CHAPTER 30:
-GLAZE-
"Sure ka ba na siya talaga ang nagsabi?"
"Yes. She said it right in front of this face." tinuro ko pa yung mukha ko.
Tatlong araw na ang lumipas. Di na namin sinasamahan ang P5. Kung ganun, edi ang kapal nalang ng mukha namin diba? Tsk.
Si JC at Floyd lang naman ang galit. Pero baka may mangyari.
Mahirap na.
Andito kami sa music room ni Julia. Kung saan kami nagtatambay dati. Ang tagal na pala naming di nakatambay dito.
"Di pa rin talaga ako makapaniwala."
"Tingin mo, ako?"
"Ops. Bawal mahigh blood."
"Sorry lang. Tss. Di ko pa rin talaga maimagine na si Tita Alicia ang nagreport." nakatingin ako sa kawalan.
Oo. Si Tita Alicia ang nagreport. Kahit ako, di talaga ako makapaniwala. Kaya pala wala siyang pinipin point. Yung boses na narinig ko, si Tita Alicia pala yun. Paos pala siya nun. Kaya naging iba yung boses niya.
"Huy!" binatukan ako ni Julia bigla. "Andiyan ka nanaman!"
"Ano?"
"You're making drama drama nanaman there. Get your shit together sis!"
"Sorry naman. Sus. Eh sa gusto ko na magkaayos na kami ni Floyd."
"Nako nako naman. Ano ba! Kung gusto mo magkaayos kayo, edi gumawa ka ng paraan para magkaayos kayo! Juskopo." naiinis niyang sinabi. "Tsaka ano ba! Sawa na ako sa sad face mo bes! Kung gusto mo siya talaga, ayusin mo to. Wag mo rin siyang iwasan. Walang patutunguan yang pagiiwasan niyo. Tsk." tama nga naman siya. Ginulo ko yung buhok niya.
"Ikaw ha bes! Ah basta! Ayusin mo yan." sabi niya habang inaayos yung buhok niya.
"Oo naman." inakbayan ko pa siya. "Kinakabahan lang nga ako. First time ko kaya na ako makipagayos!" sabi ko.
"You don't say! Pag nagaaway tayo ako lagi nakikipagayos! Swerteng swerte sayo si Floyd oh." tinanggal ko yung akbay ko tapos tumayo na.
"Wag na magtampo babe. Mwah"
"Gagu. O, asan ka pupunta?" tumayo siya at lumapit sa akin.
"Makikipagayos." sagot ko at naglakad na palabas. Sinundan naman ako ni Juls.
Ang swerte nga ng Floyd na yan.
Eh kasalanan ko nga kasi ano ba.
Naglakad na kami ni Julia papunta sa caf. Pinagtitinginan nanaman kami, pero wala akong pake.
Pagdating namin sa caf, nakita namin ang P5 na nakaupo at nagkukulitan. Maliban kay Floyd. Wala siya doon.
“Uy. Si Glaze.” Sabi ni Seth. Napaiwas naman ng tingin si JC.
"Asan si Floyd?" tanong ko.
"Nasa pwet ko. Nagkakape." pabirong sagot ni Lester.
"Asan na?" tanong ni Julia kay Lester.
"Nasa backfield, kasama niya si Seth na nagfrifrisbee." sagot kaagad ni Lester ng hindi nagdadalawang isip. Binatukan naman siya ni JC at napasapo siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1875772-288-k196363.jpg)
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...