CHAPTER 4:
-GLAZE-
“Heeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh?! Ermegerd bes. Ang creepy.” Sabi ni bes sa akin. Kwinento ko na kasi sa kanya ang nangyare. Si Floyd naman may binili ulet. ANG TAKAW TAKAW NIYAAA. BAKA TATABA AKO NIYAN HUHUHUHU.
“I know right, bes? Kaya ano sana, wag mo tong sabihin kahit kanino ha?”
“Bakit naman?” tanong ni Bes. Pero di lang siya ang nagtanong nun, pati na rin si Floyd. Kababalik niya lang sa table namin. Umupo siya ulit sa tabi ko.
“Kasi naman, magiging complicated diba? Isipin mo nga. Pag nalaman ng ibang tao na ako’y ikaw, at ika’y ako, magiiba tingin nila sa atin. Tapos iiba rin yung trato nila sa atin. Tsaka mawawalan ka rin ng chicks. O diba?” sabi ko habang tinitingnan si Floyd. Hindi naman ako naiilang kasi syempre, katawan ko yan. AT OMG ANG GANDA GANDA KO PALA TALAGAAA! DI BALENG MORENA, BASTA MAGANDA! HAHAHA
Pero andiyan nanaman, nung nagtama mga mata namin, parang hindi ko na nakikita ang sarili ko, parang si Floyd na mismo ang nakikita ko.
CLICK!
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Bes.
“BESSSS HANUBAAA! NAKAILANG PICTURES NA KAMI DIYAN?!” sigaw ko kay Juls. Siya naman nakangisi lang habang tinitingnan ang camera niya.
“Alam mo bes, bagay kayo ng katawan mo tsaka katawan ni Floyd. Siguro kung hindi kayo nagpalitan, malamang magkakatuluyan kayo! Bet ko kayo teh! Omg!” HALAKA?! NEVER AKO MAGKAKAGUSTO SA KANYA! AT TSAKA HINIHINTAY KO NALANG NGA YUNG ARAW NA BABALIK AKO SA KATAWAN KO!
“Uhm. Excuse me bes, DI PA NGA KAMI NAGBREAK NI QUEN EH! DI KO PA SIYA NABREAKAN. PANO BA NAMAN KASI, NANGYARI TO! KAYA WAG MO MUNA AKO IPAIR SA MGA KATULAD NIYA. EWWW. I MEAN, HELLOO—AGAAAAAY!“ nagwawaras ako ng bigla naman ako binatok ni Floyd.
“IKAW HA! NAKAILANG BATOK KA NA SAKEN!”
“So? Tsaka tingnan mo! SA SOBRANG INGAY MO KANINA, AKALA NILA AKO YUNG KARELASYON NI QUENITO MO!” pasigaw niyang binulong sa akin.
Tiningnan ko naman yung mga tao na nasa palagid ko. At lahat sila parang nagulat at ewan.
“Si Floyd at si Quen? Break? Huh?”
“Bading pala yung dalawang heartrob ng school natin?”
“Omg. Sayang naman.”
Hala. Oo nga. Malakas pala talaga yung boses ko?
Eh kasi naman! Di pa kaya ako nakadjust.
Agad ko naman tiningnan si Floyd na ngayon ay naka tiger look sa akin.
“Hehe. Sorry?” Nagpeace sign pa ako. Inirapan niya lang ako.
“Aish. Iuwi mo na nga ako.” Ansunget. Huhu
“Iuuwi? Hoi! Wag ka nga magparap—asdfghjkl” Di ko na pinatapos si Juls sa
pagsasalita sa pamamagitan ng pagpasok ng kinakain ni Floyd sa bunganga niya.
“Tara na.” Tumayo na ako sa upuan ko at inaya na si Floyd na tumayo. “Bye bes.”
Tumayo naman siya. Pero nagulat nalang ako na hinawakan niya kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya. At kagaya ng nangyari kanina,
Si Floyd nanaman ang nakikita ko.
Siya naman nakatitig lang rin sa akin.
Bakit lagi tong nangyayari? Bakit sa tuwing magtitigan kami, bumabalik ang lahat sa normal?
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomantikPaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...