33. Screech!!

209 2 0
                                    

CHAPTER 33:

-GLAZE-

"Who do you believe right now?"

"Stop that! Stop trying to change the subject! If I know, you're lying! At totoo nga ang pinagsasabi ni Quen!" sigaw ko pero itinakip ko yung bibig ko kaagad.

"I see.." gumawa siya ng okay-if-that's-how-you-want-it face tapos tumango. "Fine. It's true. Totoo nga. Niloko ko nga si Quen. Masaya ka na ba?"

"B-bakit mo yun ginawa?"

"I wanted you. Is that reason not enough?"

What the fck.

What the fck.

WHAT THE FCK!!!

Di ako makapaniwala. Di ko akalain na magagawa niya yun. Nakakalungkot. Nakakadisappoint!! Hindi ko talaga inakala na magagawa yun ni Floyd. I trusted him..

But he’s the reason why me and Quen broke up!!

All for his selfish needs.

SELFISH JERK!!!

Naglakad lang ako papunta sa bahay ko. Yung totoong bahay ko. Walang pakialam sa kung ano mang mangyayari. Bakit ba?

Masakit maloko eh.

Pakiramdam mo kasi na lahat ng pinagkakatiwalaan mo, hindi na rin totoo. Na baka lahat ng inakala mo na totoo, ay hindi.

Napakasakit.

Pero syempre di naman ako magpapakamatay dahil dun. Di ako ganun.

Andito pa naman pamilya ko. Sila lang ang kailangan ko. Sila lang ang makakapagpasaya sa akin. Wala ng iba.

Pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko si Mama na nakaupo sa couch na nakayuko. At si Papa na paalis at may hawak na maleta.

“Pa?” sabi ko. “Anong nangyayari?”

“F-floyd?” napatigil sila sa ginagawa nila. Napatingin naman sa akin si Mama. Umiiyak siya.

“Anong nangyayari?” tanong ko sa kanilang dalawa ulit. Si Mama tiningnan niya si Papa, pero si papa, napayuko nalang.

“Wala kang pakialam.” Sabi ni Papa at tuluyan ng umalis.

Anong nangyayari..

Bakit..

Bigla naman lumapit sa akin si Mama at yinakap ako.

“Iniwan na kami ng papa ni Glaze, Floyd.” Napahagulgol naman siya ng malakas. Hinimas himas ko naman ang likod niya.

Ako mismo pinipigilan kong umiyak. Kaso hindi eh. Eto ang pinaka ayaw ko. Ang makita ang sarili kong nanay na umiiyak.

Pero nakakagulat kasi talaga eh. Parang biglaan.. kahapon ang saya saya ko tapos ngayon parang...

Sunod sunod na ang mga problema ko.

Bakit ako?

Bakit ako ang nahihirapan ng ganito?

Anong ginawa ko para madeserve to?

Kumalas si Mama sa yakap at inaya akong umupo sa couch.

“Pasensya na kung nadadamay ka dito. Pasensya na talaga.”

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon