8. He's enjoying this

667 11 2
                                    

 CHAPTER 8:

 -GLAZE-

Hay salamat tapos na ang klase. Hindi talaga ako sanay sa mga teachers at sa mga classmates ko. Grabe lang ha. Pero alam niyo? Ang saya saya. For once naging mataray ako sa mga babae as a lalake. Ang saya lang. Ahahaha. Nasa labas ako ng classroom, hinihintay si Floyd. Yung P5 naman andun pa sa loob, gumagawa ng kalokohan at ewan. HAHA. Medyo close na rin ako sa kanila. At nakakapag bonding na rin ako sa kanila ng mas mabuti. Mga sira ulo talaga sila, especially si Kats. Nakooo. Laughtrip talaga ako pag kasama ko sila. Kaya alam ko na kung bakit ang saya saya ni Floyd kasama sila.

“Hi Floyd.” Sabi nung babae na bumati sa akin kanina umaga. Mehehehe right on time. 

“Hello.”

“Pwede ba tayong magdate mamaya? and if ever. . .wala yung parents ko for tonight.” Sabi niya sabay kindat. Wiw.  Kunan niyo nga ako ng barf bag at jusko, masusuka na ako. Tsaka itatapon ko yun sa letseng talandi na nasa harap ko. Yak.

Ngumiti ako. “Ikaw ba miss, pinaglihi ka ba sa kalan?”

“Ha? Pano mo nasabi?” nagtataka niyang tinanong.

“Kalandian.” Sabi ko sabay kindat at umalis na. Booooom. Bumusangot naman ang mukha niya at umalis na siya ng tuluya. Pfft. Eng seye seye hehehe

Pumasok nalang ako ulit sa classroom namin. Pagkapasok ko sa classroom, ay isang kalokohan nanaman ang ginagawa nila.

Ano pa ba? Tapunan ng chalk. Waaaaaaw

“FLOYD PARE! FAVORITE GAME MO OH! TARA LARO TAYO!” tawag sakin ni Seth. Kaya sumama nalang ako.  Nageenjoy talaga ako sa laro na to. Hahahahahaha. Ang saya talaga nilang kasama. Okay yung game naming hanggang sumigaw ni Lester.

“OYYYYYYYY!  PAREE WAG SAKIN!” sigaw ni Lester kay Katsumi.

“YAAAAAAAA! AJA! FIGHTING!!!” patuloytuloy pa rin si Katsumi sa pagtapon ng chalk.

“TOL! TEAMMATES TAYO HANUBAAAAA!” huminto na si Kats sa pagtapon ng chalk.

“Heh?!” Napahinto si Kats sa paghagis ng chalk kay Lester.

“BOOM!” tinapunan naming ni JC at Seth si Kats at Lester ng chalk. HAHAHAHA

“MAGSITIGIL KAYOOO!” sigaw ni Lester.

“PAG DI KAYO HIHINTO UUTOT AKO!” banta ni Kats sa kanila. Pero sige parin kami sa pagtapon ng chalk. Unlimited chalk eh.  HAHHAHAAH

PRUUUUUUT!!

Napatigil kami lahat sa pagtatapon ng chalk. At tinitingnan lang nila si Kats. May namumuo namang evil smile sa mukha ni Kats. Homaygad. Umutot. Si. Kats.

Ewwwwwwwwwwwwwwwwww

“Homaygad.” Sigaw ko. Ambaho!! Amoy rotten egg what the heeeeell.

“EVACUATE MGA BREGGS! RED ALERT! RED ALERT!” sigaw ni JC. Tumakbo na kami palabas ng classroom. AMBAHO TALAGAAAA!!!

“COVER AND HOOOOLD!”  sigaw ni Seth. Nakalabas na kami sa classroom at sinirado na ni JC ang pintuan. Syempre lumabas na rin ako nuh. Stink bomb na yan diyan sa loob. Ahahaha.

Nakita ko naman si Floyd na tawang tawa sa pangyayari. ABA’T! TUMATAWA PA ANG DEMONYO?! GRR. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. Nakasandal kasi siya sa balcony. Kasi sa harap ng classroom namin, parang balcony na Makita na yung ibang floors.

“Nandito ka na pala.” Sabi ko kay Floyd.

“Ay hindi. Nandun ako.”

“Hahahaha. Ang saya palang kasama ang tropa mo nuh? Ang kukulet. Nakakagood vibes lagi.”

“Alam ko.”

“MWAHAHAHAHAHA. ANG BANGO NG UTOT KO DIB—GLAZE!?” laglag panga na sambit ni Katsumi. HAHAHA.

“Hi Kats.” Pacute ni Floyd at kumaway kay Kats. Tiningnan ako ni Floyd at inirapan ko lang siya. KASI NAMAN! HINDI AKO NAGPAPACUTE NG GANUN EH. Tae talagaa. Huhu.

“A-ah. Uhm. Na---uhhh.” SPEECHLESS SI KATSUMI AHAHAHA

Inamoy amoy niya yung paligid ko tapos tinakpan niya ilong niya.

“Ugh. Ambaho. Amoy utot. Yak. Turn-off.”  Maarte niya sinabi.

“Si Kat—“ may sasabihin sana si Lester kaso tinakpan ni Katsumi.

“Si F-Floyd yung umutot!” pagsisinungaling niya. Aba’t ako pa ang binintang uh?! Bwiset tong si Kats. Pag ako talaga makabalik sa katawan ko maghintay lang siya!

Lumapit si Floyd sa akin at binigyan ko siya ng ano-nanaman-trip-mo look. At talagang nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Hinalikan niya lang naman ako.

Sa cheeks.

Click!

Oh. My. God.

TUMAAS LAHAT NG DUGO KO SA MUKHA KO. ALAM KO NAMUMULA AKO SOBRA.

“J-Juls! Ano ba! Ba’t mo pinicture? Anak ng PRIVACY naman oo.” Sabi ko kay Bes. Eh pano naman? PINICTURE EH! 

“Hehe.” Sabi ni Julia habang naka peace sign.

“Kung si Floyd lang naman ang umutot edi okay lang sa akin, para masanay na ako pagmagpakasal na kami. Diba babe?” sabi ni Floyd habang nakangiti. Laglag panga ulit si Katsumi.

Bumuntong hininga nalang ako. “Yes babe.” Sagot ko at ngumiti ng peke.

“HAHAHAHAHAHAHAHA!” tumawa sila lahat except si Kats.

“Eh. DI AKO SUSUKO! PAGSUBOK LAMANG TOOOOO!” pagwawaras ni Kats.

“So, kompleto na tayo lahat. Tara lets?” pagaaya ni Floyd sa amin. HINDI KO NAMAN SINASABI YAN UH?! 

Naglakad na kami papunta sa caf.

“Sasabihin na ba natin?” tanong ni ko kay Floyd.

“Wag muna.”  Sagot niya. Haaa? BAKIT?! 

“Bakit?”

“Nageenjoy ako eh.” Sabi niya sabay kindat. Tas naiwan akong nakatulala.

NAGEENJOY SIYA?! ABA’T ETONG LALAKENG TO. PAGTRITRIPAN KO TALAGA TONG KATAWAN NIYA EH.

“By the way. May nangyari pala kanina bago ako nakarating sa classroom. Maya ko nalang sabihin sayo sa bahay.”

May nangyari kanina? Ohemgosh. Ano kaya yuuun? Nakakakaba naman oy.

_________________________________________________________________

A/N: 

REMINDER: NAGPALITAN SI GLAZE AT FLOYD NG KATAWAN. ANG KATAWAN NI FLOYD AY NA KAY GLAZE AT ANG KATAWA NI GLAZE AY NA KAY FLOYD.

HAPPY 1K+ SA STORY NA TO. MASAYA TALAGA AKO KASI NAGSILABASAN NA ANG MGA SILENT READERS. :>

and speaking of Silent Readers, DEDICATED SA KANYA KASI SIYA ANG PINAKAUNANG MAINGAY KONG READEEEER! :> HELLLLO! :D

Ah, btww. Sorry kung maikli at lame talaga ang UD ngayon. Wala talaga ako sa mood eh. Sorry. 

Pero may update bukas, kaya abangan niyo yaaan! :3

COMMENT

VOTE

BE A FAN

lamyu

-LPB

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon