37. Goodbye

130 2 0
                                    

CHAPTER  37:

-GLAZE-

Isang buwan na ang lumipas, hindi pa rin gumising si Floyd. February 26 na ngayon. 3 weeks na ang lumipas since inamin ni Quen ang kasalanan niya. Hingi siya ng hingi ng tawad pero hindi ko pa rin matanggap tanggap ang nagawa niya. Akala niya ba na ganun kadali lang yun? Ang laki ng kasalanan niya. At ang rason dahil napahiya lang siya? Dafuq? Hindi ko talaga inasahang siya ang may gawa nun. Alam ko demonyo siya pero akala ko walang masamang intensyon ang pagpapalit namin ni Floyd. I’ll only forgive him kapag sinabi na ni Floyd na papatawarin na namin siya.

"Glaze! Glaze! Wake up!" may gumigising sa akin. Si Juls. Huh? Natutulog pala ako? "Si Floyd!" nung narinig ko pangalan niya, napabangon ako kaagad.

"Anong meron?!" tarantang taranta kong tinanong. Madaming pumapasok sa isip ko ngayon. Baka sabihin niya patay na si Floyd, baka sabihin niya rin na buhay pa si Floyd. Please be the latter. Please tell me he’s awake. Please.

"H-he's dyin--" bago pa man niya natapos ang sasabihin niya, tumakbo ako papunta sa kwarto niya. Hindi ako naniniwala. Kailangan ko siya makita, bago ako maniniwala. Pagkarating ko dun, lahat sila nasa labas na umiiyak. Hindi na ako nagdalawang isip, agad ko binuksan ang pintuan.

Sinubukan pa ako pigilan ng nurse. What the fuck? Ba’t ba sila kumokontra?! “Miss. Bawal po kayo dito.. doon nalang po kayo sa labas maghintay.” Sabi ng nurse pero hindi ko pinakinggan. Hinawakan na nila yung braso ko at sinubukan akong higitin palabas. Pumipiglas naman ako pero mas malakas pa rin talaga sila.

Beeeep!

Tumigil sila, at napako ang tingin ko kay Floyd.

Naging straight line na yung linya sa monitor.

"Time of Death” sabi nung isang nurse, sabay tingin sa relo niya. “1:26"

Time of... death?

Parang lahat ng nakita ko, nagsink in. Parang nararamdaman ko na binagsakan ako ng langi't lupa. No...It can't be. Hindi ito ang dapat mangyari. Hindi... You're kidding...Natutulog lang siya...

Hahahahahaha! This is so funny! They actually think he’s dead! What a bunch of losers! Hahahahaha!

Tinanggal na nila yung mga nakakabit kay Floyd at umalis na sila. Nandun lang ako.. nakatayo. Nakatingin kay Floyd, na hindi na humihinga. Hindi siya patay diba? Natutulog lang siya diba? Oh siguro, prank niya lang to. Mahilig pa naman yun magprank. Surprise niya sa akin to eh! Gising na siya! Alam ko to. Teka lang, gising na siya? …

Oh my God. Ibig sabihin neto discharged na si Floyd? Pwede na kami umuwi? Alalayan ko siyang umuwi. Aalagaan ko siya habang nagpapagaling pa siya!

Lumapit ako sa kanila sa labas, nakita ko naman na umiiyak sila.

"Ba't kayo umiiyak? Natutulog lang naman si Floyd ah? Kaya nga tinanggal na yung mga nakakabit sa kanya kasi madidischarge na siya?" tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin. Parang hindi  sila makapanipaniwala sa mga sinasabi ko. Bakit? Totoo naman ang mga sinasabi ko diba?

"Glaze..." imik ni Tita Alicia. Napatingin naman ako kay Floyd na nakangiti.

Nakikipagbiruan ata to ah?

"Tingnan niyo oh, natatawa nga siya! Ha! Ha!" pagbiro ko pa. "Sus. Natutulog lang yan..."

Tahimik lang silang lahat. Pero nangingibabaw ang hikbi ng isa't isa. Nangingibabaw ang pakiramdam ng trahedya.

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon