35. Isang Linggong Pag-i...yak

166 1 0
                                    

CHAPTER 35:

 

-GLAZE-

 

February 12 ngayon.. Isang linggo na ang lumipas mula naaksidente si Floyd. Isang linggo na siyang na comatose. Isang linggo na rin akong nakakulong sa kwarto ko. Wala naman rin kami klase kasi katatapos lang nang exams namin, tapos sa March pa kami magsisimula sa mga practice sa graduation namin.

Isang linggo na rin ako iyak ng iyak. Hindi pa naman siya patay pero, nakakabother rin naman eh. Pano kung hindi siya mabuhay? Paano kung tuluyan na siyang mamamatay? Anong gagawin ko? Pano na ang plano namin sa future?

Naglalakad kami ni Floyd sa Mall kasi wala lang. Bored kami eh. Actually, kanina pa kami andito. Gusto kona nga umuwi eh. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ni Floyd at ayaw niya pang umuwi. Tss.

“Oy Floyd, gusto ko nang umuwi. Kanina pa tayo andito oh.” Reklamo ko. Nagbuntong hininga nalang siya.

“Osige.” Sabi niya sabay kuha ng kamay ko. Sinubukan ko naman alisin pero ayaw niya talaga.

“Hoy sinisira mo reputasyon ko!! Wag mo kalimutan nandiyan sayo katawan ko!!” paalala ko sa kanya. Nagkasalubong naman ang kilay niy pagkasabi ko nun.

“Yun lang naman iniisip mo eh. Tss. Sige na, di tayo aalis kung hindi mo hahawakan kamay ko.” Sabi niya ng nakapout. Waaaaaa. 

“Seryoso?” tanong ko.

“Seryoso.”

“Ugh.” Do I even have a choice? Pero.. secret lang ah. Gusto ko rin naman eh hehehehe. Nagsimula na akong maglakad. “Sige na nga.”

 

Yes” mahina niyang sinabi pero narinig ko naman. Napairap naman ako doon. Chansingero pala talaga to eh!! Palihim naman ako napangiti.

“Mommy! I want that toy!!” napahinto kami nung may batang sumulpot sa harap namin na may tinuturong laruan. Aww cutie.

Nagulat naman kami nung lumapit siya kay Floyd at kumapit sa jeans niya. “Mommyyyy, I want that ooooone!” turo niya. Tas hinila pa kami nung bata palapit sa display nung toy na gusto niya.

“Hello!!” umupo si Floyd sa harap ng bata. “Anong pangalan mo?”

 

“Sara!” sagot ng bata with enthusiasm. “Are you my mommy?” tanong niya pa.

 

Nagchuckle si Floyd konti. “No. I’m not.”

 

“What? You’re not my mommy?” nagpout  pa ang bata.

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon