Chapter 67

190 3 0
                                    

HILLARY

"so, sinabi mo na pala kay shi?" Tanong sakin ni anne na naiwan sa loob ng opisina ko

"Yes" maikling sagot ko

"Bakit hindi lahat?" Sunod na tanong niya. Natigil ako sa pagbabasa ng kontrata na binigay niya sakin.

"It's better not to say those things, mas   peaceful" sagot ko

"I agree, but okay nga ba sayo na hanggang doon na lang ang malaman niya?" Pangungulit niyang tanong

"Look Anne, kung sasabihin ko sa kanya lahat at sasabihin na magkapatid kami did you think na magandang pakinggan Yun? Diba hindi? It's enough na hanggang sa magkapatid lang ang malaman niya" pag-eexplain ko 

Ayoko na malaman niya pa yung naging relasyon namin bago ko malaman na magkapatid kami.  Hindi kasi magandang pakinggan lalo na kapag nalaman ng iba.

"You have your point pero ang unfair lang sa kanya. It's her right, lalo na ngayon na may amnesia siya"

"Sino may amnesia?" Boses na kakapasok lang,

Parehas kami tumingin sa may pintuan and it was Sheryl holding a cup of coffee.

"Kanina ka pa jan?" Tanong ko

"No, kakapasok ko lang" sagot niya lumapit siya kay anne na tulala pa din

"Sino yung pinag-uusapan niyo na may amnesia?" Pagbabalik tanong niya ulit samin

Naghihintay siya ng tanong Mula saming dalawa ni Anne. It's very tricky kung magsasabi kami ng name lalo na hindi namin alam kung narinig niya ba ang buong pag-uusap namin.

"Palabas lang sa t.v, Anne was giving her opinion to the girl na bida" pagpapalusot ko.

"Kelan ka pa naging interesado sa ganung kwento?" Agad niyang sagot  na literal na kinagulat ko

" I mean, sa personality mo kasi parang wala dun yung point of interest mo" dagdag niya

Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko, ayaw manlang kumibo ni Anne.

"Shi, gusto mo ba malaman yung kinkwento ko kay hillary? Sabihin ko sayo? Sigurado mabbwesit ka din" sa wakas sumingit din si anne

"Hindi naman ako mahilig sa ganun, natanong ko lang kasi mukha kayong seryoso" sagot ni shi kay anne.

"Ahh, medyo seryoso kasi yung next scene sa pinapanuod ko Kaya na carried away ako " Isa pang pagpapalusot ni anne

"Ahh I see mukhang maganda nga yung pinapanuod mo" pag-sangayon ni shi

Parehas kami nakahinga ng maluwag ni Anne kasi nakalusot Yung alibi naming dalawa.

"Hillary, tapos ka na ba sa contract?" Tanong ni Anne

Bumalik ang tingin ko sa kontrata na na hawak ko, inisa-isa ko kung napirmahan ko na lahat.

"Ah ito pirmado na lahat. Patawag na lang tayo ng meeting after mo sila makausap" sabi ko inabot ko yung kontrata kay anne

"Okay I'll make an update" sagot niya sakin tumango naman ako "so pano una ako sayo shi I need to double check this contract"  sabi naman niya kay Sheryl.

"Sabay na tayo, I have to go also. Magmonitor pa ako sa publishing" sagot niya

"Okay sige bye hillary, Have a great day ahead" pagpapaalam ni Anne na nauna na sa pinto.

"By the way, I'll text you before lunch.  Bye!" Sabi ni Sheryl bago lumabas ng office.

Napahawak ako bigla sa ulo ko, to think na muntik na kaming mahuli ni sheryl napakadaldal kasi ni Anne.

Second Chance [On-Going]Where stories live. Discover now