CHAPTER 38:
-GLAZE-
"Wala na siya, bes." may nagsalita. Tumalikod ako at nakita ko si Julia na umiiyak. "Iniwan na niya tayo." Totoo na pala talaga to. Patay na pala talaga si Floyd.. Yinakap ako ni bes, at pareho naming inilabas ang lungkot namin.
Bigla naman nagring ang phone ni Bes kaya pareho kaming nagulat.
“A-ah, teka. Kunin ko muna to.” Sabi niya sabay punas ng mga luha niya at ngumiti ng pilit. Kung malungkot ka bes, ano nalang ako?
Napatitig naman ako sa loob ng kwarto. Halata naman na bago lang namatay ang pasyente na nandoon ng nakalipas na araw..
‘Namatay’
What a funny word.
Death…
Patuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. This is a very devastating experience. Kahit kailan hindi ko naisip na mararanasan ko ang ganitong experience na to.
Floyd, kahit iniwan mo na ako, mahal na mahal pa rin kita. Ang dami na nating pinagdaanan, pottie. Ang dami dami na. Katulad ng sinabi mo na hindi mo ako minahal dahil sa aking pisikal na anyo, ako rin. Hindi rin kita minahal dahil sa pisikal na anyo mo. Kundi sa personalidad mo. I fell in love with your personality, Floyd. There’s just something about you. Kahit minsan, napakajerk mo, but you still attract me. You never fail to amuse me. Every day is a surprise when I’m with you. Because every day, I find out something new about you. Pero ngayon, I guess I won’t be experiencing anymore surprises. Kasi wala ka na eh. Wala ka na. Iniwan mo na kami.. But I guess it’s time to let you go.
“Miss?” may nagsalita. Napatalikod ako ulit, isang nurse pala ang nagsalita. Iniwan na pala ako ni Julia, di lang mman nagpaalam. Tss.
“Po?” tanong ko. Pinunasan ko lahat ng luha ko at sinubukang hindi ipahalata na umiyak ako.
“Sino po ba ang hinahanap niyo?”
“A-ah. Wala.”
“Si Floyd Padilla po ba?” tanong niya.
“Ah? Hindi po. Hindi naman ako siraulo para humanap ng patay noh. Hahaha” Pambibiro ko. Tch. Parang siraulo na nga ako dito eh..
“Ha? Eh di naman siya patay eh.”
Natigilan ako. Anong ibig sabihin niya.. “A-anong sabi mo?”
-
Nakarating na ako sa harapan ng pintuan.
"Eto na talaga.." dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Dahan dahan akong pumasok.
Nagulat ako sa nakita ko..
Ang mga kabarkada ko na nagtatawanan..
"Hahaha. Sira ulo ko, Kats! Ikaw ang itulak ko sa harap nung van na yun eh.." sabi niya. May mga sugat siya sa mukha, tas yung kanan niyang paa at arm ay nakasemento at may cast. Kahapon pala siya nitransfer mula sa ICU papunta dito. Mas naging okay ang condition niya, pero kailangan niya pa ng medical assistance.
"Takte Floyd! Sasakin kita diyan eh! Para matuluyan ka na. Hahaha."
"Nakakamiss rin pala na yung totoong Floyd kausap namin. Tol, asan na ang ganda mo? WALAA NAAA HAHAHA" asar pa ni Lester.
Inirapan nalang ni Floyd ang iba. Napahalakhak siya. Mas lumakas yung mga hikbi ko. Bigla naman siya napatingin sa direksyon ko, at napangiti.
"Glaze..?" sabi niya. Napatingin naman silang lahat.
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...