CHAPTER 25:
-GLAZE-
“HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUU! HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUUU! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUUUUUUU!”
Okay. Kanina pa sila.
“Hindi ba kayo nagsasawa? Kanina pa talaga kayo.” Sabi ko.
“Hayaan mo na, after how many years tayo di nagsama kuyaa eh.” Sabi naman ni Carmel na parang bata.
Napatingin naman ako kay Floyd na nakahiga sa couch. Kawawang kawang bata, ginising ng maaga sa birthday niya. Tsktsktsk. Eh paano ba naman? Habang natutulog ako, kinuha pala nila si Floyd doon sa bahay namin. Syempre, may paalam kay Mama Stella. Para daw super surprise daw. Putchek. Eh andun nga natutulog ang langya eh? Bwahahaha.
“Ma, awang awa na ako kay Glaze.” Sabi ko.
“Girlfriend mo yan! No excuses! Kailangan andito siya sa surprise mo kanina!” sabi niya na may awtoridad. Yung surprise ay gisingin nila ako habang natutulog sa paraan ng pagiingay sa kwarto ko. Sila lang tatlo nagingay, si Tita Alicia, Carmel, at si JC. Si Floyd, ayun nakahiga sa study table ko. As in, on it. Nakahiga siya dun at natutulog. Pffft. Sa bagay, kwarto niya rin naman yun. Ahekhek.
Si Edwardong tong, nawawala eh. Ewan ko saan. Eh bahala na yun, bwiset yun eh. HAHA
Tumayo nalang ako at lumapit kay Floyd na natutulog pa rin. Lumuhod ako sa harapan niya.
“Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, happy birthdaaaaaay. Happy birthday to youuuu.” Kanta ko. Bigla naman siya nagstretch.
Boogsh~
Di ko alam kung sinadya niya yun o hindi, kasi tinulak niya ako!! PONYATERAAAA!!!
Tapos bumangon siya kaagad at tiningnan yung paligid niya. Parang manghang mangha nga siya eh.
“Paano ako napunta dito--Teka” Sabi niya. Lumaki naman yung mata niya. Anong nangyayari sa kanya? “I’M BACK TO NORMAAAAL! AKO NA SI FLOYD ULIT!!! SOLIIIIIIIIIIID!”
“Floyd.” Sabi ko. Tiningnan niya ako tapos nagmukha siyang namatayan.
“Ay.” Sabi niya nalang. Lumapit siya sa akin at binatukan ko. “Panira ka talaga kahit kalian, Glaze. Birthday na birthday ko ngayon eh. Paniraaa!”
“Maya na kayo maglandian diyan. Punta na daw tayo sa hotel para magready sa party.” Sabi ni JC. Lumapit naman siya at tinapik ang balikat ni Floyd. “Happy Birthday Bro.” bati niya tapos umalis na.
3:00 na. 6:00 magstastart yung party eh. Magreready pa si Floyd. Magmemake-up pa at aayusin pa yung dress. Pffft.
Girlfriend daw eh.
Siguro kung ako yun ngayon, tuwang tuwa ako. Ajujujuju. Pero kung di naman to nangyari, di ko naman siya makikilala.
Lose-lose situation. Huhu.
Sabi nila mamaya nalang daw ako magayos kasi sandal lang naman ako iayos. Kasi lalake daw ako. KAILANGAN IPAGMUKHA? Langyuuuh. Di ko nga birthday ngayon eh.
Since wala naman akong magawa, chineck ko nalang si Floyd habang minemake-up siya.
“Close your eyes.” Sabi nung beautician.
“Yoko nga!” pagangal ni Floyd.
“Close.your.eyes.” pagdidiin ng beautician. Galit na ata. HAHAHA
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...