Chapter 82 The person behind it..

33 1 0
                                    

AMANDA

Good morning ma'am

"good morning" I said

"Si sir hillary po nauna na po sainyo umalis" report sakin ng maid, 

"ng ganitong kaaga?" tanong ko 

"opo ma'am may importante daw po syang lalakarin" sagot nya agad

"Pumasok ba siya sa opisina?" tanong ko 

"base po sa suot niya kanina mukhang hindi po sa opisina ang punta ni Mr. Hillary" napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng maid.

Really? saan pupunta si hillary ? at bakit ganito kaaga? Napapadalas ata ang pag-alis niya nitong mga nakaraang araw.

"well, hayaan mo sya. Aakyat ako sa office ko dalhan mo ko ng coffee" utos ko 

Umakyat na agad para pumunta sa opisina ko dito sa mansion. It's been a long time ng makapasok ako dito dahil sa daming transaction outside the country.

Pagpasok ko bigla ko naalala ang black list folder na tinatago ko dito. Naupo agad ako sa swivel chair ko and binuksan ang mga drawer ko then I saw my black folder.

Now let me see..

Kailangan ko na ata irevise yung mga nakalagay dito na names. Nagbukas ako ng laptop para doon mag-type. All of sudden bigla ako nakaramdam ng kaba.. 

"what's this feeling ?" tanong ko sa sarili ko 

Then, kung anu-ano na mga pumapasok sa isip ko. Nagbukas ulit ako ng another drawer from my table. Lahat ng yun naglalaman ng mga cd's na may lamang recorded cctv's footage. Kinabahan ako dahil hindi ko makita yung isang cd na may kopya ng footage nung time namatay si Manong cardo.

" I can't find it!!" naiinis kong sigaw

Saktong pumasok naman yung maid na pinagtimpla ko ng kape. 

"ito po kape niyo madam" sabi niya tapos nilagay yung cup of coffee ko sa table. 

"May iba bang nakakapasok dito?" tanong ko sa kanya agad naman sya nakaramdam ng kaba sa tanong ko kaya di sya agad nakapagsalita agad.

"I'm asking you!!" pasigaw na sabi ko 

"wa-wala po madam" sagot niya

Nakakainis saan napunta yun? hindi pwede makalabas yun dahil malalaman ni hillary. I need to find that copy.

"Tanungin mo yung iba kung may ibang pumunta dito na wala ako at si hillary! DALII!!" utos ko 

"o-opo madam" agad naman lumabas ng kwarto ang katulong ko.

Hindi na ako mapakali sobra na din akong kinabahan. Bakit mawawal yun? at bakit kukunin yung kopya na yun kung wala nama nakakaalam ng nangyari nung gabing yun. Ako lang at mga body guards ko lang.

Napahawak ako sa sintido ko dahil sumasakit ulo ko sa kakahanap nung cd.

Amanda relax.. hindi mo talaga makikita yung hinahanap mo kung ganyan ka.. Calm down Amanda..

"Okay, kung wala dito sa drawer ko maybe nailagay ko sya sa ibang taguan" 

Tumayo to see it if nasa bookshelves ko sya nailagay. Kaso wala pa din. Nag-isip pa ako kung saan ko pwede mailagay pero lahat wala. Naupo na lang ako sa swivel chair ko at napasandal. 

"Where did it go?" 

Nung kinuha ko yung folder na black bigla naman nalaglag yung cd na hinahanap ko.

"There you are!" medyo excited kong sabi

But wait.. How did it go here? Nakakapagtaka lang bakit nakaipit sa folder ang cd samantalang lagi to nasa drawer ko. Mas lumakas ang kutob ko na may pumasok dito sa loob ng office ko without my permissions... Pero sino ? at kailan? 

Second Chance [On-Going]Where stories live. Discover now