CHAPTER 21:
-GLAZE-
STUDY STUDY STUDY DAAAAAAY!
Bukas na yung exams. Ang bilis ng oras. Phew.
Kung tinatanong niyo kung asan si Floyd. Andun siya sa kwarto umaaral DAW. Dapat lang talaga. Kasi hindi talaga pwedeng masira honor roll ko. Ahu ahuuu.
So ngayon, naghihighlight nalang ako ng mga ewan dito sa book. Lecheng physics. Wala man talaga ako maintindihan uyy. Huhu. Eh paubos pa naman yung ink ng highlighter.
Makakuha nga ng bago.
So ayun, naglakad na ako papunta sa kwarto. Kaso may nadaanan akong pandakekong. Maasar nga. May narinig kasi akong balita. Ehehehehek.
“Hoy, Ella.” Tawag ko sakanya.
“Yes Floyd, I mean, teh?”
“Balita ko, break na daw kayo na Fafa Fatrick mow?”
“H-ha? Saan mo naman narinig yan?”
“Somewhere.”
“Di yun totoo. Kami magbreak? Psh. Ha ha ha!”
“Peksman?”
“Peksman.”
“Cross your heart? Hope to die?”
“Cross my heart lang! Kumalma ka nga! Ayoko pang mamatay!”
“So nag break nga kayo.”
“Kasasabi lang ng hindi diba?”
“Sumbong kita kay Mameh? Kayo pa?”
“Oo na! oo na!”
“Anong oo na?”
“Kami pa! hihi.” Sabi niya sabay takbo.
Luuuuuuh. Tsk tsk tsk. Makapunta nga sa kwarto. Kailangan ko pa rin ng highlighter eh. Ahehehek.
Pagdating ko sa harapan ng pintuan ko. Chineck ko muna kung nag-aaral nga si Floyd o hindi.
Uyyyy. NATUTULOG! AMP. Pinuntahan ko nga.
"OY FLOYD! GUMISING KA NGA!" sabi ko habang inuupuan siya. At tingnan niyo nga, di pa rin nagigising. Ay pu--!
Pero nagulat nalang ako ng nagsalita siya. "Uhh...Mama..."
"Huh?" Pinapanigipan niya mama niya? Awww.
"Mama Alicia..."
"A-Ah..."
"I'm sorry...Sabihin mo kay Glaze..." Ano meron sa akin?
"Na mahal..." Anong mahal? Mahal niya ako? Ha?
"Mahal ang baboy ngayon. In demand. Kaya dapat magtago na siya." HAAAA?! Spell basag. ampu--. Leshe. Binatukan ko nga gamit ng libro.
"Agay! Problema mo Baba?" Baba? Anong baba?
"Baba? yak corny!" sabi ko.
"Baboy! HAHAHA" sabi niya sabay kurot sa tiyan niya. Di kaya yan mataba! sexy kaya yan!
Isip ka pambalus Glaze. Isip!
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...