RACHELLE
Magluluto ako ng hapunan naming tatlo. Tatlo kami dahil dumating si Harry dito sa bahay, namiss nya daw kasi Ang luto ko.
Walang paglagyan ang saya ko dahil nagkaroon din ng pagkakataon na umingay at sumaya ang bahay nato.
Habang nagluluto ako dito, ang mag-ina naman ay nasa sala, nagkakantahan. Sa totoo lang Medyo pinagkaitan ng boses ang anak Kong si Sheryl pero ang kapag sinasabayan na sya ni harry gumaganda.Yung apo kong si harry, sobrang talented at sobrang bait. Itinuring ni sheryl na isang tunay na anak si harry kaya kahit ako apo na ang turing ko sakanya. Napalaki sya ni Sheryl ng maayos iniisip ko tuloy paano kung totoong anak na nya ang pinapalaki nya gayunpaman, masaya ako na dumating samin si harry.
Mas sasaya siguro kong nandito pati ang daddy ni Sheryl. Hindi na ako makapaghintay na magkaroon kami ng family picture. Lalo na makasama namin sya.
Busy ako sa paghahalo ng biglang tumunog ang telepono, kaya hininaan ko ng kaunti ang kalan. Maghugas ako ng kamay tsaka ko pinahid sa basahan para matuyo. Kinuha ko Ang telepono na nakapatong lang sa lamesa.
From: Shian
Si sheryl nanjan pa ba?Text ni Shian sakin, ramdam ko kung gaano na kasabik na Makita at makasama ni Shian si Sheryl, pero mas pinili nya ang tamang oras para magkita silang dalawa.
To: Shian
Oo nandito pa silang dalawa ng apo mo. Kung makikita mo lang silang dalawa, napakasaya.Reply ko sa kanya, 'di rin naman nagtagal ay nagreply din sya. Sa tanda naming dalawa ang bilis pa rin naming pumindot sa cellphone. Dati ballpen at papel lang ang komunikasyon noon kaya walang kahirap-hirap, ngayon kailangan mong magkaroon ng cellphone at load para makacomtact ka.
From: Shian
Mabuti naman. I can't wait to see Sheryl.To: Shian
don't worry time will come na magkakasama na tayo together with your apo. Sige, na nagluluto pa ako balitaan na lang Kita. Kumain ka na Jan at yung gamot mo huwag mong pahirapan si Ian. I love youPagkareply ko sa kanya, pinuntahan ko agad ang niluluto ko, sabay nito ang pagtawag sakin ni Sheryl.
"Ma!" Tawag niya
"Anak bakit?" Tanong ko lumapit ito sakin.
"Do you have lemonade here?"tanong niya, napangiti naman ako. Dahil kahit nagkaroon sya ng amnesia. 'di niya parin nakalimutan ang mga pagkainh gusto nya.
"Yes, ofcourse. Kunin mo jan sa ref" Sabi ko. Lagi talaga ako nagtitimpla ng lemonade para Kay sheryl.
Tinitikman ko yung niluto ko nang biglang may yumakap sakin mula sa likod.
"Ang bango ma! Mukhang masarap" Sabi ni Sheryl
"Syempre luto ko ito" pagmamalaki ko
"Gusto mo tikman?" Tanong ko umiling si Sheryl
"Bakit?" Tanong ko ulit ngumiti ito ng nakakabwisit.
"Later na lang para sabik akong tikman yung luto mo ma para madami din akong makain" Sabi nito
"Hayy naku ka talagang bata ka, oh sya sige tapos naman na to ilalagay ko na lang sa lalagyan" sabi ko
Inutusan ko syang maghanda na ng mga plato sa lamesa para kumain na kami, ganitong-ganito lang kami noon kaya sobrang nakakamiss talaga. Simple at masaya.
"Ma, may tanong ako sayo? " Sabi nito habang nireready niya yung kanin ako naman ay naglalagay ng ulam sa mangkok
"Noong buhay pa si papa, ganito din ba tayo?" Tanong nya nagpatahimik sakin ng sandali.
YOU ARE READING
Second Chance [On-Going]
General FictionDo we deserve a Second Chance? Do we really need a Second Chance? Start: Dec. 31 2017 End: