CHAPTER 13:
-GLAZE-
Permanent. Permanent na ang pagpapalit namin. Pero may isang paraan lang para magkabalikan kami ay ang . . .Di bale. Di naman yun importante. Sino ba naman sa amin ang gagawa nun? Pwede naman ako, pero useless. Hindi naman rin pwede si Floyd. Asa ka pa dun.
Pero bahala na. Andito na diba? Ano pang magagawa ko? Hihi. ^-^ …
“Ang lalim ata ng iniisip mo, brad.” tanong sa akin ni Lester. Nasa cafeteria kami ngayon. Hinihintay si Floyd at Juls. Sasabihin na kasi naming yung tungkol sa pagpapalit namin ni Floyd.
“W-wala yun.”
“Ikaw tol. May hindi ka bang sinasabi sa amin? Kilala—“ naputol ang sinasabi ni Seth ng may kung ano man ay sumigaw.
“HI GUYYYYS!” napalingon kami sa bumati. Edi sino pa ba? Ang magaling kong besfriend na si Juls.
“Hi Juliaa!” pagkaway kaway ni Lester kay Bes. Eto ha. Napapaghalataan ko na to.
“Kras mo pare?” tanong ni Seth.
“H-ha?”
“Kras mo nuh? Ayeeeh ayeeeh. Bahu mo paree! HAHAHAHA!” pangaasar naman ni Kats kay Lester. Eh siya nga may kras sa magaling kong katawan. BWAHAHA.
Umupo na si Floyd at Juls. Si Floyd sa tabi ko, tapos si Juls sa tabi ni Seth.
“Pare exchange tayo.” Sabi ni Lester kay Seth. Binelatan lang ni Seth si Lester tapos si Bes naman ay nakangiti lang. TARAY ATIII! HAHA
Nagtinginan kami ni Floyd at nagtanguan. Alam na.
“May sasabihin ako sa inyo.” Panimula ko. Plano na naming sabihin ni Floyd tungkol sa switch namin. “Actually, kami.” Pagdugtong ko sa sinabi ko.
“Break na kayo?” Parang lumiwanag ang mukha ni Kats nung sinabi niya yun.
“Shut up. Kabe.” Masungit na sinabi ni Floyd. Ano to? May regla? Ay. Meron pa pala. HAHAHA.
“I smell bitterneeeess! Break na nga sila! HAHAHA!” sabi pa ni Kats. Nako naman.
“Never kaming magbrebreak kasi wala namang kami.” Masungit na sabi ni Floyd. Akala ko ba pagkasama niya yung mga katropa niya di siya masungit? Anyare?
“This.” JC.
“is.” Seth.
“Preposterous.” Lester.
“WALANG HIMALA!” sigaw naman ni Kats. HHAHAHAHA. Kaya napatingin ang lahat ng estudyante sa kanya. Kumaway lang siya sa kanila.
“Pero paano? Ba’t niyo sinabi na kayo?” nagtatakang tanong ni JC.
“To cover up something.” Seryoso kong sinabi.
“OYY AH. INGLES. NOSEKOPO.” Sabi ni Seth habang pinipingot ilong niya.
“Cover up what?” tanong ni Lester.
“ISA PA TO. NASA PINAS HO TAYO MGA PEOPLE OF THE PHILIPPINES.” Seth.
“Hindi ako si Floyd.” Sabi ko sa kanila.
“At hindi ako si Glaze.” Floyd.
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...