa kuya.”  Sabat ni Floyd habang nakasmirk. AMP! KAPAAAAL! Nagtawanan nanaman yung magkakapatid; Si Floyd at JC.

Habang kami ni Juls, binibigyan siya ng pangkamatayang tingin. Chot. Hekhek.

Syempre, hindi pa kami nagpalitan.

Napatitig ako sa kanila. Hindi ko pa rin makakalimutan ang sinabi ni JC sa akin nung dinner night.

Hahaaaay.

Argh. Langyang buhay na to.

Napaupo na ako sa gilid ng kalsada habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

PAKINGSHET PAKINGSHET PAKINGSHET!

“Glaze…” narinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Yung TOTOONG pangalan ko. Tiningnan ko siya.

“Oh, JC?”

“Okay ka lang ba?” sabi niya habang umuupo sa tabi ko.

“Sa tingin mo?” pagtataray ko sa kanya.

Napatahimik naman siya doon. Tiningnan ko siya at nakita ko siyang nakayuko. Parang nahihiya na ewan.

“Look, I’m sorry kung napasali ka sa gulo ng pamilya naming. My family…our family…it’s complicated.  Kahit ako nagsisisi kung bakit sa lahat ng pamilya, diyan pa ako napunta. Mama ko, murderer. Tatay ko, patay na. Mga kapatid ko, nagkarelasyon. Yung pinakamatanda namin, walang puso sa ibang tao. Naiintindihan ko rin si Kuya. Siya rin kasi ang nakaranas ng lahat ng sakit.”

Ako naman ang napatahimik.

Naalala ko yun sa mga flashbacks ko. Alam ko na prinoprotektahan talaga ni Floyd yung mga kapatid niya.

How…how heroic.

“Pero alam mo?”

“Yeah?” pagresponde ko.

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon