9. One Night to Comfort You

702 12 8
                                    

CHAPTER 9:

-FLOYD-

“Ano ba kasi ang nangyariiii?” makulit na tinanong ni Glaze sa akin. Nasa bahay na kami, sa loob ng kwarto niya. Nakahiga ako sa kama habang siya nakaupo sa tabi ko. Tapos na kaming kumain at lahat lahat. Tulog na nga yung pamilya niya eh. So ibig sabihin, wala ng makakarinig. . .

WAG GREEN.

“Tss. Ang kulit lang eh no? Eto na nga. Ikwekwento na.”

“Ano nga kasi nangyari?”

“Eto na nga eh!”

Pagkapatapos ng klase, tumayo na ako agad at inayos ang mga gamit ko. Alangan naman iwanan ko ng makalat diba. Eh kung sa ganun edi ang swerte naman ang magaayos para sa akin. Lul.

Aalis na sana ako ng may humigit ng braso ko.

“Glaze.” Napatingin ako sa nagsalita. At napairap nalang ako sa nakita ko.  Hinigit ako ni Quen hanggang sa pinakadulo ng classroom.

“Aray. Bitawan mo nga ako, hipon.” Sabi ko habang tinatanggal yung arm ko sa hawak niya.

“Glaze, usap tayo.”

“What do you want?” pagtataray ko sa kanya. Total naman, galit si Glaze sa kanya, kaya siguro okay lang na tarayan ko yung. . .thing.

“Kailangan nating magusap.”

“Paulit ulit? Tsaka hindi ba tayo naguusap ngayon?”

“Listen here Glaze. I’m serious.”

“So am I.”

“What’s up with you?! Hindi ka naman ganon noon uh?!”

“WAG NA WAG MO AKONG PAGTAASAN NG BOSES. BAKA DI NA KITA MATANTSA  AT MAPAHAMAK KA PA.” Kung alam niyo lang, pag ako na ang pinagtataasan ng boses, hindi na ako magpapatalo diyan.

“Glaze naman kasi. I want you back.”

“Cher Lloyd trep mo?”

“ Let me explain.”

“Paliwanag. Dali.”

“She kissed me first. I don’t know what happened but I responded. Tapos nung nakita kita tinuloy ko nalang kasi baka akalain mo na iba ang naghahalikan at hindi ako.” Aba aba?! Ano kala niya kay Glaze? Tanga?

Tanga pala yun nuh? Lol.

“Asan na yung liwanag?”

“Glaze naman. Will you please be serious for once?”

“Bakit? Ikaw ba naging seryoso ka ba sa relasyon natin? Nakipaghalikan ka pa sa iba diba?” Hindi na ako ang nagsabi ng mga sumusunod na salita. Pero yun ang nanggaling sa bibig ko.

Paano?

Hindi ko rin alam. Siguro yun ang sinasabi ng puso ni Glaze.

Napatahimik naman si Quen dun.

“Sorry. . .and, I love you. I won’t stop ‘till I get you back.” Sinabi niya at umalis na. Ay. Walk-out? Tch. Teka lang, para matapos na to lahat.

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon