CHAPTER 40:
-FLOYD-
Naglalaro lang ako ng PS3 ngayon. Badtrip eh. Tss. Nagaway kasi kami ni Glaze kagabi. Eh wala nga akong ginawa. Naknampota azar talaga. Nagsorry na nga ako, tas di siya nagreply. Nice. Gusto niya ng sorry, eh binigay ko naman! Ano nanaman ba gusto niya? Ni reply hindi niya magawa? Ayos ah. Edi hindi kung hindi! Di ko rin siya itetext. Nakng.
Knock knock
Pinause ko yung game. “Pasok!” sigaw ko. Mangungulit nanaman ata tong maid. Crush ata ako neto eh. Lagi nalang nangungulit. Nakakairita. Okay sana kung si Glaze yung mangungulit kaso hindi eh, hinde yun si Glaze eh.
“Hi sir.” Pagpapacute ng maid. Ngiti ngiti to? Pasabugin ko yang mukha mo eh. Badtrip na nga ako, nambabadtrip pa to.
“Anong gusto mo?” tanong ko. Masungit na kung masungit pero wala talaga ako sa mood ngayon. Eh kung mag good morning lang man siguro si Glaze, baka maayos na tong araw ko.
“Ang sunget mo naman sir. Hihi” KURNI! PIGILAN NIYO KO MASASAPAK KO NA TO. “Di naman ho kayo ganyan dati ah. Naaksidente lang, naging ganun na? Hihi joke lang sir.” Eh Malamang di ako yon. Ano bang ginawa ni Glaze at naging ganito to. Amp. Badtrep.
“Wala akong oras makipagdaldalan sayo, anong gusto mo?!” bulyaw ko sa kanya.
“Hihi. Cute mo talaga sumigaw sir. Hihi. Ahm..” Ahm?! AHM?! NAKNAMPOTA JEJEMON ATA TO AH! BA’T BA TO ANDITO! GUSTO KO NGA TONG IFIRE EH! “May bisita ho kayo.” Sabi niya. Ngumiti siya ng malapad.
“Pake ko ba?”
“Ah ganun?” napabangon ako sa narinig ko.. yung boses na yun.. “Glaze?!” tatayo na sana ako kaso naalala ko na mahihirapan ako kasi nga nakacrotches pa rin ako. Andito siya? Hehehehehehehe. Yessss.
“Di naman halata na excited kang makita ako noh?” Pangasar pa niya. Aba! Yabang neto ah. Konti lang naman. Di niya dapat mabisto na excited ako. Ehem ehem.
“Ba’t ka andito?” hindi ako nakatingin sa kanya nung tinanong ko yun. Ganun ang suplado moves. Gwapo ko eh.
"I'm going to tutor you." sabi niya na may awtoridad at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko. Shet. Nakakainlab talaga siya kapag ganito siya. Wiwiwiwiwiwiwiw. Uhhh I mean, sino siya sa tingin niya para pumasok lang sa kwarto ko? Dapak."yeah. So?" sagot ko kay Glaze. Wala naman akong pake sa grades ko eh. Swerte ko lang na nagkapalitan kami ng katawan ni Glaze dati kaya makakagraduate ako ngayon. Nung nasa katawan ako ni Glaze, inayos ko na kasi baka magpapakamatay daw siya para lang sa hustisya ng katawan niya.
Eh ayoko kaya na magpakamatay siya. Pwe.
Nakita ko naman na nasa parte na siya ng kwarto ko kung nasaan yung mga plug. “I'm still playin--" Nakita ko naman na nakayuko siya at parang may hinahanap. Teka, ano ba ang ginagawa niya? Wait. WAG MO SABIHING IPUPULL NIYA ANG PLUG NG PS3?!?!?! "--WAAAAG!!" Bigla naman naging blue ang screen at nagoff yung ilaw sa ps3. Damn. Ang bastos ah! Kung di ko lang to gusto! “BA’T MO GINAWA YON?!”
BINABASA MO ANG
Purposely Accidental
RomancePaano kung isang araw nagpalitan kayo ng katawan ng taong kinakainisan mo ng sobra. Paano mo haharapin ang bawat araw na dadaan sa katawan ng ibang tao? At paano kung main love sa taong yun sa habang nasa katauhan ka niya? Dito ko na ata malalaman a...