22. Glazed Donuts

452 6 1
                                    

CHAPTER  22:

-GLAZE-

TIME SETTING: OCTOBER 17

Tssss.  Alam niyo ba, kung di ko hinila papunta dito si Floyd ay di sana siya magigising? Potek. Kahit kailan, tamad talaga yun.

Sooo, andito na kami sa bahay ni Julia. Kung nakalimutan niyo bakit, edi sasabihin ko sayo kung bakit.

MAGPAPAKASAL NA SILA NI LESTER.

AY CHOS. JOKE LAAANG. HAHA

Gagawa kami ng project.  Yuuun ehh.  Bumili na kami ng sarili naming mga canvas by pair.

Syempre, since talagang pair ko naman si Sed, eh ayun, dun na kami. Ang nasa isip ko, ay yung puso.

Bakit?

Kasi madali siyang ipinta. De, loko lang.

Ang puso ang importante, kasi ito ang nagsisignify ng love. Sa Valentine’s day, eto rin ang simbolo. So para sa akin, ang simbolo ng love, ay ang puso. Mahal man sa syota, mga kaibigan, o ang pinakaimportante sa pamilya, alam mong lahat sila nasa puso mo. Sa puso rin kayo nacoconnect, Andyan yung pag dub-dub-dub-dub, pag naalala mo yung mga memorya niyo kasama ang mga mahal niyo sa buhay. As long as may memories kayo, hindi kayo mamatay sa puso ng isa’t isa. Kahit makalimutan mo pa sila, o kahit makalikumutan ka rin nila, andiyan pa rin sa mga puso niyo ang nararamdaman niyo sa  mga oras na yun. Yung saya, yung lungkot, yung kaba. Lahat, lahat, andiyan sa puso niyo yan.  Our hearts are connected, even though we are apart.

Chos. Galing ko magexplain nuh? HAHAHAHA!

Eh etong si Sed naman, puminta ng Cross. Wow haaa. Religious daw siya.  Hahaha.

“Uyyy, religious!” Pangasar ko sa kanya.

“Syempre! Hindi lang ako puro pogi points. Total, ang diyos naman ang laging nandiyan para sa atin, hindi ba? Heart sayo diba?” tanong niya sa akin.

“Yup. Madali lang ipagmix tapos gawan ng explanation ang mga napili natin. Ayos!”

“Hahaha. Solid.”

Ayun nga, ipininta na namin yung mga ideas naming  at sa wakas tapos na kami.

Naglakad lakad nalang ako at tiningnan ko yung mga works nung iba. Inuna ko yung kay Kats at Lester.

Ay lech. Akala ko titino eh. Pero hindi talaga eh.

“Ba’t  period lang?!” tanong ni Floyd kay Kats . Mukhang tapos na rin sila ni Juls ah.

“y’know man, period is uhhh… it’s….the circle of life mahmheeeen” sagot niya na parang hippie.

“Pwede ayusin niyo naman?” sabi ni Juls.

“Huy, Kats? Ano ka ba naman! Ayusin mo nga! Tssss.” Masungit na sinabi ni Lester kay Kats. Eh si Kats napakamot ng ulo.

“Eh okay na ng—“ magsasalita sana si Kats pero pinigilan siya nig Lester at inakbayan siya.

“Tol, alam mo, may sense naman pala yang period mo eh!”  sabi niya

“Talaga brader?” tanong ni Kats.

“Oo naman. Ang period, ibig sabihin nun, it’s time to stop. It’s time to stop talking!” sabi ni Lester sabay batok kay Kats. Si Kats naman hinihimas yun.

“You’re hurting my feelings tsong. Huhuhuhu.” 

“Tara na nga’t ayusin!” sabi ni Lester at ayun na nga, inayos na nila.

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon