7. Tropang Parking 5

1K 14 25
                                    

HAPPY KATHNIEL DAAAY! TINGNAN ANG PICTURE SA SIDE DALIII! ♥

____________________________________________

CHAPTER 7:

 

-GLAZE-

 

“Asan na siya, Floyd?”

“Nasa Amerika. Dinala siya dun para ilayo sa akin.” Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Tumahimik sandali.

“Mahal mo ba siya?” tinanong ko out of nowhere. Nakita ko na bumukas ang mga mata niya. Bakas sa mukha niya na gulat na gulat siya sa tinanong ko. Pero di niya sinagot. Tiningnan niya lang ako.

“Mahal mo pa ba siya?” I asked again. Hindi naman sa pagiging insensitive pero, …basta.

“Inaantok na ako.” Pinunasan niya yung mga luha niya at umalis na. Tiningnan ko siya hanggang nakataas na siya. Di niya sinagot ang tanong ko. Siguro, kagaya ako kay Quen. . .

Mahal niya pa rin si Carmel.

Pero hindi sila pwedeng magkatuluyan kasi nga, MAGKAPATID SILA.

“Hahaay.” Napahiga nalang ako sa couch. Kaya pala parang wala lang sa kanya nung kwinento ko sa kanya tungkol sa panloloko sa akin ni Quen, kasi mas masakit ang pinagdaanan niya.

Sana hindi ko nalang pala yun tinanong. Akala ko nga ex-girlfriend niya. Akala ko isa sa mga babae niya lang yun. Akala ko hindi niya yun mahal.

Pero akala ko lang pala yun.

Di nagtagal nakatulog na rin ako.

_

SCHOOL

DI TALAGA AKO MAKAGETOVER SA NANGYARI KANINA. OMFG KILL ME NOW PLEASE PLEASE PLEASE PLEASE

“MALIGO KA NA FLOYD! TAPOS NA SI GLAZE!” sigaw ni Mama sa amin. May klase pa kasi diba? So obviously, dapat kaming maligo.

 

Teka lang.

 

Teka lang talaga.

 

MALIGOOO?!?! HOMAYGAD.

 

IBIG SABIHIN MAKIKITA KO ANG KATAWAN NI FLOYD?!?! AT…AT…YUNG…

PERO TEKA, DIBA TAPOS NA SI FLOYD MALIGO? SO NAKITA NA NIYA?!!!??!!?!?!? ERMEGEEERD. SHET SHET SHET SHET.

 

Bumaba na sa hagdanan si Floyd na nakabihis na. Syempre, nakauniform kami nuh. Buti naman at inayos niya yung buhok niya. 

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon