"SHERYL? " out of my mind Kong tawag. I know it's impossible but I'm sure na siya yun. Agad-agad Kong pinarada ang kotse ko at bumaba para habulin siya.
"Sheryl! Sheryl! Wait! " sigaw ko tumakbo ako ng mabilis para maabutan ko siya and thanks god nahawakan ko ang braso niya.
"Sheryl? " tawag ko ulit sakanya.
Masaya ako dahil makikita ko na ulit siya. Gusto ko lang humingi ng sorry sa kanya. Gusto ko lang maitama yung Mali namin noon. Gusto ko lang humingi ng second chance Hindi bilang may relasyob noon kundi bilang magkapatid ngayon.Nung lilingon na siya, kinabahan ako ng sobra, nanlalambot mga tuhod ko. Dahan dahan siyang lumingon, at ng makita ko ang mukha niya, biglang naglaho lahat ang gusto Kong mangyari .
"Sorry miss" paghingi ko ng paumanhin at binitawan ko ang braso niya
"Sheryl?! Sino ba yun?! Lasing ka ata kuya amoy alak ka. Hindi ako yung tinatawag mong sheryl! " sabi sakin ng babaeng diko kilala
"I'm sorry akala ko kasi ikaw yun-- hayy nevermind, I'm sorry" sabi ko tsaka umalis sa harapan niya
"Bastos na lalaki na yun! Sayang ang gwapo mo pa naman! " dinig Kong sabi niya.
Naglakad ako papunta ng sasakyan ko, nung hawak ko na yung pintuan, napatingala ako sa langit. Hindi ito ang unang beses na nangyari to kundi maraming beses, ito ata epekto ng alak sakin naghahallucinate ako. Pumasok nako sa loob ng kotse ko at tsaka pinaandar ng mabilis ang kotse.
---------
SA ISANG MAGAZINE BUILDING"Ikaw nga tumawag sa BOSS mo! Baka diko matantya may masabi pakong masama! "
"Eh ma'am diba nakausap niyo na po? Sabi niya papunta na siya. So nasa daan na po siya"
"Ehh ano ba kailangan natin? Diba dapat nandito siya? Eh nandito naba? Nakita mo naba? Launching ngayon pero late parin siya. Ang dami ng naghihintay sa labas, tayo na lang yung kulang. Kaya tawagan mo na yang boss mo kung ayaw mong ibitin kita patiwarik sa pinakamataas na Floor ng building na to"
"Sabi ko nga po ma'am tatawagan ko na"
See? Napakaputak nang Vice-Chairwoman ko? She is always like that. Kahit ata umalis siya may naiwan siyang kauri niya kaso nga lang mas malala.
"No need to call me vans" sabi ko lumingon sakin si vans tsaka ngumiti kaya nagsmile din ako
"Sir! Nanjan na po pala kayo, kelan pa po? " tanong niya, at isa pa pala may saltik din ang kampon ng vice chairwoman ko
"Kahapon lang vans, di mo napansin? Hayst.. " pabalang Kong sagot napatakip naman ng bibig si vans . Saktong lumingon naman ang VC ng kompanya
"Myghad Hillary! But I naman nandito kana! Diko na alam ang gagawin ko sa mga Tao sa labas.
"Eh de Sana nagrap ka sa harapan nila para naman malibang sila" sabi ko habang naglalakad papunta sa office ko
"At nagagawa mo patalaga magbiro ng ganyan. At tsaka YUUUCCCCKKK! bakit amoy alak ka?! Uminom kaba bago pumunta dito? " sabi niya
Diko siya pinansin dahil nakakapagod makipagsabayan sa kanya. Papasok nako sa office ko pero putak parin siya ng putak. Hanep! Kelan ba tatahimik paligid ko.
"ANNE STOP! nandito na ko diba? " seryoso Kong sabi kaya napatigil siya at tumango
"Well get ready na dahil magsstart na tayo" sabi ko tsaka ko siya pinagsaraduhan ng pinto.
"Sabi ko nga, magreready na" dinig Kong sabi pa niya, bukod sa ganito ka na nga idagdag pa yung ganung klaseng Tao.Dumiretso agad ako sa may closet ko, nagpagawa talaga ako ng closet dito just incase na di ako makauwi sa condo. I open the closet and take my black coat. Sinuot ko yun at humarap sa salamin na sakto lang para makita ko ang kabuuan ng suot ko.
Sa tatlong taon na nakalipas, ganito na umikot ang mundo ko. Kapag wala ako sa harap ng camera. Hinaharap ko ang mga papeles dito sa opisina. At kapag tapos na pupunta ako ng bar at iinum. Ganun na ganun lang ang cycle ng buhay ko. Opisina at bar. Inayos ko ang buhok ko at ang coat ko, gusto ko presentable along humarap mamaya sa mga Tao sa labas. This is the best event na hinihintay ko dahil after all minsan din namin to pinangarap, naming dalawa.
TOK! TOK! TOK!
nabalik lang ako sa wisyo ko ng may marinig along katok at nagsalita.
"Sir okay na po. Kayo na lang po hinihintay" sabi ng empleyado namin
"Okay lalabas na ako" sagot ko
"Okay po sir" tugon niya
Humarap ulit ako sa salamin at ngumiti.
"Magpapakaboss muna ako ngayon" bulong ko sa sarili ko tsaka naglakad palabas ng opisina ko.
YOU ARE READING
Second Chance [On-Going]
General FictionDo we deserve a Second Chance? Do we really need a Second Chance? Start: Dec. 31 2017 End: