14. Putting a barrier

615 8 2
                                    

CHAPTER 14:

-GLAZE-

Ilang araw na  rin ang nakalipas, hindi nagkikibuan si Floyd at Kats. Actually, ever since nung sagutan nila, hindi na siya sumasama sa amin. Doon siya kanda Jerome sumasama. Pag naman sinusubukan ko siyang kausapin, tanging kibit-balikat lang ang sinasagot niya. Hindi alam ng P5 ang nangyari. Hindi nga rin naming napag-usapan ni Floyd ang nangyari kasi nga hindi niya naman alam nandoon ako.

Miss ko na si Katsumi.

“Glaze.”

“Yes?” “Oh?” sabay naming sinabi ni Floyd. What the heck. FEELING MAGANDA? HAHAHAHA.

Sumimangot si Floyd at umirap. “Tss. Nasanay eh.” Reklamo niya.

“Hahaha pare! Wag masyadong F na F ha?” sabi ni Seth kay Floyd.

“HAHAHA. Anyways, Ba’t di na sumasama sa atin si Kats? Miss ko na yung mokomg na yun.” Sabi ni Julia.

“Ouch.” Sabi ni Lester sabay hawak sa puso niya. I mean, kung saan banda ang puso niya. HAHAHA.

“Che. HAHA. Pero seryoso na ba. Asan na yun?” napatingin ako kay Floyd. Siguro nanotice niya na nakatingin ako kaya napatingin rin siya.

Omygod. Wrong move.  Nakita ko na parang hindi maipinta ang mukha ni Floyd. OHMYGOD.

"Ikaw Floyd? Nakita mo ba si Kats?" tanong ni JC sa kanya . Napatingin naman siya kaagad dun.

Nagkibit balikat lang siya. "Bahala na siya. Kung gusto niya lumayo edi okay. May magagawa pa ba tayo? Tss." Masungit niyang sinabi.

"May nangyari ata na hindi namin alam." Alanganin na sinabi ni Sed.

"Wala. Wala. Wag niyo na intindi--" paglulusot ni Floyd, pero nagring na ang bell, kaya nasalba siya.

Ring!!

Ay. Klase na. 

"Nagring na pala ang bell. Tara, sabay na tayo lahat." Pag-aya sa amin ni Juls.

"AH TEKA LANG." Matigas na sinabi ni Floyd. "Susunod lang kami ni Glaze.” Pagdugtong niya sa sinabi niya. 

“H-ha? Pero baka mala—“ pagaangal ko pero cinut ako ni Floyd.

“SUSUNOD LANG TAYO. DIBA?” pagdidiin niya. Tumingin ako sa kanya.  

“Ah.  Ok. Sige. Byeee~~” pahabol na paalam ni Juls kasi hinihila na siya ni Lester.

Nung nakalayo na sila bigla akong binatukan ni Floyd.

“AGAY!” sigaw ko habang hinihimas himas ulo ko.

“May alam ka no?” sabi niya habang tinuturo ako.

“Ha?” painosente kong tanong.

“Spill.it.”

“AY. INGLES—OWWW.” Tinulak ako ni  Floyd papunta sa pader. Nakapatong ang magkabilang kamay niya sa pader at nakatingala siya sa akin.

“Alam mo ano yung Nangyari kahapon, hindi ba? Nageye contact ka sa akin. Alam ko.”

“Pag nageye contact alam na agad? Di ba pwedeng naghahanap ng mirror muna?”

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon