29. That Floyd is really something, huh?

340 5 4
                                    

Always remember that italic is always used for flashbacks.

CHAPTER  29:

-GLAZE-

Kumalas na kami sa yakap ni Juls.

“Okay lang yan bes. Maayos rin yan..” sabi niya habang  hinihimas ang  balikat ko.

“I’m kind of tired..bukas nalang tayo magusap.” Sabi ko.

“Sige.” Sagot niya. “Wag mo munang isipin.” Tumango lang ako.

“ingat ka ah.”

“Ikaw rin.” Sabi niya tapos naglakad na paalis. Isinirado ko na ang pintuan at naglakad na paloob. Kani-kanina lang, ang saya naming. Tapos ngayon…

Hahaaaaay. Napakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko naman inasahan na ganitong kabilis malalaman ni Floyd na nasabi ko yung sikreto ko.

KUNG sinabi nga ni Julia yun, anong plano niya?

Pero imposible naman na sabihin niya yun..Si Julia yun eh.

Tataas na sana ako nung naabutan ko si JC sa bandang hagdanan.  Pareho kaming napahinto nung nakita namin ang isa’t isa.

He must be angry too…

“JC..” imik ko. Yun nalang ang masabi ko. Wala akong ibang masabi..My mind is too clogged up right now.

Umiwas naman siya ng tingin at tuluyang bumaba ng hindi ako pinapansin.

Galit nga siya..

Nagpatuloy nalang ako sa pagtataas.

“I WANTED TO!” rinig ko  mula sa kwarto ni Tita Alicia. Anong nangyayare dun?

Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang tenga ko dun.

“I think you shouldn’t have done that..”

“No. You listen to me…I had to do it. I had to report it”

“but why? I don’t understand.” Rinig ko mula sa loob. Sino kaya ang nagsasalita..?

“Glaze. What are you doing?” napatalikod ako kaagad nung narinig ko ang boses ni JC.

“H-ha? Ah wal—“ bago ko pa natapos ang sinasabi ko ay naglakad na siya papunta sa kwarto niya na nasa di kalayuan.

“It doesn’t matter.  Magsisinungaling ka lang naman ulit eh.”  Hindi siya nakatingin nung sinabi niya yun  at tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya.

Hahay..Pakiramdam ko tuloy na ang sama sama kong tao.

Nagtungo na ako sa kwarto ko para magpahinga.

Ang hirap iprocess. Ang bilis ng mga pangyayari.   Nung nakarating  na ako sa kwarto ko, Humiga na ako sa kama. Napaisip isip nalang ako.

“No. You listen to me…I had to do it. I had to report it”Anong ibig sabihin nun..Siya nagreport?

Pero imposible..mahalaga yun sa kanya syempre. Tatay niya yun eh.

Unless si Carmel nga talaga…

Pero paano nga kung si Julia nga yung nagsabi?

…paano na kami ni Floyd? 

-JULIA-

Andito si Bes sa bahay ngayon. Actually, kararating lang niya. Mga ilang minunto kaming nakaupo lang sa couch ng walang sinasabi..walang tinatanong.

Purposely AccidentalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon