Chapter 48 Trying to gain memories

283 8 1
                                    

SHERYL

12:01 am

Anong oras na pero di pa din ako makatulog mayroon Kasi sakin bumabagabag. Yung lalaking kasama nila Harry at mama sa picture. Di pa rin sumasagot si Harry sa chat ko. Si mama din.

Bumangon ako Mula sa kama, Tiningnan ko muna si blaster bago ko sinuot ang slippers ko. Sobrang himbing ang tulog ni blaster, napagod Kasi siya kanina.  Isa pa pala to, parang may iba sa salita at kilos niya. Hindi ko Alam Kung nagtatampo siya kanina dahil sa matagal Kong pagbalik Mula sa c.r pero Hindi talaga sa c.r

What's wrong in me?

It's been a straight tiring days for us. Kunti Ang tulog tapos stress dahil nagkasakit pa Yung Isa naming model, at Yung ilang staff na kasama namin. Pero kahit na ganun, tinatapos pa rin namin ang maghapon nang sabay-sabay na kumakain.

Naglakad ako papuntang balcony. I saw the skies, they are so lovely and relaxing.  Plus the stars na sobrang ang ningning. Nakita ko din ang makukulay na ilaw ng mga bahay dito malapit sa resort.

Kahit pala ganitong oras may gising pa din na customer dito sa resort. Yung pool din sobrang blue. Mapapalingat na Sana ako ulit sa langit nang may nakita akong nakaupo sa gilid Ng pool tsaka pamilyar siya sakin. Tinitigan Kong mabuti and I knew it ...

He was alone while drinking. Ano naman Kaya problema nun? Bakit ganitong oras Ng Gabi magisa siyang umiinom.  Well para malaman I should go there to ask him. Walang Kung anu-anu kinuha ko yung jacket ko at lumabas Ng kwarto. Gumamit na ako ng elevator para mabilis, akala ko di ko na siya aabutan pero Kung ano itsura nung nasa taas ako ganun pa din.

Hindi niya napapansin presence ko, Kasi Wala pa din siyang kibo.kaya dahan-dahan akong lumalapit sakanya. Nang makalapit na ako bigla akong umupo sa tabi Niya,

"Drinking alone?" Sabi ko napalingon naman siya sakin

"Why are you here?" Tanong Niya din

"Hindi ako makatulog "sabay halukipkip ko

"Ikaw din"? Tanong niya

"Ahh so Kaya ka umiinom? Pampaantok?" Tanong ko ulit

"Parang ganun na nga, pero bakit bumaba ka pa dito?" Sabi niya

"Ewan" sagot ko

"Okay" sagot din niya sabay inom

"You should go back there baka kapag nakita niya pa tayo iba ang isipin niya kahit mag-insist tayo" dugtong niya

Well he has a point, Kung nakita nga naman kaming dalawa ng dis oras Ng gabi iba Ang iisipin ni blaster knowing him.. 

"Well I think I should do that, I'm gonna leave you then" Sabi ko napansin ko ang ngisi niya

"Iniwan mo na din naman ako noon pa" Sabi niya Kaya nacurious ko

"Hah?" Sabi ko napalingon siya sakin na parang gulat na gulat

"Nothing! Nothing!" Sabi nito habang umiiling

"Weirdo dami mo na ata nainom umakyat ka na din Kaya?" Sabi ko Hindi naman ako concern sankanya

"Kunti pa Lang naman" sagot tapos inangat niya yung bote Ng wine na naubos na Niya

"Don't worry aakyat din ako, ubusin ko Lang tong Isa pang bottle" dugtong pa niya

Isa pang bottle? Seriously?

"Sir ito na po yung wine niyo" Sabi nung waiter na sumulpot bigla sa likuran ko

"Thank you" Sabi ni Hillary

"Seryoso ka Jan?" Tanong ko

"Yeah, ahh wait I forgot to say thank you" sabi niya

"For what?" Tanong ko

"Sa kanina" sagot niya
"I had fun" dugtong niya

Di naman nagtagal dahil nagets ko naman agad Ang sinabi niya.

"Let's call it coincidence, nakita Kita napansin mo ko" Sabi ko

"Well you're right" Sabi nito na nakangiti 

"Honestly, naiinis talaga ako sayo Hindi ko alam Kung bakit parang matagal na akong bwisit sayo, nakakatawa noh?" Pagshashare ko pero Wala siyang imik Kaya tinuloy ko ang thoughts ko sakanya

"Para kasing Ang daming hangin sa sinasabi mo, tapos Ang yabang mo pa.  Pero here Iam talking to you like a close friend" pagtutuloy ko

"And meron akong weird na nakita nung kumakain tayo ng street foods, remember that?" Tanong ko

"Ano meron dun?" Tanong niya

"Ewan Kung bakit nakita Kita sa hmm di ko Alam ang tawag dun, dream or memories Ewan HAHAHA!  I saw you, eating the same food. We are laughing and talking Basta parang Ang saya natin dun. Ang weird diba? " Dugtong ko napansin ko din na napangiti na naman siya

"You know what para Kang baliw, ngiti ka Ng ngiti" Sabi ko

"Maybe it's a memories na nakalimutan mo lang" Sabi niya napakunot noo naman ako

"Ano akala mo sakin naging makakalimutin? May amnesia? Duhh, Wala akong nakakalimutan ni Isa sa mga memories ko" Sabi ko

"Okay" Sabi niya

"Sige na nga tataas na ako, nilalamig na dn ako dito" Sabi ko tsaka ko tumayo

"Okay, goodnight" Sabi niya

"Tapusin mo na yan agad bye!" Sabi ko tsaka ako tumalikod sakanya

Pagtalikod ko Hindi muna ako humakbang Im thinking  about kung aakyat na ba talaga ako? 

He sounds weird

Sabi ng isip ko dahil sa sinabi niya kanina. 

"I wish I could say to her a sweet good night"  dinig Kong Sabi niya pero Hindi na ako lumingon nakaramdam na din kasi ako ng kirot ng ulo.

Habang papaakyat ako pumapasok parin sa isip ko ang mga sinabi ni Hillary sakin

"Maybe it's a memories na nakalimutan mo lang"

Memories ko nga ba Yun na nakalimutan ko Lang? Lahat ba ng mga unseen situation na nakikita ko lahat ba yun nangyari? Yung mga pagkakataong bigla na Lang ako may maaalala tapos magugulat pa ako dahil pakiramdam ko parang nangyari Yun?  Nagkaroon ba ako ng amnesia? Ano ba nangyari sakin this past 3 years?

TING! tunog ng elevator..

Kailangan ko na pala lumabas ng elevator, habang naglalakad ako papuntang kwarto namin ni blaster maraming tanong na ang pumasok sa isip ko. Binuksan ko ang pintuan Ng kwarto namin naglakad ako ng kaunti at nakita ko si blaster na sobrang himbing Ang tulog.  Lumapit ako sa kanya tapos ay inayos ko ang kumot.  Tapos nun, hinubad ko ang jacket ko tsaka ako pumunta ng balcony. Nandoon pa rin si Hillary.

Kasama ba sa mga alaala kong nawala si Hillary? Dahil before kami maglanded dito sa Philippines I saw his name sa news sa Facebook.. I saw his face and smile na feeling ko that time it's for me.. and then nagising na lang ako nakahiga na ako.

Sino ba si Hillary sa buhay ko noon Kung sakali nga mayroon akong amnesia na Hindi lang sinasabi sakin ni blaster na tinatanaw ko Mula dito sa kinatatayuan ko sa balcony.. ano ba ang Hindi mo sinasabi sakin blaster? Meron ba? Binalikan ko ng tingin si Hillary.

He was trying to stand pero dahil sa dami ng nainom niya nahihirapan siya. Buti na lang may nakakita sakanya na staff dito.. inalalayan siya.
Honestly speaking, since I met him and Everytime we saw each other may weird feeling talaga akong nararamdaman na lagi ko ding idindeny. Inalalayan ng staff si Hillary pumasok dito sa building namin. Baka siguro iaakyat na din siya sa kwarto Niya...

Pumasok na rin ako para humiga katabi ni blaster. I need to refresh my mind, hindi na dapat ako magisip pa ng kung anu-ano,  I need to make a good sleep.

Sheryl don't think about it too much..  it makes you look ugly...

Second Chance [On-Going]Where stories live. Discover now