HILLARY
Natapos ang welcome party ni mommy but here I'am still reminiscing the moment I did with Sheryl. She's still beautiful, walang nagbago sa kanya. She's still the Sheryl I know from the past.
Nakahiga na ako kama nakatingin sa kisame tahimik ang buong paligid ng kwarto ko.
Akala ko noon, wala ng chance para samin ni Sheryl.
Akala ko hanggang doon na lang nakatuldok yung pagsasamahan naming dalawa.
Pero look at us now, nasabi ko na sa kanya na magkapatid kami yun nga lang di ko masabi kung anong relasyon ang mayroon kaming dalawa noon na mas okay ng hindi niya na malaman magiging komplikado lang kasi ulit.Masaya na ako, at kalmado na sa sitwasyon namin ngayon. May mga pagkakataon lang talaga na hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya dahil sa ganda ng mukha niya. May mga alaala lang na hindi ko maibaon sa limot dahil sa sobrang memorable sakin/samin.
Totoo pala yung, darating ka sa point na kakalimutan mo yung isang bagay para sa kanya-kanyang kapakanan kasi kung pipilitin mong balikan ang nakaraan may masasaktan.
Kami ni Sheryl ang nagpapatunay na pinagtagpo lang pero hindi tinadhana dahil hindi talaga kami para isa't isa.
Mahirap at masakit pa din pero kailangan umusad para magpatuloy kaming ganito ni Sheryl. Lalo na ngayon, she had a son I need to be a good uncle to her son na sobrang pilyo din.The good thing here is we can now rely to each other without hesitation and worries.
This time, mas totoo na talaga yung relasyon namin sa isa't isa.I was about to sleep nang napansin kong umilaw phone ko. A text message from Sheryl.
From: Sheryl
Thank you sa paghatid samin ng anak ko. Have a good sleep, good night. See you tomorrow!
Napangiti lang ako sa text na natanggap ko at the same time naiinis. Bigla na lang kasi nawala si blaster sa party tapos iniwan ang mag-ina niya. Wala manlang text or tawag Kay Sheryl. Saan kaya pumunta yung lalaki na Yun? Pati si mommy nawala din kanina sa sarili nyang party.
To: Sheryl
Don't think about it too much its nothing. You too, goodnight!
Reply ko kay sheryl agad naman syang nagreply kaso emoji na lang na nakasmile. Napabangon ako sa kama ko ng maisipan kong tawagan ang asawa ni manong cardo. Hinanap ko sa contacts ko ang number nun, nang Makita ko dinial ko agad pero cannot be reach. Ilang beses ko dinial pero walang sumasagot. Naalala ko tuloy ang sinabi ni sherwin. Hmmm
Dinial ko na din number ni sherwin gusto ko kasi linawin sinabi niya, nag-aalala na din kasi ako Kay manong cardo. Mula noong magtext sakin si manong cardo na uuwi syang bicol para magbakasyon muna ay hindi na ako nakatanggap ng tawag or text usually kasi tatawagan ako nun kakamustahin pero this time straight weeks wala. Ayaw sumagot ni sherwin, kaya napahiga naman ulit ako at huminga ng malalim.
Ang dami ko gustong ikwento kay manong cardo ngayon, mula noon pa din kasi wala pa syang alam about sa nangyari samin ni sheryl kung bakit kami naghiwalay. Ayoko rin kasi pagusapan noon dahil hindi ko kaya. Pero ngayong gusto ko na tsaka naman di pa bumabalik.
Mukhang kailangan ko ng sunduin si manong cardo sa bicol.
---------------
To : Hillary
Thank you sa paghatid samin ng anak ko. Have a good sleep, good night. See you tomorrow!
napapikit pa ako bago ko isend yung text ko kay Hillary. Akala ko hindi na sya magrereply pero wala pang minuto may reply na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/128869125-288-k644179.jpg)
YOU ARE READING
Second Chance [On-Going]
General FictionDo we deserve a Second Chance? Do we really need a Second Chance? Start: Dec. 31 2017 End: