Previously on Accidents Happen
Napagdesisyon ni Glaze at Floyd na maghanap ng manghuhula, tapos nakita ni Ella si Floyd sa taas ni Glaze. Sinabi na nila kay Ella tungkol sa switch, tapos nagsugod si Quen tapos hinalikan si Floyd. DUN DUN DUUUUUN
CHAPTER 12:
-GLAZE-
“Ugggh. Ba’t ba kasi umaga tayo naghanap?” tanong ni Floyd na parang bata kung makareklamo.
“Para makahanap tayo ng mabuti at mas madali.” Sabi ko habang hinigit siya papunta somewhere. Actually, di ko talaga alam kung saan makahanap ng manghuhula. Swear. Kasama nga pala namin si Bes. Nasa likod namin siya. Milagro nga ang tahimik eh.
“Eh madali lang naman pala eh! Sana mamaya nalang hapon. Tssss.”
“Kulit eh! Tsaka sabihin mo nga, saan tayo makahanap agad?! Eh ngayon wala pa nga tayong nakikita!”
Umupo na siya sa pinakamalapit na bench. Andito na kami sa park. “Baka nasa pwet ko.” Umupo nalang rin ako sa tabi niya. “Ba’t di mo kasi tinanong sa iba bago tayo naghanap?”
“Eh ba’t di ka rin nagtanong?”
“Tulog ako eh.”
“Gagi!”
“Tekla!”
“Tae!”
“Kung ano kaya, kung maghanap muna tayo bago kayo magbangayan diyan? hahahaha” imik ni Bes habang tumatawa ng mahina. Ay. Mahina ba kako? Joke lang yun.
“Ba’t ka tumatawa?!” sabay naming tinanong ni Floyd.
“Nakakatawa kayo eh. hahahahaha”
Kung alam niyo lang kung gaano siya kastubborn kaninang umaga.
"Gising!"
"Urmf. Maya na."
"Gising sabi!"
"Mauna ka na. . ." Anong mauna ka na?! EH GISING NA NGA AKO EH! DAHECK
"Tatawagin ko si Quen."
"K"
“Tapos magkakaroon ka nanaman ng super kiss.” Pagbabanta ko sa kanya. Pgkasabi ko nun, agad naman siya dumilat at bumangon.
“Ayoko nun. Ayoko nun. Ba’t mo pinaalala sa akin?! Gago ka.” Sabi niya sabay sapak sa akin. Humikab siya habang kinukusot ang mata niya. “Tsaka ba’t mo pa ako ginising ng maaga? Ano meron?”
“May kama.” Sarkastikong sagot ko sa kanya.
“Ahhhh. May table. Oks na.” sabi niya sabay bagsak ulit sa kama. TEKA! ANONG KONEK NG KAMA AT TABLE!?
“Naaaaa. Pordalab Floyd magising ka na!”
“Tulog ako.”
Tssss. Tinulak ko nga paalis sa kama. Ayan tuloy. Nahulog ang bata.
“AGAY! MASAKIT!”
“MALAMANG! NAHULOG KA NA NGA SA KAMA DIBA?! ALANGAN NAMAN MASARAP ANG PAKIRAMDAM! BAKA GUSTO MO MAGPARTY DAHIL NAHULOG KA NA!”
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...